" Kilala niyo po ako? " Nagtatakang tanong ko naman

"  Hindi iha, eh nakita kita diyan na nakahiga hubo't-hubad, ano bang nangyari sayo ha ginahasa kaba? "

Sasabihin ko ba sa kanya na nasa langit ako galing or wag nalang baka sabihin pa nitong matandang babae na baliw ako, okay secret nalang.

" Ahh ehh hindi ko po kase natatandaan eh "

" Hajakahaka " tumunog ang tiyan ko, sa sobrang gutom yata.

" O sige pumasok ka muna at papakainin kita halatang gutom na gutom kana eh "

" San po ako papasok? Sa school? "

" HAHAHA iha naman andiyan oh sa bahay nayan " turo niya naman sa isang bahay na ubod ng laki.

" Kayo po may-ari netong bahay natoh? " Tanong ko ulit habang nakahawak sa telang nakabalot sa katawan ko

" Hindi, katulong lang ako dito iha tara na " aya naman ng matandang babae kaya tumango lang ako, mukha naman siyang mabait kaya sumama na ako, eh hindi ko pala alam kung ano ang misyon ko lintik naman si Pinuno paano ko magagawa yun kung hindi ko alam, di ba siya nag-iisip? Hayst.

Pumasok na kami ng matandang babae sa bahay na malaki, namangha lang ako sa sobrang ganda at sa sobrang laki ng bahay, halatang maraming nakatira dito. Ganto rin naman bahay namin pero hindi ganto kalaki pero maganda din.

Pagpasok namin sa loob ang tahimik,wala bang tao dito sa bahay natoh grabe.

May sumalubong naman sa aming isang babae na kaseng edad ko lang, at nakasuot din ng kagaya sa matandang babae.

" Nang sino yan? " Tanong naman ng babae habang nakataas ang isang kilay saken.

" Ehh– " hindi naman natuloy ng matandang babae ang sasabihin niya nang magsaalita itong isang babae habang mataray na nakatingin saken.

" Sino ka? " Matara niyang tanong, aba kung mataray to sasapakin ko toh.

" Hindi ako sinuka, hinulog ako " nakataas aang isang kong kilay

" Ano ba yan Berta umayos ka nga "

" Ehehe pasensya na, ginagaya ko kase yung nasa kdrama yung kontrabida kaya ayun eheh, peace tayo ha, btw anong pangalan mo? " Malambing namang tanong ni Berta, ang cheap ng namr berta

" Ako si Adeline "

" Ahh hi Adeline ako pala si Berta, pamangkin ni nang lotlot " sabi niya naman at kinuha ang kamay ko para hawakan

" Adeline pwede mokong tawaging nang or manang lotlot " sabi naman sabay tango ako

" San kaba galing Adeline, bakit ka nakahubad sa basurahan? Tama ba nang? "

" Oo nga berta  pero pano mo nalaman? eh pero sa tingin ko talaga ginahasa ito, kagandang babae eh "

" Nakasilip ako nang hehe "

Oo, alam ko namang maganda ako noh pero hindi nga ako ginahasa hinulog nga ako mula sa langit eh pano si pinuno ihuhulog na nga lang ako ni kahit panty o bra wala, ang sama mo grabe, i hate you so much, so much in my entire life. Tse!

" Pasensya na po hindi ko talaga matandaan eh medyo masakit nga po ulo ko at heheh nagugutom na po ako "

" Ahhh " sabay naman nilang sabi

" Oh berta ikaw na bahala kay Adeline ha pero bago mo siya pakainin pabihisin mo muna at baka makita ni Sir Bray, nakuu "

" Opo nang, halika na Adeline sa kwarto " sabay hawak naman ni Berta sa kamay ko.

Grabe kanina pa kami ng lakad lakad ni berta pero di paren kami nakakarating sa kwarto, ang laki talaga ng bahay, huhulaan ko ang nakatira dito isang matandang lalaki yung Bray daw, panot at malaki ang tiyan pareho sila ni Pinuno kumikintab ang bunbunan naks, tapos may rayuma pa.

Pagkatapos akong pahiramin ni Berta ng damit niya dumiretso kami sa kusina, kanina pa talaga ako gutom na gutom as in, eh kapag nasa paraiso ka kase hindi ka nagugutom malamang boba kaba.

" Oh adeline kumain ka ng marami ha "

" Salamat " takam na takam ako sa inihaing pagkain ni Berta, bacon, sandwich, pasta fried chicken at may malamig na juice pa kaya hindi ko napigilang kainin agad ang mga ito.

" Halatang gutom ka nga Adeline "

" Hahsmkabankahmahjskska " sabi ko naman kay Berta

" Huh? "

" Hajakkahajsnj "

" Hay naku Adeline mamaya ka na nga magsalita, hindi kita maintindihan eh " kaya tumango lang ako.

Pagkatapos ko namang kumain, inayos ko ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo, hindi ko na hinugasan dahil si Berta na dae ang maghuhugas, bait yarn.

Nag-uusap kami ni Berta sa dining table nang dumating si Manang Lotlot.

" Oh adeline busog kana "

" Oho busog na ako, ang sarap ng pagkain niyo, hehhe at nga pala po kayo lang dalawa katulong dito eh ang laki ng bahay natoh ah? "

" Alam mo Adeline paano naubos ni Sir Bray kakatanggal maling galaw mo lang tanggal kana " saad naman ni Berta

" Huh? Grabe naman siya " tanda niya na nga ganto pa siya umasal

" Pero mabait naman si sir bray Adeline, btw uuwi kana? " Takang tanong ni Manang lotlot saken

" Wala po akong bahay eh " nakangiti ko namang sabi

" Totoo ba sinasabi mo, eh kutis mayaman ka Adeline tas wala kang bahay? Wee? " Di naman makapaniwala si Manang lotlot at berta, alam ko namang maganda ako noh kaya shut up na

" Totoo yung sinasabi ko "

" Eh kung magtrabaho ka nalang dito, tamang-tama naghahanap kami ng panibagong katulong dito taga timpla sana ng kape ni Sir Bray, marunong kaba magtimpla? "

" Oo naman po, ako pa, si Adeline kaya toh, astig ako "

" Sigee sigee ako na bahala kay Sir Bray magsabi mamaya kapag umuwi na siya "

" Maraming salamat po "

" May makakasama na ulit kami ni Nang, basta iwasan mong pumalpak ha "

Tumango lang ako sa sinabi ni Berta, pero di ko sure kung marunong ba talaga akong magtimpla ng kape heheh joke lang kase yon kayo naman naniwala agad. Basta ang mahalaga may matutulugan ako at syempre may makakaininan kahit hindi ko pa alam kung ano talaga misyon ko dito.

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now