"Look at the left part of the audience"
Sabi niya bigla kaya kumunot ang noo ko. Tumayo ako ng tuwid at tumingin nga sa sinasabi niya.. Pero wala namang ibang kakaiba?




"As requested, we're going to sing 'Dahan' by December Avenue.." sabi ko naman gamit ang mikropono. Naghiyawan ang mga bitter at nagpalakpakan pa sa tuwa kaya napa iling iling nalang ako.


"As you can see, wala ang male vocalist.. He has.." i paused, not knowing what to say next..

He has what, Rose?
Maski nga ako ay hindi alam kung anong meron sa kanya ngayon kaya hindi niya kami masasamahan dito.


"He has some errand to run.. Would you still want to hear the music from me only?"
Tanong ko naman.


Sumagot silang lahat ng 'no problem' kaya napanatag ang loob ko't napangiti. Nakita ko rin ang Syclups sa gilid ng venue except kay Stell. Andito rin si Rain na binigyan lang ako ng thumbs up at maliit na ngiti kaya lalo akong naging confident.

"Dammies" sabi ko at lumingon sa kanilang tatlo. "Larga!"


Napangiti sila Jerald at Kia. Daniel started strumming his guitar together with Kia.. Paunti unti na ring tumutugtog ang drum ni Jerald.. And then i started singing the verse 1, which is supposed to be his part.





"Di na muling luluha
Di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan"



Tumahimik ang lahat at in-on nila ang kanya kanya nilang mga flashlight sa phone at inangat nila sa taas para sabayan ang kanta ko. Medyo madilim na rin kasi hapon na kaya ang ganda ng dating.


"Di na makikinig
Ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang
Ikaw ang iniibig ko"



Napapikit ako ng wala sa oras para lalong madama ang kanta..kasi tagos na tagos yun sa akin.. Sa bawat pagpikit ko ay tanging siya lang ang nakikita ko..




"At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan"



Itinaas ko na rin ang kaliwang kamay ko habang ang isa ay nakahawak sa mikropono at sinabayan silang i-swing ang kani-kanilang mga kamay.




"Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan"


Sumakto ata sa mood ko yung kanta kaya may naiiyak ng estudyante doon sa bandang likod. Sila naman nag request ng kantang ito eh..



"Hindi na papayag na
Ako'y iyong saktan
Na muli at malimutan
Ang ating nakaraan"


Lumakad lakad lang ako sa kabuoan ng stage para malibang at hindi maestatwa sa kinaroroonan ko kanina.



"Di mo ba naririnig
Pintig ng aking dibdib
Lumalayo na sa'yo
Ang damdamin ko"




Nagulat ako nang bigla ko nalang makita ang mukha niya sa bandang kaliwa ng mga audience, naka-krus ang braso sa dibdib, at tahimik kaming pinagmamasdan.




"At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan"



Kanina pa ba siya dyan? Kaya ba pinapatingin ako ni Daniel dyan? Pero bakit hindi siya lumapit? Bakit mas pinili niyang magtago dyan kesa pumunta sa tabi ko at kantahin ang kantang sabay naming inensayo?






"Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan"




Nakatitig lang siya sa akin habang walang emosyon sa mata kaya sinabayan ko iyon habang kinakanta ang chorus. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko at parang kaming dalawa nalang ang andito, magkaharap sa isa't isa.


Bakit ganyan na ang mga tingin niya?
Sobrang.. Sobrang daming nagbago..

"Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan"




Inulit ko lang ang chorus habang hindi pa rin inaalis sa kanya ang tingin. Nang matauhan ay bigla nalang siyang umiwas ng tingin at umalis na parang walang nangyari..



Napangiti ako ng mapait at itinuon nalang ang paningin sa iba. Kailangan kong tapusin ang kantang ito kahit...kahit masakit..





"Dahan dahan mong...
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan.."



Nag cool down ang banda pagkatapos ng ending.. Nag bow ako saglit bago tumakbo pababa at agad na hinanap si Stell, nagbabakasaling maabutan ko pa siya.



Nilibot ko ang buong venue para hanapin siya, gusto ko pa sanang sumigaw pero ayaw kong maka-agaw ng atensyon, sikat pa naman siya dito..


Tumakbo ulit ako at naghanap sa corridor. Only to found him there, talking to a girl..with a graceful smile..



"Sure, sure. May alam akong restaurant nearby, dun nalang kaya tayo pumunta?"
Malambing na tanong niya doon sa babae.



"Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis, halika na nga!"
Tumawa pa yung babae bago humawak sa braso ni Stell hanggang sa tuloyan na silang nawala sa paningin ko.




Naestatwa ang buong katawan ko doon at hindi makagalaw.. Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko yung ngiti niya doon sa babae..



Sarkastiko akong tumawa at napa-upo nalang sa sahig. Napahawak ako sa noo ko nang magbadya ang mga luha. Teka, bakit ako naiiyak?



"Ang daya mo Stell, bakit ikaw may kadate?"
Tanong ko sa kawalan at muling tumawa ng..mapait



Umiling iling pa ako habang may ngiti sa labi, pinipigilan ang mga luha..




"Bakit.. B-bakit hindi nalang ako?"






I've Been Here (Syclups #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt