Blurred Lines 39

15 3 4
                                    

"𝑯𝒂𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌 𝒂𝒌𝒐"

Pagkabasa ko ng message ni Ae agad akong tumakbo palabas. Mariin ko lang binilinan si Via na mag-stay sa kitchen. Doon ko kasi siya hinila pagkatapos namin malaman na nakita sa room niya sina Tristan at Lia na nag-me-make out. May nagsumbong kasi sa amin. Since nasa garden sina Ae at Kimmy habang isa si Yui sa mga nakakita kina Tristan at Lia ako ang nagpunta kay Via para pakalmahin siya bago pa man niya sugurin si Lia.

Pagdating ko sa labas maraming nagkumpulan na mga tao. Pahirapan tuloy akong tuluyang makalabas ng gate. Nandoon kasi nangyayari yung sunutukan nila Shawn at Tristan.

Nang makalusot ako agad kong nakita si Shawn na nakapailalim kay Tristan. Nakakuwelyo sila sa isa't isa.

"What are you mad about huh!?" Tristan angrily shouted at Shawn. "You don't even love her! You're relationship was fucking fake! You're only fucking using her and taking advantage of her because you knew that she's in love with you! You fuck!"

Tristan threw one hard punch to Shawn's face bago niya ito binitawan nang hindi sumuntok pabalik si Shawn. Tumayo si Tristan atsaka umalis. Ilang segundong nakapanood lang ang mga tao sa sunod na gagawin ni Shawn. Nang nanatili lamang na nakapahiga si Shawn sa sahig nagsialisan na rin ang mga tao. May mga pumasok sa loob para bumalik sa party ni Via. May ilan na tuluyan nang umalis para umuwi.

Tumitig ako kay Shawn. Tinitigan ko siya hanggang sa napabuntong-hininga na lamang ako. Naglakad ako papunta sa kaniya. He didn't even move when I sat beside him. He was sprawled out like a starfish.

Parang gusto ko rin suntukin.

"Bakit ka nagpabugbog?" tanong ko kay Shawn. Putok ang kilay at labi niya. Nagsisimula na ring mamaga at magpasa ang pisngi niya. Bahagya ring nakalilis ang dulo ng shirt niya kaya kita ko ang tagiliran niyang may pasa na rin. "Hindi ba dapat sainyong dalawa, si Tristan dapat ang nabugbog kasi siya ang may pagkakamali sayo?"

I tear my eyes away from him at tumanaw sa unahan. Wala ng mga tao dito sa labas. Bukas na streetlamps na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"Or is it the other way around?" I wasn't really asking. Dahil alam ko naman na ang sagot. Kahit hindi ko nadatnan ang buong nangyari, yung narinig kong huling sinabi ni Tristan may clue na ko kung anong nagaganap.

But I still want to hear it from him. About everything. Pero hindi ko alam kung sasabihin niya. I think he doesn't trust me enough para sabihin sa'kin ang lahat. Because if he does matagal na dapat niyang inamin sa akin 'yon diba?

"Did you believed me that night when I told you I love you?" I felt him glanced at me. Hindi ako sumagot so he continued, " When Lia told me she's in love with me I believed her. Kasi kung hindi niya ako mahal why did she agreed to let me use her as a sheild from you?"

Naguluhan ako sa narinig kong sinabi niya. Shield? From me?

Nakita niya ang kaguluhan sa mukha ko nang lingunin ko siya. "She let me use her as a shield to prevent me from falling in love with you." sagot niya sa katanungan ko kahit na hindi ko isinalita iyon.

"Why?"

Inabot ni Shawn ang braso ko na nakapatong sa tuhod ko. Hinayaan ko siyang hilain iyon at ipatong sa dibdib niya. He hold my arms on his chest.

"Because I can't. I shouldn't." sagot niya. It made me more confused. That's why I asked him again why.

"Because of many reasons."

Hinaplos ni Shawn ang braso ko na nasa ibabaw ng dibdib niya. Until he reached for my hand at iyon ang hinawakan niya. Inisa-isa niyang hawakan ang mga daliri ko. Parang binibilang niya ang mga dahilan kung bakit hindi niya ako dapat mahalin gamit ang mga daliri ko.

"Si Kuya Jairus ba?" I guessed. Iyon lang naman ang dahilan na naiisip ko. Baka dahil sa nangyari dati kina Kuya Jairus at Ate Miles.

