Chapter 3 - Usap Lang Sana

Start from the beginning
                                    

Kristoff Diaz.

So siya si Kristoff? Hmm.

Kristoff: Hi! This is me, kausap mo kanina.

- Hello! Salamat sa pag-add.

Kristoff: Thank you for accepting my message.

***

Ilang araw ang nakalipas ay magkausap pa rin kami ni Kristoff. Parang alam ko na talaga kung saan to papunta. Natatakot tuloy ako.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang notebook ko at nagsulat ng message for myself.

“Lexi, hayan ka na naman. Sira ka ba? Paano kung ma-attach ka d’yan kay Kristoff? Hello! 3 days na kayong magkausap, ano?! I-remind lang kita, oo. Alam mo naman sarili mo madali kang ma-attach, ‘di ba? Kay Ken nga kahit online mo lang nakilala iyon parang gumuho mundo mo nung iniwan ka niya, e! Hindi mo kilala si Ken pati na rin si Kristoff, ah, Lexi? Umayos ka nga. Alam mo, honor student ka sana pero sa pag-ibig, ayaw ko nalang mag-talk! Paano kung masasaktan ka ulit d’yan, e, balik ka ulit sa dating gawi? Iyak, pahid luha, iyak, pahid luha? Gusto mo ‘yon?!”

Sa isip ko para akong sumigaw sa sulat. Talagang kinakalaban ko ang sarili ko na pagdating sa attachments. Dapat kasi natuto na ako kay Ken.

Bakit pa kasi binigay ko ang pangalan ko sa Facebook kay Kristoff, e.

***

“Okay, ten minutes break muna,” wika ni Madam Sunshine sa amin.

Ayos. Pumunta ako ng CR para mag-cellphone. Forbidden kasi kaming mag-cellphone inside the classroom or even sa campus kahit pa break time naman. Kasi once makita kaming nagcecellphone, automatic confiscated ang mga cellphone namin. Okay lang, nasasanay naman na kami.

Pagkabukas ko ng Messenger, bumuluga sa akin ang pangalan ni Kristoff. Ngumiti ako pero agad ko ring pinawi. Hindi na tama ‘to, masaya na ako kapag may message ako galing sa kanya.

“Hi, Lex! How are you? I hope you’re doing fine.”

Napangiti ako sa nabasa ko. So he is thinking of me. May kasunod pa pala ito.

“Alam mo, Lex, I really find you unique. Ikaw iyong tipo ng babae na hindi cheap, hindi madaling makuha and not to mention that you’re cute.”

Sa sobrang kilig na naramdaman ko, na-press ko ang off button ng cellphone kaya biglang nawala sa paningin ko ang message niya. Agad ko namang nakita ang reflection ng sarili ko sa naka-off na cellphone na nakangiti. Bahagyang lumaki ang mga mata ko sa nakita.

I am smiling?!

Mabilis kong in-on ang cellphone at nag-reply ako kay Kristoff.

“Hello. Thank you for asking. Okay lang ako. At salamat sa compliment mo, hindi ko alam saan ka kumuha niyan pero salamat hehe.”

Lalabas na sana ako nang mapansin kong may lumitaw na message.

“Hey! You're online!😁”

Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko sa kasalukuyan pero parang masaya siya na online ako. Hindi na tama ito.

“Oo, pero pa-out na rin ako. Bye!”

Iyon lang at hindi ko na siya hinintay na mag-reply baka matagalan pa ako dito sa CR.

Maya-maya, nakapasok na ‘ko sa classroom.

“Kumain ka ba sa CR?” tanong sa akin ni Maureen sa likod dahilan upang harapin ko siya.

“Sino naman ang kakain sa CR, aber?!""

Tumawa lang siya bilang sagot kaya napasimangot ako. Ano bang klaseng tanong ‘yon.

“Eh, ba’t ang tagal mo?”

“Natagalan ba ‘ko? Hindi naman, ah,” depensa ko.

“Nag-chat ka kay Kristoff, ano?”

“Oo, pero nag-reply lang ako. ‘Yon lang.”

Kiniliti niya pa ‘ko sa leeg dahilan para matawa ako. Hinampas ko pa siya sa braso niya. Natigilan kami sa ginagawa nang pumasok bigla si Madam Sunshine sa classroom.

“Go back to your seat,” kalmang sabi nito.

Humarap na ‘ko at umupo nang maayos.

“Attach ka na naman,” bulong sa akin ni Maureen galing sa likod. Tiningnan ko lang siya at inirapan.

***

“Feeling ko mature siya, Mau,” wika ko kay Maureen. Nakasakay kami ngayon sa tricycle, pauwi na.

“Bakit mo nasabi?”

“Sa mga words niya. Sa typings niya, kompleto.”

“Para do’n lang, nasabi mo nang mature iyang si Kristoff?!"

“Feeling ko nga lang, ‘di ba? Feeling lang. ‘Eto naman!”

“Feeling-feeling ka d’yan. ‘Pag ikaw magkakaroon ng feeling d’yan, ewan ko nalang talaga sa ‘yo,” aniya.

Hindi ako sumagot. Siguro tama siya. Habang maaga pa, itigil ko na dapat ito. Inaamin kong medyo masaya na ako sa tuwing nakakausap ko na siya at parang ganoon din si Kristoff sa akin. I must remember, dito kami nag-umpisa ni Ken na nauwi rin sa pagiging wasak.

***

Base sa bilang ko, ika-apat na araw na ngayon mula nung nag-umpisa kaming mag-usap ni Kristoff. Taga-Bulacan din pala siya at nag-aaral, Grade 12 din gaya ko. Medyo may pagka-similar kami dahil mahilig kami sa buwan at mga bituin.

Inaantok na ‘ko kaya napagpasiyahan kong magpaalam na kay Kristoff upang matulog.

“Good night, Lexi. Can I say something?”

Bahagya namang nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka kung ano ang sasabihin niya. At the same time, kinakabahan din ako.

“Ano ‘yon?”

“You always manage to make me smile every night.”

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Hindi ko inasahan ‘yon. Maya-maya ay nakaramdam ako ng kung anong kuryente sa katawan at napangiti rin ako kalaunan.

“Hahaha. Luh.”

‘Yon lang ang reply ko at in-off ko na ang cellphone. Pumikit ako.

“Na-miss ko ang kiligin,” I thought.

***

“Hayan na nga ang sinasabi ko sa ‘yo, Lex," umpisa ni Maureen sa kanyang sermon.

Kinwento ko sa kanya ang pag-uusap namin ni Kristoff kagabi, pati ‘yong sinabi niya sa akin na I manage to make him smile. Naisip ko, okay lang kasi six months naman na ang lumipas. Naka-move on naman na ako kay Ken.

“Hindi nga ‘to, Mau. Matitigil din ‘to,” depensa ko ulit.

“Kailan pa?”

***

Sa kasalukuyan ay nasa tricycle na kami ni Mau. Bitbit ko ang cellphone ko dahil magkausap kami ni Kristoff. In-update ko siya na pauwi na kami.

“Lex, can I say something?”

Agad talaga akong kinakabahan kung magtatanong siya ng, “Can I say something?” kasi feeling ko kikiligin na naman ako or magugulat ako sa sasabihin niya.

“Ano ‘yon?”

“I love you.”

Literal na nanlaki ang mga mata at bumilog ang bibig ko. Parang sasabog ako sa tricycle sa naramdamang kuryente sa katawan. Pinakita ko si Maureen sa sinabi ni Kristoff. Tumawa lang siya nang mahina. Kung ako lang ang nag-iisa sa mundo, baka marinig lahat ng hayop kung sisigaw ako.

Limang minuto bago ako kumalma at nagpasyang mag-reply kay Kristoff.

“I love you too.”

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now