/ML-13/

22 13 24
                                    

ELEANOR

Hanggang sa tuluyan na ngang sumapit ang gabi. Kasabay ng pagdilim ng kapaligiran ay siya ring pagbigat ng dibdib ko kasabay ng nararamdamang kaba na hindi ko maipaliwanag.

Masama ito. Sana naman walang masamang mangyari.

"Shit, the birds. They're back," wika ni Mason habang may tinitingnan sa kalangitan.

Tinanaw ko rin ang sinasabi niya at doon ay nakita ko rin ang mga kumpulan ng maiitim na ibon na lumilipad at nagpapaikot-ikot.

Sa tingin ko ay sila rin ang mga umatake sa amin kahapon kung hindi ako nagkakamali.

Napansin kong nagsigisingan na rin ang mga kasama ko dahil sa ingay na nanggagaling sa mga ingay na walang humpay na naglilipad na parang hindi mapakali.

"Oh God. Hindi ba't 'yan din ang nakaharap natin kahapon?" nahihintakutang tanong ni Gaia saka napatakip sa bibig.

"Sila nga," sagot ko.

"Pero hindi ko maintindihan, bakit kaninang umaga, wala namang mga nilalang ang pakalat-kalat sa paligid? Pero ngayong madilim na, mukhang magsisisulputan na naman sila? Ako lang ba 'yon o napansin niyo rin?" mabilis na pahayag ni Mason na pansin kong hindi rin mapakali sa kinauupuan dahil sa nakikita.

"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo Mason pero isa lang ang sigurado ko, the creatures only appears at night not at daylight," sagot ni Henry.

"I don't know why or how the hell did that happened pero sa ngayon ay kailangan muna nating manatili rito sa loob ng sasakyan at 'wag na 'wag lalabas." dugtong niya.

Tama siya. Ang tanging magagawa lang namin ay hintayin na makaalis ang mga sandamakmak na ibon na ngayon ay kasalukuyang lumilipad sa iba't-ibang direksiyon ng lugar.

Nakakatakot ang mga nilalabas nilang tunog at ang pagaspas ng kanilang pakpak na humahalo sa katahimikan ng paligid dahilan para malinaw namin itong marinig.

"Yumuko kayo!" babala ni Henry nang makitang may kumpol ng ibon na patungo sa kinalalagyan namin.

Rinig namin ang pagbangga ng katawan nila sa binatana, sa ibabaw at sa harapan ng sasakyan ngunit ni isa ay walang nagtangkang lumikha ng ingay sa amin dahil na rin siguro sa takot.

Nanginginig ang mga kamay ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang tumagal pa ng ilang minuto ang pag-ikot ikot ng mga ibon sa paligid ng sasakyan bago sila tuluyang umalis at naglaho sa dilim.

"Please tell me that they're gone already."

Matapos sabihin 'yon ni Gaia ay dahan-dahan naming inangat ang ulo namin at saka nilibot ang paningin sa paligid.

Nagpalinga-linga pa kami upang makasiguro na wala na ang mga nilalang.

"Sa tingin ko ay wala na sila pero hindi dapat tayo pakampante, baka may mga nilalang ulit na nandyan lang sa tabi-tabi na umaaligid," pahayag ni Henry.

Nanatili pa kami sa loob ng sasakyan, nag-aabang kung anong susunod na mangyayari hanggang sa tumunog muli ang pamilyar na sirena na narinig namin kahapon.

Ang nakakabinging tunog ay mula sa mga speakers sa paligid ay muli na namang gumimbal sa kabila ng katahimikan ng buong lugar.

Mistulang may dala na namang panibagong kapahamakan na hindi namin alam kung paano namin malalagpasan.

"Ah, shit. I think it's happening again." pahayag ni Henry.

Bagamat sa tingin ko ay malayo kami sa poste kung nasaan ang speaker ay rinig na rinig namin ang nakakakilabot at umuugong na tunog.

Monsterland (On-Hold)Where stories live. Discover now