Chapter 27

4.7K 139 9
                                    

NAGPAALAM muna kami ni Lucas kay Vincent na aalis.Hinatid niya pa kami sa mismong harapan ng companya ni Luke.Nahihiya nga ako kasi dapat magpapahinga pa siya.Pero Wala  na akong nagawa dahil nauna na ang anak kong sumakay.

"Thankyou talaga,kainin mo yang binigay ko mamayang gabi auh."saad ko dito dahil pinagbalot ko siya ng Carbonara.Alam ko namang hindi ito marunong magluto.At paniguradong tatamarin siyang mag order ng foods niya.

"Let's go?"nakangiti kong tugon sa anak,Mabilis naman itong tumango saakin.
Hinawakan ko ang kamay niya saka kami naglakad tungo sa entrance.

"Good morning ma'am,May appointment po ba kayo?"nakangiting saad nito saakin.Napakamot naman ako ng ulo sa tanong nito.

"W-wala po eh,baka pwedeng Iiwan ko nalang ang id ko."pakikiusap ko dito.

"Hindi po pwede Ma'am eh,kami ang malalagot kay boss kung papasukin lang namin kayo."nahihigan ko ang takot sa boses nito.Hindi na ako nagpumilit pa baka masesante pa siya ng dahil sakin.

"Okay lang,tatawagan ko nalang po ang pupuntahan namin."magalang kong saad dito,ngumiti naman ito saakin kaya agad kong binalingan ang anak.

"Tumabi muna tayo Nak,tatawagan ko lang muna ang Daddy mo."wika ko dito saka siya hinila sa kilid ng entrance.

Tiningnan ko ng masama ang isang babaeng empleyado.Tinulak ba naman si Lucas,mabuti nalang At nahatak ko ito.Hindi man lang humingi ng sorry,tapos siya pa ang masama kong makatingin saamin.

"Pwede ba,wag kayong humarang harang sa daan dahil nakaka abala kayo."matalas nitong saad saakin saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi nito.Porke't ba na naka jeans lang ako At tshirt ay pwede niya na akong husgahan!
Tiningnan ko ang nametag niya———








Elijah Donna Lava pala huh,ngayon tingnan natin kong hanggang saan ang kaya mo.

"Hindi kaba tinuruan ng tamang asal?—ay Wait!Muka ka palang kabayo na asal aso!"singhal ko dito saka siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa na ultimong nasusuka pa.

Napangisi ako ng Namula ito sa sinabi ko.Sa totoo naman talga!Mukha siyang kabayo dahil sa hugis ng mukha niya.Sorry naman God,nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Akmang sasabunutan niya na ako ng May magsalita sa bandang likuran namin.Nakatalikod kasi kami sa entrance dahil sa kumosyun kanina.

"What is happening here?"nanindig ang balahibo ko dahil sa tinig na iyon.Sheezz Bat ang cold?

Inirapan ko naman ang babaeng nasa harapan ko pero nginisihan niya lang ako.Yung tipong sinasabi nito na humanda ako sa boss niya.
Ano namang ikakatakot ko kay Luke aber!

Ang kaninang malademonyong mukha nong Elijah Donna ay biglang umamo.Yung tipong siya yung kaawa awa sa sitwasyon naming dalawa.

Napanganga ako nang bigla itong umiyak na parang bata saka lumapit kay Luke.

"S-sir,she pushed me kasi that's why nasaktan yung feet ko.She's an outsider kaya naman naghahanap lang siya ng gulo Para maka agaw ng atensyon.Huhu she hurt me!"atungal nito habang nakayapos ang mga kamay sa braso ni Luke.

Biglang dumilim ang anyo ng mukha ko dahil sa nasaksihan.Malamang ay hindi ako nakita o nakilala ni Luke dahil naka tagilid ako sa pwesto niya.

"Pag hindi kapa bumitaw ay kakaladkarin kita papuntang high way."nanggigil kong usal sakanila pero hindi man lang natinag ang babaeng haliparot.Bagkos ay nilapit pa nito ang dibdib niya sa katawan ni Luke.Ang isa naman ay parang sayang saya sa nararamdaman niya ngayon.