"That's one." itinaas ni Shawn ang hinliit ko to emphasize it more.

"Ano yung pangalawa? Si Lia?" umiling si Shawn.

"I never played her. She played me. Made me believe she really loves me. Pero tama ka, she only used me to get close to Tristan. Si Tristan talaga ang gusto niya." he said while playing with my pinky finger.

"Remember when we broke up?" Tumango ako bilang sagot. Paano ko naman malilimutan 'yon. 'Yon ang araw na lumipat si Alek pagkatapos umamin agad sa'kin na gusto niya 'ko.

Napangiti ako sa isip ko.

"I lied to you when I told you it was because of Alekzander." he stopped playing with my finger and looked up to me. "Well, it was partly true. Siya talaga ang dahilan but I was the one who broke up with Lia dahil hindi ko kaya na magkagusto ka sa iba. Na may ibang magkagusto sayo. I was mad when I found out that he confessed to you."

"Kaya kahit alam kong hindi kita puwedeng lapitan I went to you. I planned on telling you about my feelings that day."

I folded my pinky finger around his own. "Bakit hindi mo ginawa?"

"Your brother found out that I talked to you again. He was still mad at me, then. Sabi ko hindi ko kayang lumayo sayo dahil mahal kita. He told me he will make you choose between me and him. Kapag siya ang pinili mo dapat na kong lumayo at huwag na magpakita sa'yo. He was so confident that you will choose him. I thought so, too" nagulat ako sa sinabi niya.

Natatandaan ko 'yon. When Kuya Jairus suddenly called me and told me to choose between him and Shawn. I cried to him and repeatedly apologized for refusing to choose. Pero sa hindi ko pagpili alam namin ang ibig sabihin no'n. I chose Shawn and our friendship over him. Over my own brother.

"But I chose you." I told him and it made him smile softly.

"You did." his smile quickly disappeared. "But you said you regretted choosing me."

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Shawn. Nasaktan din ako. Kaya naman hinawakan ko ang mukha niya para iharap sa akin. "Sorry. I regretted telling you that. Because I lied. Hinding-hindi ko pagsisisihan na pinili kita. Nang paulit-ulit."

Shawn's eyes welled in tears.

"Talaga?" tanong niya na parang naninigurong bata na totoo ang ipinapangako sa kaniya.

Pinalis ko ang ilang luha na tumulo mula sa mga mata niya. Then I held his gaze like making a promise."Yes."

Muling bumalik ang ngit sa mga labi niya. It felt like some weight lifted off my chest. He really has a beautiful smile. 'Yong klase ng ngiti na kapag nakita mo gagaan ang pakiramdam mo. It was like a child's smile. Genuine and innocent. But he rarely smiled. Especially, the past weeks.

At masakit isipin na ako ang dahilan niyon. I was the one who took those smile from him.

"Paulit-ulit kitang pipiliin Shawn. Dahil ikaw lang ang pagpipilian ko. Wala ng iba." kahit ilang beses ko siya piliin. O may dumagdag man sa pagpipilian ko. Siya at siya lang ang pipiliin ko.

Kahit hindi ako ang kaniya.

Kahit iba ang piliin niya. Kahit hindi ako.

My heart will always choose him no matter what. Kahit ayaw ko. Kahit mapagod na 'ko. I had no other choice.

That heart will choose what it wants.

"Ikaw rin ang lagi kong pipiliin. Even if it means crossing the lines that separates us. That's keeping us apart. Tatawirin ko 'yon. I will erase those lines just to get to you."

Pero nakuha niya na 'ko. Matagal na. I wanted to tell him pero pinili ko na lang na huwag sabihin. I know he can ee it through my eyes.

"Paano 'yong ibang rason na nagbabawal sayong mahalin ako? Anong gagawin mo?" hindi ko alam kung ano pa ang mga rason na 'yon. Hindi ako sigurado pero parang may hinala na'ko.

At kung tama ang hinala ko, ang iba pang mga dahilan na 'yon. Parang mahirap balewalain.

I don't want it to happen to us too.

Ayokong matulad kina Kuya Jairus at Ate Miles.

"I will get rid of them so there will be no reason for me not to love you." those words held so much promise.

Gusto kong humawak sa mga pangako na 'yon.

Pero masiyadong nakakatakot.

Pero kung para kay Shawn, hahawak ako.

Blurred LinesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt