Chapter 5

10 2 0
                                    

Happy reading hearts! Keep safe po :)

CHAPTER 5
FIRST DAY

I yawned as I entered the company building. "Good morning, Ms. Galacia!" I smiled at the guards and greeted them as well.

Sinalubong naman ako ni Krister at sumabay sa aking paglalakad. I massaged my temple as she lay my schedules for today.

"Krister," I snapped her. Mula sa pagcheck ng schedules sa kaniyang IPad, dumapo ang kaniyang mga tingin sa'kin.

"Yes Ma'am?"

"Pwede bang magpadeliver ka ng breakfast? I didn't take a breakfast kanina dahil late na." I said and she immediately grab her phone from her bag. But then she was about to dial when she suddenly stopped.

Napatingin siyang muli sa'kin. "Wait, diba po ngayon ang first day ng nutritionist niyo?" namilog ang aking bibig nang maalala na may nutritionist na pala ako.

"Oh my, I forgot. Sorry, sige, sa kaniya ka nalang magpaluto ng breakfast ko. Send me in my office directly, nagugutom na ako eh." I said, agad naman siyang tumango at pinagbuksan ako ng pinto ng aking opisina.

"Should I make you coffee instead? Hindi ko po sure kung ilang minuto bago maihanda ang breakfast niyo."

"No, it's okay. Nagcoffee naman na ako sa bahay." tumango nalang siya.

Nagpaalam rin siya kaagad, dahil uutusan niya ang aking nutritionist na gawan ako ng breakfast.

Thinking na may sariling nutritionist na ako ay sobrang nakakapanibago. Yes, I'm a health conscious, pero hindi naman umabot sa point na magpapanutritionist pa talaga ako. Para akong baby damulag.

I do proper diet and exercise. I can even be a high paid model dahil sa kagandahan ng aking katawan at mukha. May instructor naman ako about sa body ko. Hindi ko na talaga kailangan 'yang nutritionist na iyan.

So, to keep that pester away, I need to start my plan right here, right now. A plan a day, keeps the nutritionist away!

Oplan tanggal nutritionist tayo.

I sat on my swivel chair and stretched my arms as i yawned. Nakulangan ako sa tulog dahil sa nangyari kahapon dito sa office, ay natuloy ang ginawang kahalayan namin ni Cohen sa condo ko.

Wala siyang work kahapon kaya may oras talaga siyang gambalain ang natutulog kong bulaklak. But now, may meeting siya kaya kaninang umaga lang kami nag-usap. Well, he said that he'll call me naman when he's free.

I started checking the folders on my desk at pinirmahan ang mga iyon. Until someone knocked.

"Come in," I said habang busy parin sa mga papeles.

"Good morning, Ms. Galacia. Ms. Krister told me that you haven't take your breakfast. Kaya...nandito na po." natigilan ako sa pagpipirma at itinaas ang tingin sa kaniya.

A smile on his lips makes my heart melt. Agad kong inayos ang aking itsura at ngumiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

"Oh, thank you for making me breakfast." I stood up and go near him.

"Nagugutom na ako eh." pag-iinarte ko pa and slid my hand on his gently. "Can I eat you?"

"P-pardon me, Ma'am?" tanong niya pa na mukhang hindi gustong paniwalaan ang narinig.

"I said, can I eat these now? My breakfast?" nakangiti kong sabi na ang mga kamay ay nasa tray na ng pagkain. I secretly smirked at what I said to him earlier. Nice, Kyleigh.

"A-ahhh...s-sure, Ma'am. I'll leave it here po." inilapag niya ang tray sa mesa at isa-isang inilagay ang mga pagkain sa mesa.

I smiled at him and take a seat. "Ang dami naman, thank you so much." overwhelming kong sabi. He giggled and bowed his head slightly.

Owning Ms. CEOWhere stories live. Discover now