He noticed it and so he looks at me with a deep concern. Pansin ko iyon kaya napamulagat ako saka tumindig ng tuwid.

"Ano—"

"Punta tayong CR," he immediately pulled me. Mas lalo akong nawindang dahil sa sinabi niya ngunit mas nadagdagan lang ang kaba nang makarating na nga sa CR. Anong gagwin dito?p "Akin na bag mo. Heto, dalhin mo bag ko sa loob tas bihis ka. May shirt ako dyan saka jersey short. May tsinelas din kaya isuot mo. Maghihitay lang ako rito sa labas as your friend." And he winked at me playfully before giving me his bag.

Nagulat ako roon. Hindi ko naman intensyong kaawaan niya ako o ano. At talagang prepared siya?

Imbes na magreklamo ay sinunod ko lang ang sinabi niya. Sa gulat ko na masyadong magaan ang kanyang bag, hindi na ako kumontra pa nang makitang talagang t-shirt, jersey short saka tsinelas nga ang laman no'n.

Iyong shirt ay maluwag sa akin kaya nang makalabas ako ng CR, nagmukha akong tambay. Nadatnan kong nakatayo ito sa gilid ng CR habang ang bag ko ay nakasukbit sa harap niya.

"Okay na? Mukha akong nakapambahay, Four," saad ko habang nakanguso pero naroon ang pasasalamat sa loob. I've got nothing to worry because I'll go home after this.

"Ayos lang. Bagay pala sa'yo damit ko? Ang cute, hehe."

Binigay nito sa akin ang bag ko saka kinuha ang kanya. "Salamat. Hindi kasi ako sanay masyado magsuot ng may takong. Pagod ako kaka-memorize no'ng piece, sa totoo lang," pag-amin ko rito habang hinihilot ang sentido.

At least, it's now done. Hindi pa nga alam ni tita na sumali ako rito, eh.

"Talaga? Kaya nga deserve mong manalo, eh. Alam kong pinaghirapan mo kaya sobrang proud ako sa'yo no'ng natawag pangalan mo kanina. God, I've never been happy for someone's success though. Feels strange naman na sa'yo ko unang na-experience 'yon. Hays."

We're both walking now in the hallway. Lihim lang akong napangiti dahil na-flattered ng kaunti sa kanyang sinabi. It's like an achievement for me knowing that he's happy for my success.

Grabe, iba pala kapag naging masaya ang tao. It feels like they already know you deeply though in reality, you barely know each other pa. And I like that he's being vocal about what he feels though I am not asking for it.

Wala lang. Nakakapanibago lang kasi parang once in a lifetime experience ito knowing that someone is being honest to you.

"Okay lang kiligin. Hindi naman ako magrereklamo," saad nito na nagpabalik sa akin sa realidad. Doon ko lang din napansin ang sariling nangingiti na ng wala sa oras.

Nakita niya! Hala, nakita niyang ngumingiti ako?! Tapos sinabi niyang okay lang kiligin kahit na hindi naman ako kinikilig?

"Asa ka? Hindi naman ako kinikilig?"

"Sus, okay lang. Normal lang naman 'yan. If you keep on pretending that you're not, then maybe time will come that you wish you didn't. Mas okay ang sinasabi mo ng tuluyan ang nasa utak mo kaysa naman pagsisihan mo sa huli, 'di ba? 'Di ba? Tama ako? Hmm?" Siniko niya ako, dahilan kung bakit sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo na. Kaya kung magkakagusto ako sa'yo, sasabihin ko agad. No worries—"

"Ay weh? Hala, seryoso ka? Gagi, totoo ba talaga? Shiz, may chance na magustuhan mo ako? Ha? Talaga ba? Sureness ka na, sis?" he interrupted me. Napasimangot ako roon dahil ang hilig mamputol ng sinasabi.

Okay, hindi niya ako naintindihan.

"Hindi. Ibig kong sabihin, if ever lang na mangyari iyon. Gusto ko lang maging honest kaysa naman magtago ng kung ano sa isang tao," paglilinaw ko rito na kaagad niyang naintindihan.

Wildness of the Calm Seas (CSM Series 1)Where stories live. Discover now