Simula

11 0 0
                                    


Papalubog na naman ang kulay kahel na araw. Kapag ganitong mga oras ay nagmamadali akong mag-online para maki-balita sa kanya. I hurriedly picked up my phone, natigil lang nang makita ang picture na natanggap galing sa kaibigan.

Ang tagal na nun kaya bakit hindi ka pa  nakakapag-move on? I blinked twice as my old classmate's voice enters my mind.

Kapag ba matagal nang nawala dapat mabilis ding kumawala? Paano kapag hindi mo alam saan magsisimula?

Napasulyap ako sa kaninang ginagawa.
My art materials where scattered on the wooden desk. Amoy ko ang matapang na kape sa loob ng kuwarto.

Orange, Poem O8.

Do I still like you that I always think of you, Or do I think of you because I still like you? Neither the two options were danger to my soul. I'd rather not find the answer at all.

Unti-unting nabasa ang kulay kapeng papel na kanina ko lang ginawa. Ang duwag ko para talikuran ang mga bagay na wala namang bilang. Sobra akong makasarili para ipilit ang sarili sa bagay na hindi ko na dapat hawak. Isang katok sa pinto ay mabilis akong tumalikod at pumunta sa banyo. I heard  the door creak as I washed my whole face. Nanatili ako roon, nagsasabon ng mukha habang nasa kama na ang mas bata kong kapatid.

"Umiyak ka?"

Kinuha ko ang pamunas at kalmadong naupo sa kama. "Naghilamos, Guin."

Tahimik siyang nakahiga at nakatingin sa cellphone ko na hawak niya. Umirap ako at kinuha iyon nang hindi nagsasalita.

"Nakita ko ang kalat mo. You won't wash your whole face after writing your shits."

I didn't react. I couldn't. Hanggang ngayon hirap parin ako na magtago ng mga bagay-bagay sa kanya. Parang kahit anong gawin ko, may alam siya. Kahit werdong kilos, napapansin at nakikita niya.

"Why don't you make something worth of your time?" Si Guin.

Dahil kinuha ko ang phone, sa mga naiwang papel na naman siya ngayon nangingialam. Mabilis ko iyong kinuha at iniligpit sa box para hindi niya na makita.

"Modules mo!" Sinipa ko ang mga nagkalat na envelope.

"Malapit na ulit birthday ko pero traffic pa din yung gift mo!"

Tinigil ko ang ginagawa dahil sa narinig. Wala akong pera at lalong wala akong trabaho para magkapera.

Senior High palang ako noh! Saan ako kukuha ng pera?

Come to think of it, bakit ba laging ako yung pini-pressure niya eh siya din naman walang binibigay ah! Umirap lang ako at naglinis ng kuwarto para hindi na kami pagalitan ni mama.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto. Nasa kama na si Guin at naglalaro ng video games. Halos isang taon yata akong walang maayos na tulog kaya siguro kitang-kita ang lalim ng mga mata ko. Binuhay ko ang phone at nagsimulang magbasa. Sinabi ko na sa sarili ko na maaga akong matutulog dahil maaga akong gigising kaso nakalimutan ko.

4:34 AM.

Halos itapon ko ang phone dahil sa kaba. Shit! Lumagpas na naman ako sa linya!

"Late na naman kasi natulog! Ayan, puyat na naman!" Si Tita habang tinatanong ako ni Mama.

Nasa lamesa kami ngayon para sa breakfast. It's a Sunday kaya nandito silang lahat, hindi papasok at buong araw narito lang sa bahay.

"Ate, anong sabi ko tungkol sa pagpupuyat mo?" Si Mama. "Na masama yan sa kalusugan—"

"Yes ma, I'm sorry. Hindi na po mauulit," I lied for the hundred times.

After a long week of staying at home without doing anything, I felt exhausted. I tried to read another set of manhwa instead of reading my untouched modules. Mas nalilito tuloy ako if I will do modules or not so I didn't think about it nalang to avoid confusion.

SunsetWhere stories live. Discover now