Chapter 44

884 81 68
                                    

"John, tell me what you know please" maotoridad na tanong ni Irene sa kararating lang na si John sa opisina niya. Her eyes is full of coldness.

Nakaupo siya ngayon sa swivel chair nakahawak sa kaniyang noo. She's tired of all the things that had happened. Mas lalong nagiging kumplikado ang lahat dahil sa kapalpakan niya. She never imagined that she would wake up with Greggy and worst, na frame up pa siya nito.

"Ma'am. I heard, aalis daw si Pacifica as soon as possible"

Agad na napatayo si Irene sa narinig niya. Her eyes widened and become teary "What? S-saan?"

"Iyon ang hindi ko na alam Ma'am. Ang kaibigan lang ni Pacifica ang nagsabi sa akin. Ayaw magsabi eh"

"D-Do you know Pacifica's address?" tanong niya na mukhang susugod kung nasaan si Pacifica. Kung totoong aalis ito, she needs to know where. She needs to stop her from leaving at umaasa siya na mababago pa niya ang isip nito.

"Yes Ma'am. I've been there. Inutusan ako ni Mrs.Meldy na ibalik siya but she refused. Ayaw na niya, Ma'am. Hindi na raw siya babalik""

Halos madurog ang puso ni Irene. Ibinato niya lahat ng bagay sa harapan niya.

"Drive me papunta sa address niya. Let's go!"

It's now or never. Kahit na wala siyang mukhang kayang iharap kay Pacifica, kailangan niyang lakasan ang loob niya thhis time dahil siya lang din ang mahihirapan kapag umalis ito. Hindi niya kakayanin na mawala pa ito ngayon. This is her only chance. Hindi naman dapat siyang ma-guilty, pero bakit siya natatakot? Natatakot siyang harapin si Pacifica. Natatakot siya sa possible nitong ibatong mga salita sa kaniya. Hindi na niya alam paano dedepensahan ang sarili niya.

"Sigurado na po ba kayo Ma'am?"

"I am John. Mukha ba akong nagbibiro? Hindi ito ang oras para magdalawang isip pa ako. So now, please bring me there"

"Yes Ma'am"

They rushed to the parking lot kung saan ipinark ni Irene ang kotse niya. Tagatak na ang mga luha sa kaniyang pisngi. Nag-aalala siya. Inaasahan na niya na ipagtatabuyan siya ni Pacifica, pero kailangan niya ng makapal na mukha para harapin ito. Ipapaliwanag niya ang lahat. Wala siyang pakialam kung maniwala man ito o hindi sa kaniya basta masabi niya ang totoo. She didn't cheat. Kailan man, hindi niya magagawang lokohin si Pacifica dahil sobra niya itong mahal.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa inuupuhang apartment ni Pacifica. Lumabas siya ng kotsse at kahit na kinakabahan ay pangangatawanan niya ito.

She knocked three times, at pagbukas pa lang ng pinto, nagulat siya dahil hindi si Pacifica ang bumungad sa kaniya kundi si Dawn.

"Dawn?What are you doing here?" nagtataka nitong tanong. Hindi ang mukha ni Dawn ang inaasahan niyang unang masisilayan.

"Hindi ba't ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Bakit ka nandito,Irene? Bakit pumunta ka pa rin pagkatapos mong saktan si Pacifica?"

Irene smirked at her "Wala kang alam kaya papasukin mo'ko. Kailangan naming mag-usap ni Pacifica"

"Iba ka rin talaga Irene ano. Alam ko ang lahat, at hindi ko lubos akalain na magagawa mo yon! Kaya umalis kana, dahil masasaktan lang si Pacifica kapag nakita ka niya!"

Tinulak ni Dawn for the first time si Irene. Mukhang magkakaroon na ng lamat ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Epal ka pala eh" Sampal ang naging tugon ni Irene sa kaniya sabay tulak.

John just stared at them, relaxed. Kilala niya ang dalawa at tiwala siyang hindi naman sila magpapatayan.

"Anong nangyayari?!! Dawn!!" Lumabas si Pacifica at agad na lumapit kay Dawn na nakaupo sa sahig, hawak nito ang pisngi niya kung saan siya sinampal ni Irene.

Her Personal MaidWhere stories live. Discover now