#13

1.1K 51 0
                                    

Nanigas sa katayuan ang dalaga nang marinig ang napakapamilyar na tinig na nagmumula sa kaniyang likuran. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan at sobrang lakas na kabog ng kaniyang dibdib.

Ngunit imposible! Daang taon na ang nakalipas! Patay na ang taong ito!

"D-daniel." utal na pagsambit niya sa pangalan ng nilalang na nasa kaniyang likuran.

Hindi pamilyar sa kaniya ang amoy ng lalaki. Hindi na ito kasing bango noon. Noon ay tila isa itong bulaklak at mangga sa kaniyang pang-amoy ngunit ngayo'y kakaiba. Tila isa itong kauri nila!

Ramdam niya ang lalong paghaba ng kaniyang matutulis na kuko at ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mata. Alam niyang kulay asul na ito ngayon.

"Hindi ka ba natutuwang makita akong muli?" pinigilan niyang mapapikit sa pamilyar na lambing ng tinig nito ngunit wala siyang kasiguraduhan kung mapagtitiwalaan ba niya ito dahil hindi na ito isang tao ngayon.

"Papaanong nabuhay ka?" naging seryoso ang tinig ni Catiana.

"You left me." ramdam niya ang pait sa boses ng lalaki. Nakonsensya na naman ang dalaga nang maalala ang dating pangyayari.

"Kailangan nating balikan si Daniel!" wika ng dalaga sa kaniyang mga kapatid.

"Pero ate kapag nahuli ka ng mga tao ay maaari ka nilang patayin!" sabi ni Connor sa kapatid at pilit itong hinihila paalis ngunit nagulat siya nang tumilapon siya sa pader.

"Patawarin mo ako, Connor. Pero naroroon ang mahal ko! Hindi ko kakayaning mawala pa siya sa akin ulit." iyak ng dalaga at sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin ng binata. Napasuntok sa semento si Connor at napasuklay ng buhok.

"Daniel!" tawag ng dalaga habang nagtatakbuhan at nagkakagulo ang mga tao. "Daniel!!" mas malakas na sigaw niya.

"AHHHH!" agad napatingin ang dalaga sa direksyon kung saan niya narinig ang sigaw ng kasintahan. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib at agad na tumakbo kung nasasaan ang kasintahan.

Ngunit huli na siya...

"DANIEL!!!!" palahaw ng dalaga nang makita niya kung paano tumagos sa puso ng lalaki ang isang pana na nagmula sa kakahuyan.

Umagos ang dugo sa bibig ng kasintahan kaya kaagad siyang dinaluhan ng dalaga. Umubo-ubo ng dugo si Daniel at nakatakas mula sa mata nito ang isang butil ng luha.

"M-m-mahal na m-mahal kita, Catiana." nahihirapang saad ng lalaki sa dalagang walang tigil sa pagluha.

"Shhh shh! Huwag ka ng magsalita, mahal ko! I-ililigtas kita! Huwag kang mag-alala, hindi ka mamamatay!" umiiyak na sabi ng dalaga at akmang kakagatin ang sarili nang hawakan ni Daniel ang kaniyang kamay.

"I-ilig--tas mo na ang s-sarili mo." sabi ng binata kaya agad umiling ang dalaga ngunit may pares ng kamay ang humawak sa magkabila niyang braso.

"Catiana! Kailangan na nating umalis!!" nagmamakaawang tiningnan ni Catiana ang panganay na kapatid.

"Hindi!! Hindi ko iiwan si Daniel!! Kuya nagmamakaawa ako!" umiiyak na sambit ng dalaga at itinulak ang kapatid. Tumilapon si Calvin ngunit agad ding nakabawi. Ngayon ay ang limang kapatid na ang lumapit kay Catiana at hinila siya papalayo sa naghihingalong binata.

"HINDI! BITAWAN NIYO AKO! DANIEL!! MAHAL KO!!!" tili ng dalaga. Kitang-kita niya ang huling ngiti sa kaniya ng kasintahan bago tuluyang pumikit ang mata nito at bumagsak ang kamay. Wala ng buhay. "DANIEL!!!!"

