#14

1.1K 44 0
                                    

Simula noong mangyari ang gabing iyon, pakiramdam ni Catiana ay lalo siyang bantay-sarado ng mga kasama lalo na ang lalaking noon ay tinataboy siya.

Kasalukuyan silang naglalakad ngayon. Madilim ang langit at mukhang uulan. Kumukulog din. Malapit na sila sa kabilang dulo ng bundok ngunit heto at naabutan pa nga ng masamang panahon.

"Maaabutan tayo ng ulan. We should find a place to stay for a while." sabi ni Andrei habang lumilinga-linga sa paligid.

"There's a cave not far from us. Pwede na siguro iyon?" sabi ni Samuel kaya sumang-ayon ang lahat.

Inabot na nga sila ng ulan sa pagtakbo kung kaya't mas binilisan pa nila ang pagtakbo upang makapunta agad sa kwebang tinutukoy ni Samuel.

Nagulat si Catiana nang mapansing pakapal ng pakapal ang hamog sa paligid at dinagdagan pa ng malakas na ulan. Napatigil siya sa pagtakbo at dinama ang paligid. Nahihirapan siya dahil sa malakas na ulan. Natatabunan nito ang yabag ng mga kasama.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo sa direksyon kung saan may narinig siyang yabag. Ngunit natigil muli nang mapansing kakaiba ang pakiramdam sa direksyong pinupuntahan niya. Napaatras siya nang marinig muli ang mabigat na yabag. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib. Hindi niya matukoy ang amoy niyon dahil sa amoy ng lupa.

Tumalikod siya at tumakbo muli ngunit nabunggo siya sa dibdib ng isang lalaki. Agad siyang nagpumiglas ngunit natigil din nang marinig ang tinig ng lalaki.

"Catiana! It's me." agad napaangat ng tingin ang dalaga at napayakap kay Mason. Napatingin si Mason sa pinanggalingan ng dalaga dahil ramdam niya ang kaba nito. "Let's go." sabi ni Mason at hinila ang dalaga paalis.

Ilang minuto silang tumatakbo hanggang sa mawala sila sa hamog. Naging medyo malinaw na sa kanilang paningin ang kapaligiran.

"There's a cave!" turo ni Catiana kaya hinila siya ni Mason patungo doon. Pagdating nila ay agad napaupo si Catiana sa bato dahil ramdam niya ang bigat ng kaniyang damit at katawan dahil sa pagkabasa sa ulan.

Wala dito ang mga kasama nila kaya hindi siguro ito ang kwebang tinutukoy ni Samuel.

"Are you okay?" tanong ni Mason kay Catiana.

"Yeah. I'm fine." maikling sagot ng dalaga. Hinubad niya ang suot na jacket dahil nakakadagdag lamang ito sa lamig ng katawan niya. Hinubad na rin ni Mason ang suot na damit at kumuha ng tuwalya sa bag upang makapagpatuyo ng katawan. Tumingin sa paligid si Catiana at tumayo. Dala-dala ang mga damit na pagpapalitan, ay pumunta siya sa pinakaloob ng kweba upang makapagpalit ng damit.

Paglabas niya ay bihis na si Mason.

"Maliit lamang ang kweba. Maaari tayong magpalipas dito ng gabi. Bukas na natin hanapin ang iba dahil mukhang may bagyo ata ngayon." sabi niya kaya tumango si Mason. Kinuha niya ang mga basang damit nila at inilatag sa bato.

Pumasok sila sa pinakaloob ng kweba at doon nagpahinga. Naglatag si Catiana ng kumot upang may mahigaan silang dalawa ngunit magkahiwalay. Hindi sila makagagawa ng apoy dahil basa ang mga kahoy. Wala rin namang maaaring sindihan kaya kailangan nilang magtiis sa lamig.

Ilang oras silang nasa loob ng kweba habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Tulad ng inaasahan, inabot nga sila ng gabi. Kinain nilang dalawa ang baon nilang pagkain para sa paglalakbay.

"Bakit ka pumayag na sumama sa misyong ito?" hindi napigilang itanong ng dalaga. Matagal bago nakasagot ang lalaki.

"I feel like I have help you." maikling sagot ni Mason. It's true. Sadya namang nakaramdam siya ng guilt sa lahat ng sinabi at ginawa niya kay Catiana kung kaya't sumama siya upang makabawi man lamang sa lahat ng katarantaduhang ginawa niya dito.

"Para makawala ka na ng tuluyan sa akin?" tanong niya pa. Ramdam niya ang pagkirot ng puso sa loob-loob niya. Talaga nga atang gustong-gusto niyang nasasaktan sa katotohanan. Matagal namang napatitig sa kaniya ang binata dahil doon ngunit umiwas lamang siya ng tingin.

"Makakalaya ako kahit hindi ako sumama dito but I wanted to help." sagot ng binata dahilan para matigilan ang dalaga.

"Thank you." she gave him a genuine smile. Tila nahugot ni Mason ang hininga dahil sa klase ng ngiti ng dalaga. Ramdam niya ang sinseridad sa ngiti at salita nito, at iba ang epekto niyon sa kaniya.

Napayakap sa sarili ang dalaga at mas hinigpitan ang yakap sa kumot nang humihip ang malamig na hangin.

"Come here." sabi ni Mason kaya takang napatingin sa kaniya si Catiana.

"Huh?"

"Come here." ulit ni Mason sa sinabi na nakapagpaawang sa labi ng babae. Ito ata ang unang beses niyang narinig si Mason na ulitin ang sinabi nito at mahaba ang pasensya sa kaniya.

Tumayo siya dala ang kaniyang kumot at lumapit kay Mason. Nanlaki ang mata niya nang hilahin siya ni Mason pahiga sa tabi nito. He wrapped his arms around his waist and covered the both of them with blanket. Ramdam niya ang init ng katawan nito na nakabawas sa lamig na nararamdaman niya.

"Now, sleep." tipid na salita nito kaya naman napapikit ang dalaga at mas isiniksik pa ang sarili sa lalaki hanggang sa lamunin sila ng antok.

______________________

Nagising si Catiana dahil sa narinig na kaluskos sa labas. Napakunot ang noo niya at kinusot-kusot ang mata na agad din namang nanlaki nang bumungad sa kaniyang paningin ang mukha ng lalaking mahimbing na natutulog. Tila naalimpungatan ito sa paggalaw niya kaya unti-unti rin na nagmulat ang mga mata nito.

"What is it?" napalunok si Catiana at biglang naconcious sa sarili. Bakit ganoon? Bagong gising din naman ang lalaki ngunit mabango pa din ito.

"I thought I heard a noise outside." sabi niya ngunit ramdam ang pag-iinit ng pisngi. Nag-iwas siya ng tingin at humiwalay sa pagkakayakap ng lalaki. Tumayo siya at sumilip sa labas. Basa ang paligid at putik ang lupa. Wala pang sikat ng araw at medyo madilim. Halatang dinaanan ng bagyo.

"Let's go find the others." sabi ng binata. Tumango naman si Catiana at inimis na nila ang mga kumot at inilagay sa bag.

Paglabas ng kweba ay natigilan si Catiana sa nakita. Nagtaka naman si Mason sa biglaang pagtigil ng dalaga hanggang sa makita rin niya ang talon sa mismong tabi lamang ng kweba na tinulugan nila.

"I think we just went through a portal last night."

MateWhere stories live. Discover now