Humarap ako sakanila saka ko hinila ang buhok nong empleyado.Gigil ko itong sinabunutan na parang kakalbuhin ko na sa sobrang inis ko dito.

Sasampalin ko pa sana ito ng May yumakap sakin mula sa likod.

"Stop that babe,nasasaktan na siya."Mas lalo akong nanggigil sa sinabi nito.Mabilis akong kumawala dito saka siya dinuro sa mukha.

"Ke bago Bago pa lang nating nagka ayos ay ganito kana!Kaya pala ay hindi ka nagpapa ramdam ng ilang araw dahil busy ka!Busy ka kakaharot sa empleyado mo!
Subukan mo lang———"
Parang Bigla akong nabingi dahil sa ginawa niya.

HINALIKAN niya lang naman ako sa harap ng mga empleyado niya.
May mga narinig pa akong suminghap pero kusa rin itong nawala dahil siguro sa ginawa ni Luke.

"Your so loud,come on son.Kailangan siguro ng Mommy mo ng pag aalaga ni Daddy."naka tulala akong pinagmasdan ang mag aama na tipong walang naganap na kong ano.

"May anak na pala si sir!?"

"Nakakaloka naman!"

"Sayang naman!Akala ko single pa si sir!"

"Pero infairness,ang gwapong bata At halatang anak nga ni sir Luke."

"W-what!?Sir!she pushed me,hindi niyo man lang ba siya paalisin!?"ang kaninang hiyang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng pagka muhi sa babaeng nasa harapan ko.
Nandito parin pala to!?

"Leave.Just get out of here."malamig na saad ni Luke.

"Narinig mo yun?Umalis kana daw."nakangising saad nong babaeng higad.

"Not her,but you Ms.Lava.And by the way,you are fired because you hurt my wife and my son."mas malamig pa sa yelo nitong saad kaya naman Napangiti ako.
Akala mo huh!
Nakangisi akong humarap sakanya saka ko pinalasap sakanya ang buhok ko.I flipped my hair sa mismong mukha nito.

Pero nakatulala lang ito na tipong iiyak na anumang oras.Bigla ako nakaramdam ng guilt.Hayysss Bakit ba kasi laging nanaig saakin ang awa.

Napabuntong hininga nalang ako saka hinarap si Luke.

"Wag mo nalang siyang sisantehin,hayaan mo nalang At paniguradong hindi na siya uulit sa ginawa niya."nakanguso kong saad kay Luke.Mahina lang ito na tipong siya lang ang makakarinig.

"Are you sure?"pabulong nitong tugon saakin.Mabilis naman akong tumango dito.

"Don't you dare to do that again,or I'll really fire ko right away.Apologize now."mistulang hari nitong saad.Yung tipong dapat siyang sundin sa lahat ng Gusto niya.

Napaigtad pa ako ng lumuhod sa harapan ko ang babaeng empleyadong naka away ko kanina.

"I-I'm really sorry ma'am.Hindi na po tlaga mauulit,saka salamat po At hindi niyo ako pinatanggal."ang kaninang malademonyo nitong anyo ay napalitan.Bigla itong umamo na parang aso.

"Wag mo nalang uulitin Saka wag ka basta bastang humusga sa Kahit kanino.Isipin mong May karma na naghihintay na kabayaran sa mga maling ginawa mo.At wag na wag mong lalandiin si Luke dahil hindi na tlaga kita mapapatawad pa.At sisiguraduhin kong lulugmok ka sa putik."sensero kong saad pero diniinan ko ang Huli kong mga sinabi.Bigla naman itong namutla pero agad din namang tumango.

"Let's eat na,nagutom ako bigla."
Natawa ako bigla dahil Para akong May bipolar disorder.

Susunod.....

A/N:haiii good evening everyone!Hintay hintay lang tayo sa update kasi nabusy narin ako sa pag momodule.Last 3 chapters to go—-pero Di pa sure haha...Godbless sana samahan niyo si Vanessa hanggang sa huli...

Hiding the Gangster's son Where stories live. Discover now