"Naaalala mo ba, mahal ko? Kung paano mo ako iniwang naghihingalo sa lupang iyon?" tumulo ang luha mula sa mga mata ng dalaga. Hindi siya nagsalita at pinahid lamang ang kaniyang luha. Nanatili siyang nakikiramdam sa paligid.

Napatingin siya nang isang kamay ang lumabas sa kaniyang harapan. Mula sa dilim ay lumabas ang lalaki at tila nanghina ang dalaga nang masilayan ang mukha ng dating kasintahan.

"Sumama ka sa akin. Hindi ba't mahal mo ako?" nanatiling nakaalok ang kamay ng binata sa kaniya. "Sumama ka sa akin, Catiana. Tayo na at magpakasal." napatitig si Catiana sa kamay na nasa harapan. Napakaputla ng binata. Hindi pangkaraniwan para sa isang taong-lobo. Tila ba... Isang patay na nabuhay muli.

Napakuyom ng kamao si Catiana hanggang sa naramdaman niya ang pag-agos ng dugo sa kaniyang palad gawa ng pagbaon ng kaniyang matutulis na kuko. Pilit niyang ginigising ang sarili sa nararamdaman. Wala siyang nararamdamang pwersa ng pagiging magkabiyak na nakapagpapagulo sa kaniyang isipan. Si Daniel ang dati niyang kabiyak. Ngayon na buhay ito, bakit hindi niya maramdaman ang pagiging kabiyak nito? Bakit wala siyang ibang naamoy na mabango na nagmumula rito? Bakit wala siyang nararamdamang atraksyon?

Napapikit ang dalaga sa pag-iisip at sa pagmulat nito ay lumabas ang pangil niya. Inatake niya ang dating kasintahan at ikinagulat pa niya na nasasanggahan nito ang bawat atake niya.

"Catiana, hindi mo na ba ako mahal?" hindi sumagot ang dalaga at nagulat siya nang may dumating na iba pang lobo na kasing-putla din ng lalaki at inihagis siya palayo sa binata. Tumilapon siya at inasahan ang pagtama ng kaniyang likuran sa isang puno ngunit nanlaki ang mata nang isang pares ng braso ang yumakap sa kaniyang bewang at nasalo siya sa pagtama sa puno. She also heard the growl of an Alpha.

Nanlalaki ang mga matang nag-angat ang tingin niya sa binatang nakayakap sa kaniyang bewang ngayon na tila ayaw siya nitong paalisin sa kaniyang tabi.

"Mason..." nasambit niya.

Rinig din niya ang pagdating ng iba pang mga kasama. Agad humarang sa kaniyang harapan si Connor.

Akmang aatake si Mason sa mga lobo ngunit mabilis na nakatakbo ito sa tabi ng lalaking nakatayo sa kanilang harapan.

"Siya ba ang dahilan, Catiana?" Napalunok si Catiana sa naging tanong ni Daniel. "Pag-isipan mo ang sinabi ko, mahal ko." at pagkasabi niyon ay nawala na ito sa paningin nilang lahat.

Agad siyang hinarap ni Andrei at hinawakan ang pisngi at braso na tila tinitingnan kung may galos ba ito o wala.

"Ayos ka lang?" tanong sa kaniya ng binata kaya tumango siya.

Dinumog siya ng katanungan ng mga kasama ngunit ang kaniyang paningin ay nakapako sa lalaking nakatayo lamang at nakatitig sa kaniya. Agad kumalma ang sistema ng dalaga dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng binata. Bumalik sa dating kulay ang kaniyang mata at nawala ang matutulis niyang pangil at kuko.

Isa lamang ang nasisiguro niya sa oras na iyon. Iisang tao lamang ang nagmamay-ari ng puso niya at walang iba kundi ang lalaking tinitingnan niya.

MateWhere stories live. Discover now