Girlfriend for One Day By Ladywithbutterflies

Start from the beginning
                                    

" Okay. Basta isang buong araw Lang ha? Wala nang bukas o sa susunod pa" banta ng ama niya. Tumugon lang si Liz.

Masayang nagbihis si Liz ng dress na color Yellow. Nagheels siya at inayos yung buhok niya na nakalet down Lang. Nagdala siya ng shoulder bag na Chanel yung brand. Lumabas na siya ng bahay. Nginitian niya pa yung mga kapitbahay niya at sinabihan ng "Goodmorning!" At nagtaka naman ang mga ito. Madalang Lang kasing bumati si Liz sa ibang Tao. Di na siya ganun kafriendly tulad ng dati.

Nakarating na siya sa antayan nila ni Mike sa Jollibee. Naghintay siya dun for 5 mins at nakita na niyang dumating si Mike na naka T-shirt na blue at maong pants. As usual, ganun na lagi ang suot niya.

" Akala ko naka blue ka ngayon :)" ngiting sabi ni Mike. Ngumiti si Liz.

" Eh sayang naman to eh. Gamitin ko na lang" sabi ni Liz.

" Ah.. so.. Dahil sa date natin ngayon, pwede ba kita maging Girlfriend ngayon?" Tanong ni Mike. Napangiti si Liz at tumugon kaagad. Ngumiti si Mike sa reaction ni Liz pagkatapos ay hinalikan niya ito bigla sa labi ng mabilis.

" Sabi na eh. Wala ka pa ring pagbabago. Hahaha!" Tawa ni Liz. Ngumiti lang si Mike.

" Namiss kita eh" sabi ni Mike na nagpatibok ng puso ni Liz. Hindi nalang niya pinahalata. Umalis na sila ng Jollibee.

Since sila na daw ulet, magkahawak kamay silang naglalakad na nagsway sway pa ang mga kamay nila. Pareho silang nakangiti at ang iniisip Lang nila ay date Lang to at its just for one day relationship ulit sila so lahat pwede na nila gawin for one day.

Nagpunta sila ng Mall at kumain sa Reyes Barbecue.

" So kamusta pagaaral?" Tanong ni Liz.

" Okay Lang. Ikaw? Di ka pa rin ba papasok this year?" Tanong ni Mike. Umiling si Liz.

" May girlfriend ka na ba after ko?" Tanong ni Liz.

" Oo. Kaso nagtapos naman agad" sabi ni Mike. 1 year na kasi silang hiwalay kaya ganun na ang nangyari.

" Ah.." sabi na lang ni Liz.

" Bakit Hindi ka na papasok this year? Dahil nanaman yan sa parents mo? Diba sabi ko sayo na---"

" Mike, wag na natin pagusapan yan. Nandidito tayo para magdate Hindi para pagusapan ang mga nakaraan" sabi ni Liz. Ngumiti na lang si Mike.

" Tama. Sige.." sabi niya then ngumiti na din si Liz.

Matapos ng pagkain nila, magkahawak kamay silang nagwindow shopping. Tapos naglaro sila sa Timezone at nagbasketbol.

" Yes! Panalo ako! Wahaha!" Tawa ni Mike.

" Edi ikaw na!" Sabi ni Liz na sinusuntok pa si Mike sa balikat. Yung pambiro.

" Hahaha!" Tawa na lang ni Mike.

" Naalala mo dati sabi mo na 50 lang points na kaya mo sa larong ito tas ako 100? Tas sabi ko, ang galing galing mo sa basketbol kaya bakit mas mataas pa yung kaya Kong score kaysa sayo? Ikaw ha!" Sabi ni Liz na nagpaspeechless na lang si Mike.

Nagdiretso sila sa Karaoke at nagkantahan dun pero Di rin naman nagtagal. Kumain sila ng Ice cream na ang nagyaya nun ay si Mike.

" Naalala mo yung kumain tayo nun sa Ice cream shop?" Sabi ni Mike habang kumakain sila ng Ice cream. Tumugon si Liz.

Your One-ShotWhere stories live. Discover now