Teacher

23 2 0
                                    

Dedicated sa crush ko kaso wala syang watty acct e . Sadlang . HAHAHA xD

***

"Teacher EO!"

Automatic na napangiti ako nang marinig ko ang boses na yun.

Kahit hindi ako lumingon, kilala ko sya.

Pinalis ko ang ngiting nakaplaster sa mukha ko at humarap sakanya.

Si Anya nga..

Mabilis syang naglakad palapit sa'kin bitbit ang gitara nya.

"Teacher! Kaya ko na sa different frets yung do-re-mi! Pati yung mga octaves-octaves na yan alam ko na." masayang kwento nya sa'kin na binigyan ko lang ng blangkong ekspresyon.

Sumimangot sya.

"Hindi ka ba natutuwa sa achievements ko? Bakit wala ka manlang karea-reaksyon dyan?"

Lalong nagkandahaba yung nguso nya habang nagsi-sintemyento dahilan para mapangiti ako ng tuluyan.

Agad ko din itong binawi ng makarinig ako ng pagtunog ng 'click' ng camera.

"Souvenier, teacher! Rarely ko lang masilayan ang ngiti mo kaya pagbigyan mo na ko." nakangiti nyang sabi habang nagpipindot ang isa nyang kamay sa cellphone nya.

Tinalikuran ko sya. At nagsimulang lumakad at naupo sa tambayan namin.

Agad naman syang sumunod at tumabi.

"Asan yung gitara mo?" tanong nya maya-maya.

Lumingon ako sa direksyon nya sabay tingin sa left side nya.

Mabilis nyang inabot ang gitara sa'kin atsaka humarap sa pwesto ko with a very huge smile on her face.

I know what she wants.

I started strumming the guitar and played her favorite song.

~When I see your smile
Tears roll down my face
I can't replace~

Si Anya, she is my best friend. I've known her for like 10 years already. Nakilala ko sya dito sa ampunan. Sya lang ang kaisa-isang taong nakatyaga at nakaintindi sa'kin.

~And now that I'm stronger I figured out
How this world turns cold and it breaks through my soul
And I know I'll find
Deep inside me..
I can be the one~

My mom died when I was 7. Lung cancer.

Halos mamatay na din ako nung mga panahon na yun dahil ang kaisa-isang pamilyang natira sa'kin ay iniwan na din ako.

My father left us after knowing na may sakit si mama. Hindi nya na daw kami kayang buhayin at hindi nya daw kayang ipagamot si mama dahil gastos lang daw iyon. Naalala ko pa yung eksaktong sinabi nya habang umiiyak ako at nagmamakaawang ipagamot nya si mama;

"Hayaan mo ng mamatay ang mama mo. Mabuti na yun kaysa gumastos tayo ng malaking pera."

Simula nun, kinamuhian ko sya at itinakwil bilang ama.

Wala syang kwenta..

~I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven~

Ilang linggo at buwan ang matulin na lumipas. Nabuhay ako ng mag-isa sa ampunang kumuha at nag-aruga sa'kin.

Marami ang nakikipag-kaibigan sa'kin pero hindi ko sila pinapansin.

One-Shot Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن