Chapter 42: Kyler Hendrix

1.2K 26 1
                                    

Jade PoV

"Hoy ano ba ang balak mo sa buhay tumayo kana nga jan!" Irita na sabi sa akin ni lyz, nandito kasi kami sa yoga gym, sinama nila akong dalawa ni kaori, para naman daw hindi ako mahirapan sa pag deliver nitong baby ko.

"Mamaya na kasi lyz ang sakit pa ng paa ko." Reklamo ko di ko naman kasi alam ganon pala yun kahirap mag yoga.

"Tumayo kana, dahil ihahatid na kita, baka kung ano ang gawin sa akin ng asawa mo pag naka uwi yun di ka niya makita."

"Oh bat di pa kayo naka bihis." Sabi naman ni kaori galing sa CR nag palit ng damit.

"Eto kasing si jade masakit daw ang paa niya."

"paano nayan? tawagan nalang kaya natin si alex."

"Naku wag na may meeting sila ngayon ng Chairman kaya busy yun," pigil ko sa kanya

"Anong plano mo dito kana lang?" Naka upo parin kasi ako sa yoga mat dahil nahihirapan akong tumayo.

" kukunin ko muna ang sasakyan. Para di kana mahirapan pumunta sa parking lot." Tumango lang ako kay kaori

"Kuha muna ako ng tubig, dito ka muna." Ani ni lyz

"Salamat."

Ininat ko ang paa ko at pinisil pisil yun, para akong may dalang 20 kilos ng bag dahil sa bigat ng nararamdaman ko

Sinarado ko ang mata ko ramdam ko ang pag bukas ng pintuan, alam ko si lyz lang yun kaya di kona binuksan ang mata ko.

"Tired?" Sabi nung boses na lalake kaya binuksan ko ang mata ko,  yung lalakeng kahapon. Anong ginagawa niya dito

Hindi ko sinagot.

"Not responding again."

Pinisil-pisil ko ang paa ko,  dahil naka cramps ito.

Nagulat ako ng lumapit ito at pinisil ang paa ko,

"ANO BA!?" sigaw ko sa kanya "Manyakis ka ba? o Chantsing." Galit na  sabi ko bahagya siyang napa atras.

"Relax lady, I wont do anything,  I just want to help." Rinig ko ang pag takbo ni lyz papalapit sa amin

"Jade! Okay kalang?" hinihingal na tanong niya

Tumingin siya siya sa lalake na nag pakilalang kyler.

"Anong ginawa mo sa kanya."

"I'm not doing anything,  in fact I just want to help her." Ramdam ko ang coldness sa boses ni kyler naka ngiti siya pero nandoon ang galit at kalungkutan sa mga mata niya.
Dumating narin si kaori

"Oh anong nangyari dito?" nag tatakang tanong niya

"President  kyler!?" nagtatakang sabi ni kaori at lumapit sa amin kumamay kay kyler.

"Its nice meeting you Kaori Ferrer." Ani ni kyler


Nag hihintay kami ni lyz kung anong ugnayan nilang dalawa sa wakas naman at humarap na siya sa amin.

Married to a Cold Billionaire ( Book 1)Where stories live. Discover now