Chapter 39: One Call Away

1.5K 36 9
                                    

May picture po sa baba si kaori kung nanood kayo ng alice the borderland makilala niyo siya sakto kasi sa description ko kay kaori kaya siya ang napili ko sana magustuhan niyo..









Jade PoV

Isang linggo ng laging busy si alex at laging nakatingin sa phone niya.

"Hubby may gaganapin na coming event, for the charity house." Napatigil ako ng napansin kong hindi siya nakikinig

"Alex." Pantawag ko sa pangalan niya para kasi ang layo-layo ng nilakad niya at pagod na pagod

"Sorry, ano nga ulit yun?" sabi niya

"Saan bundok ba ang inakyat mo at pagod na pagod ka, tignan mo ngayang eyebags mo." Inis na sabi ko at tinuro ang eyebags niya

"H-ha?" Naguguluhan na sabi niya

"Alex asawa mo ako, ano pa ang silbi kung hindi ka mag sasabi para matulungan kita."

"Dahil hindi naman kailangan!" nagulat ako dahil sa sigaw niya,

"Busog na ako, mag bihis kana ako na ang mag hahatid sayo." At tumayo siya naiwan akong naka tunganga dahil sa inasta niya

"My lady," pantawag ni lorein sa atensyon ko.

Binigay niya sa akin ang listahan. Ng mga bibilhin na decoration for Christmas.

"Since nandito po kayo gusto sana namin hingin ang suwetsyon mo kung ano-ano ang mg bibilhin sa Christmas party. Ngayon lang po kasi mag hahanda ng Christmas."

Sinabi niya rin sa akin, tuwing holidays daw ay pinapauwi sila ni alex at sila lang ni Maurice ang naiiwan dito, bumabalik lang sila pagkatapos ng New year.

"Kayo na po ang bahala kung ano ano dapat bilhin," at binigay ko sa kanya ang credit card.

"Lets go," tawag ni alex kaya dali dali ko kinuha ang sling bag ko at lumabas, naka sandal na siya sa sasakyan hinihintay ako. Pinag buksan niya ako ng pinto,

"Next time Dont run, baka mapano ka." Aniya at sinara ang passenger door.

Kinuha niya ang kamay ko, at nilagay yun sa lap niya

"I'm sorry kanina, I'm just tired." Sabi niya at yung mapupungay niyang mata. Tumunog nanaman ang phone niya wala itong naka lagay na pagalan kung sino ang tumawag.

"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ko ng di niya ito pinapansin

Ngumiti lang siya sa akin at pinatay ang tawag.

Walang nag salita samin habang nasa biyahe,

"Sabay ba ulit tayo mag lunch mamaya hubby?"

"I'm sorry wife pero may appointment ako mamaya sa ibang directors. We do that next time."

"Ok dont forget to eat okay," humalik ako sa kanya at lumabas ng sasakyan niya, naka abang na sa akin si cole at clover.

"Good morning maam jade," bati nila sa akin

"Good morning nag almusal na kayo?" Nag kamot ng batok si cole

"Hindi pa nga eh."

"Kain muna kayo." Tinuro ko ang coffee shop sa tabi ng building namin, "dont worry madaming guard dito."

"Thank you," nakangiti na pasalamat ni clover sa akin ngumiti lang ako sa kanila

"Good morning maam jade," bati sa akin ng mga empleyado

Married to a Cold Billionaire ( Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon