/ML-20/

8 0 2
                                    

ELEANOR

Wala akong ibang maramdaman kundi pagkahilo. Umiikot ang paningin ko at nanlalabo ito kaya mariin muna akong pumikit hanggang sa makapag-adjust ito ng maayos.

Hindi rin ako makadinig dahil parang nag-flat line ang tainga ko.

Nakita ko ang pigura nina Mason at Tinely na kasalukuyang umuungot dahil siguro sa sakit na nararamdaman nila mula sa pagkabagsak namin.

Lahat ata ng parte ng katawan ko ay sumasakit dahil sa impact ng bagsak.

Hinintay ko munang luminaw ang paningin ko at bumalik ang pandinig ko saka ko sila tiningnan.

"Fucking shit... what the fuck happened?"

Reklamo agad ni Mason ang una kong narinig. Bakas sa boses niya ang sakit.

Huminga muna ako ng malalim at bumwelo bago tuluyang tumayo. Muntik pa akong matumba dahil medyo nahihilo pa ako pero buti na lang ay nakatayo naman ako kahit papaano.

"Okay lang ba kayo, guys?"

Tanong ko sa kanila habang pinapagpag ko ang damit ko at mga lupa na dumikit sa balat ko.

Napansin ko ang gasgas sa likod ng braso ko. Hindi naman masyadong malaki pero masakit pa rin siya 'pag nasagi.

Napapikit ako sa sakit at ininda ito dahil ayokong ipaalam sa mga kasama ko ang tungkol doon.

Ayoko silang abalahin dahil lang sa maliit na gasgas. Malayo naman ito sa bituka kaya ayos lang.

"Uhh, guys? I think nabalian ako sa paa. Hindi ko siya magalaw dahil masakit."

Kaagad akong napalingon sa kinaroroonan ni Tinley nang sinabi niya 'yon.

Nakita ko ang paa niya na halos may bali nga dahil medyo pakurba ito at medyo namamaga na.

Pansin ko na mukhang nagpa-panic na si Tinley dahil nanginginig na siya at lumalalim na ang paghinga niya.

Kaagad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.

"Mason."

Sinenyasan ko si Mason na pumunta sa paanan ni Tinley. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil pumunta na rin siya doon.

"Okay, Tinley. Try to relax. Tumingin ka lang sa'kin. Magbibilang ako ng tatlo at ibabalik ni Mason ang paa mo sa dati."

Tanging tango lang ang naisagot niya at mahinang impit.

"Mason, on three."

Dahan-dahang hinawakan ni Mason ang paa ni Tinley at hinanda na ito habang hinihintay ang signal ko.

"One--"

"Ahh! Mason!"

Hindi ko pa nakukumpleto ang pagbilang ay narinig ko na lang ang malakas na crack. Gulat akong napatingin kay Mason.

"What? Mas maganda na 'yung bigla para mainam. See? Maayos na paa niya."

Binalik ko ang tingin kay Tinley na maging siya ay nagulat pero kaagad ding sumama ang tingin kay Mason.

"Pasalamat ka inayos mo paa ko kundi sinapak na kita. Ang sakit no'n!"

Kung nakakatayo lang siguro si Tinley ay malamang sinugod na niya si Mason at sinabunutan.

"Mas masakit pag inaasahan mo kaya binigla ko. 'Wag ka na magreklamo."

Napailing na lang ako sa bangayan ng dalawa at nagsimulang pansinin ang kinahulugan namin.

Tumingala ako sa taas at nakita kong malayo na ang butas kung nasaan kami kanina pero nabibigyan naman nito ng liwanag ang pwesto namin.

Sa pwesto lang namin may liwanag pero sa paligid namin ay madilim na.

Monsterland (On-Hold)Where stories live. Discover now