7

82 6 13
                                    

Nagpapasalamat talaga ako dahil sa Golden Trail, nalaman ko kung sino ka.


Sa bawat pahina na nakalaan para sa bawat section ng bawat taon, may listahan ng mga class officers. Naisip kong isa-isahin ang mga pangalan na nandoon. Wala namang masamang sumubok diba?


Ang unang pangalan na sinubukan kong hanapin sa

Facebook

ay ang escort ng section niyo. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro, nagbakasakali lang ako na ikaw yun.


At kung sinuswerte nga naman. Tama ako. Ikaw nga yun, Kuya.


Sa sobrang excitement ko noon, naitulak ko pa yung katabi ko.


Iniisip ko kung i-a-add ba kita o hindi. Nahihiya kasi ako. Ilang beses na kitang ini-snob sa school tapos biglang i-a-add kita sa Facebook? Isa pa, baka i-ignore mo lang din yung Friend Request ko dahil baka hindi mo na naaalala ang pangalan ko.

Saka na lang siguro.

K U Y ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon