#4

1.5K 44 0
                                    

Nakatitig lamang sa isa't isa ang dalawa bago kaswal na inalis ni Catiana ang pagkakahawak ni Sawyer sa kaniyang kamay. Tumigil kasi ito sa pagpupumiglas. Nauna na siyang maglakad at naiwang tulala si Sawyer habang nakatingin sa puno na tila ba nandoon pa rin ang dalaga sa kaniyang harapan. Kaswal lamang ang pagkakaalis ni Catiana sa kaniyang kamay gayong buong pwersa ang kaniyang ginamit. Hindi rin siya makapaniwala sa lakas na mayroon ang dalaga. Paano nito nagawa iyon? Hindi niya alam.

Naguguluhan siya kung paanong umabot sa ganitong sitwasyon ang lahat. Hindi niya kilala ang babaeng iyon maging ang pack na kinabibilangan nito at sigurado siyang pati si Mason ay hindi ito kilala ngunit dinakip sila ng mga ito upang gawing asawa ng babaeng iyon ang kaniyang kaibigan? Hindi siya makakapayag! Nahihibang na si Catiana!

Labag man sa loob ay sumunod siya sa dalaga dahil mahirap gumawa ng alanganing kilos lalo't hindi niya dapat maliitin ang pack na ito dahil tatlo lamang sa mga tauhan dito ay walang kahirap-hirap siyang dinakip kanina sa kagubatan upang dalhin sa lugar na ito. Ang masasabi niya lamang sa sarili ay kakaiba ito. Hindi basta-basta ang kapangyarihang taglay ng mga ito at iyon ang nagsisilbi niyang paalala sa sarili bago siya makagawa ng kilos na ikapapahamak nila ni Mason.

Kanina pa niya napapansin ang mga taong-lobo na nasa paligid nila na yumuyuko sa dalaga kapag nadadaanan nila ang mga ito. Ganoon ba talaga kataas ang rango nito dito? Kung ganoon ay baka malakas ito upang makaani ng ganitong respeto mula sa halos lahat ng tao dito. Hindi niya maiwasang mapaisip kung sino at ano ang katayuan ni Catiana sa pack na ito.

"Tara doon!" aya ng dalaga at nagulat na lamang siya nang hilahin nito ang kaniyang braso upang pumunta sa isa sa mga malaking tent na may tugtugan. Wala siyang nagawa at hindi nagkaroon ng pagkakataon na pumiglasbsa hawak ng dalaga. Napakamot ng ilong si Sawyer sa kakaibang amoy na kanina pa niya naaamoy. Hindi niya matukoy kung sino.

Nang buksan ng ilang bantay ang tent upang makapasok sila, bumungad sa kaniya ang malakas na tugtugan at ang paghiyaw ng mga tao sa bagong kasal na nagsasayaw sa gitna. Nakapalibot ang mga tao na inookupa ang gilid ng bilog at malaking tent na pinasukan nila. Sa gitna ay naroroon ang isang babae at isang lalaki na kapwa nakasuot ng pormal na damit na kulay puti.

Naramdaman niya ang kamay ng dalaga na hinila ang braso niya upang makapunta sa pwesto kung saan kitang-kita nila ang nasa gitna. Napangiti ng malawak si Catiana at maya-maya'y nakihiyaw na rin sa mga tao. Nakatitig lamang at nagmamasid sa paligid si Sawyer. Nagtataka ang binata kung bakit kanina pa siyang may naaamoy na mabango ngunit hindi niya matukoy kung nasaan. Kung tama man ang naiisip niya ngayon ay nakaramdam siya ng pangamba.

Hindi maaaring ang kabiyak niya ay kasapi sa pack na ito na dumukot sa kanila ni Mason!

"Ate!" napalingon si Catiana sa tumawag sa kaniya. Agad napalitan ng gulat ang nakangiting ekspresyon niya na tila hindi inaasahang makikita niya ang kapatid sa kasiyahang ito.

"Mabuti at pinayagan ka ni kuya na lumabas ng iyong kwarto." napakamot ng leeg ang kaniyang nakababatang kapatid na si Cassandra. Ang alam kasi niya ay grounded pa rin ito dahil sa pagcucutting classes noong nakaraan linggo. Bilang parusa ay si Calvin ang inatasang magbantay rito.

"Hindi nga ako pinapakawalan." sabay turo sa kaniyang likuran at natawa nang malakas si Catiana noong makita ang kaniyang Kuya Calvin na nakasimangot sa likod at dinudumog ng mga babae. Gwapo naman kasi si Calvin at malakas talaga ang dating. Hindi nakapagtatakang popular ito sa kababaihan ng kanilang pack.

Napatingin si Cassandra sa katabing lalaki ng kaniyang ate at hindi mawari ang emosyong namumuo sa kaniyang kalooban. Hindi alam ni Sawyer kung anong klaseng pakiramdam ito ngunit alam niyang nang oras na magtagpo ang mata nila ng dalaga ay nagbago ang kulay ng mata nilang pareho. Tila may pwersang humihila sa kaniya papalapit sa dalaga.

MateWhere stories live. Discover now