Iba-iba ang reaction namin sa chika niya.




"Diba..ang bata pa n'on?" Kunot-noong tanong ni Danny.




Tumango si Chella, "Mas matanda pa nga ako n'on. Ewan ko talaga sa kanya. Nagpapahalata ang gaga na makati talaga masyado....Ang tanong ko..ano ang nakita niya sa syota niya? Parang nandidiri ako sa kanila!" Ngumiwi siya at, "Ano kaya ang itsura ng anak nila, no?" Natatawa niyang sabi at tumawa.




Ang bata pa nun, mas matanda pa ako n'on. Hindi ba siya pinagalitan ng mga magulang niya? Ano na ba ang nangyari sa mga kabataan ngayon. Umiiling nalng ako, may mga salitang bumuo sa utak ko tungkol kay Jasmin pero hindi dapat ako mag-isip ng ganon. Hindi ko naman alam ang buo niyang istorya. Pero ang bata niya pa talaga. Si Jasmin ay kapit-bahay ni Chella at medyo malapit lang rin ang bahay namin ni Chella.




Tumigil lang kami sa pag chi-chismiss ng pumasok na ang guro ng first subject namin. Nagkinig lang ako kahit may isang parrot sa tabi ko na talak ng talak porket matalino. Hindi pa titigil si Danny sa ka daldal kong hindi pa siya pinatayo ng guro namin at pinabasa.




Pagkatapos ng oras ng guro namin ay kanya-kanya na kami nagsitayuan at kinuha ang bag namin. Mabuti na lang wala ang adviser namin na masungit kaya maaga ako nakapasok sa room ng TLE namin. Sabay kami ni Maye at si Carla na top 2 namin. Magkaklase kami sa Tle kaya kami ang palaging magkakasama papunta sa TLE room namin. Housekeeping kami nalagay at mabait naman ang guro namin.




"Ang tagal niyo?" Bungad ng kaibigan naming bakla na si Kiyo.




Umupo kami sa upuan na nakakalaan sa'min. Si Kiyo ay kaklase ni Maye noong grade 8 at si Bella. Si Cyrene naman ay kaklase ngayon ni Kiyo at Kaibigan ni Maye. Si Dianne naman ay kaibigan ni Bella na kaklase niya ngayong grade 10 at kaklase ko rin noong elementary pa kami. Nagkakaibigan kami dahil kay Maye at dahil sa subject na TLE.




"Ay, nahiya kami sayo, Bakla na hindi pinasok  kanina sa room dahil late daw!" Kantyaw pa ni Bella na kakarating lang rin at kasama si Dianne na nasa cellphone ang paningin.




Ngumiwi naman ang bakla. Tumawa kami at mas malakas ang boses ni Cyrene.




"At least maaga ako sa ikalawang subject, diba?" Depensa niya at inirapan kami. 




"Lengendary!" Sigaw ni Cyrene at sinapak si Kiyo sa braso. Ngumiwi naman ang bakla dahil sa sapak ni Cyrene.




Dalawang oras ang Tle namin dahil dalawang beses lang ang klase namin sa isang linggo. Sama-sama kaming pito lumabas para bumili ng lumpia at kanin. Snack time namin ngayon at ang ingay namin sa daan dahil sa subrang laki ng bunganga ng bakla.




"Hoy, kami ang naka una dito!" Agad nagsalubong ang kilay ni Kiyo ng may dalawang lalaki na sumisiksik sa harap namin. Subrang dami ng tao pero maliit lang ang canteen namin. May ibang  nagtitinda naman pero kahit marami, ay mas marami kaming studyante.




"Mabilis lang 'to, 'yot." Sagot ng isang lalaki na parang ka kilala ni Kiyo.




Hinawakan ni Kiyo ang suot ng uniform ng  lalaki na pilit pinapalayo sa linya. "Anong mabilis?! Eh, kong mabilisan kaya kita tadyakin diyan!"Iritado niya itong hinila palayo sa linya.




"Hoy, umalis nga kayo diyan! Maglinya naman kayo ng maayos! Dahil masama gutomin ang tigre mga hayop!" Sigaw ni Cyrene at dinuduro pa ang mga lalaki.




"Hoy, tumigil kayo nakakahiya kayo, uy!" Sita ko sa kanila. Mabuti nalang walang teacher dito.




" Sige! Ang uuna ay may butas ang brief at maitim ang pwet!" Nakapamewang na sabi ni Kiyo.




Tell me why?Where stories live. Discover now