"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Riley. Ano nga ba ang gagawin ko?

Binaling ko ang tingin sa labas. Nasa condo ako ngayon ni Carmela kasama si Riley. Mamaya pa naman sila aalis kayat tumambay muna ako. Naiwan sa bahay si Vandish, babantayan niya raw ang Daddy niya. Wala namang pasok kayat ayos lang.

"Hindi ko alam. Gulong-gulo nga ako ngayon. Gusto ko siyang tulungan pero paano? Saan ako magsisimula."

"Kausapin mo nalang muna si Vandeon, Almika. At siya nga pala, hindi bat laging magkasama sina Vandeon at Yeena?"

Nagpakawala ako ng hininga. Biglang kumirot ang puso ko, ewan ko ba kung bakit. Nakalimutan ko na si Yeena matagal na. Ang huling kita namin ay sa hospital ni Skie. After nun ay wala na akong balita sa kanya, sa kanilang dalawa ni Vandeon. Itong si Vandeon nalang ang nambwe-bwesit sa akin.

"Hanggang ngayon?" tanong ni Riley.

"Kahapon yata nakita ko silang dalawa. Sabay silang pumasok ng kompanya ni Penelope,"

"Tapos?"

"'Yun lang. Hindi ko na sila nakitang lumabas. Umuwi din kaagad ako."

Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam saan magsisimula. Mahal ba ni Vandeon si Yeena? Bakit niya ako hinalikan kung ganun? For the char char lang ganun? At bakit naman ako nagpahalik? Punyeta, anlandi ko rin eh.

"Ayos lang ba sa'yo, 'yon?"

"Syempre hindi! Pero wala naman akong magagawa eh. Ama lang naman siya ng anak ko, wala kaming pinangako sa isa't isa," umirap ako. Iniiwasan ang mga titig nilang nanunuya.

"Sabi mo eh."

"Pupunta kaba sa party ng mga Vela Rosa?" pagkuwan na tanong nito.

Umiling ako. "Binigyan ako ng invitation card ni Skie pero hindi ako pupunta. May pasiyente ako sa bahay at hindi ko ron kilala ang mga Vela Rosa." hindi ko sila kilala pero sa tingin ko'y bigatin silang tao. Hindi lang ako interesado.

"Sabagay. Aalagaan niya pa kasi si Vandeon, Carmela. Baka may mumuong ano ah?"

"Loka ka!" mabilis kong asik. Alam ko na kasi ang iniisip niya. Ang dumi nito!

"Tumigil ka nga, Riley!"

"Bakit wala ba talaga?"

"Anong akala mo sa akin?"

"Malandi!"

"Huy! Tangina mo!"

Nagtawanan lamang kaming tatlo. Hindi na bago sa amin 'to, lagi talaga kaming nag-aasaran, at nagkukulitan. Mabuti nalang hindi kami mabilis mapikon. Chill chill lang. Katuwaan lamang kasi.

HINDI ako nagtagal sa condo ni Carmela dahil aalis silang dalawa. Umalis kaagad ako pagkatapos naming mag-usap. Dumidilim na rin kasi at may dadaanan pa akong coffee shop. Wala lang, gusto ko lang uminom ngayon ng kape, pampawala ng antok mamaya.

"Almika? Is that you?" nabaling ang tingin ko sa babae.

Hindi ako nagulat sa halip ay binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Si Yeena lang naman. Nasa likuran niya si Ark yata 'to if I'm not mistaken. Bakit sila magkasama ni Ark?

"Yeena? Long time no see!"

"Ang plastic!" rinig kong bulong ni Ark. Ewan ko ba kung kanino niya 'yon sinabi. Sa akin ba o kay Yeena.

"Kamusta na si Vandeon? Rinig ko kasi sa mga friends niya na binugbog siya ni Penelope. Is he okay?"

"Nasa bahay siya ngayon nagpapagaling. Magiging okay naman siguro siya." walang gana kong sagot at tinanggap ang inabot na order sa akin.

"Oh! I'm glad, uuwi kana ba?"

Gusto ko siyang tanungin kung anong relasyon nilang dalawa ni Ark at kung ano niya si Vandeon, ngunit pinili ko na lamang manahimik. Ansama kasi ng tingin ni Arkanghel sa akin, sa katunayan nga ay siya itong may kasalanan sa akin. Muntik niya na akong mapatay noon, mabuti nalang dumating si Vandeon.

Bumuntong hininga ako. "Oo. May trabaho pa kasi akong tatapusin. Mauna na ako ah,"

"Wait, Almika!"

"Ano 'yon?"

"Ahm. Tungkol pala sa aming dalawa ni Vandeon..."

Ngumiti ako. "Okay lang naman, Yeena. Ama lang naman siya ni Vandish at hindi ko asawa, walang atraso sa akin 'yon..." kahit pinipiga ang puso ko ay ayos lang.

"Hindi, Almika. Mali ang iniisip mo."

Tumaas ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kaming relasyon ni Vandeon kung 'yan ang iniisip mo. Pasensya kana, Almika. Utos lamang 'yon sa amin, wala talaga kaming ugnayan ni Vandeon. Sorry dah--"

"That's enough, Yeena. Let's go!"

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil hinila siya ni Arkanghel palabas ng coffee shop. Nagpatianod na lamang siya habang ako ay medyo nalilito.

Sino naman kaya ang nag-utos sa kanila? Bakit nila kailangang umaktong mag-jowa? Totoo kaya ang sinasabi niya? Fvck, naguguluhan na ako.

Base naman sa actions ni Arkanghel mukhang gusto niya si Yeena. Paano si Vandeon kung ganun, hindi ba siya mabro-broken hearted?

"Aish! Mas lalo niyo yatang pinagulo ang ulo ko ngayon!" gosh! Sumasakit na ang ulo ko sa mga nalalaman.

May dapat paba akong malaman?

Gusto ko nang malaman ngayon. Kung ano nga ba ang sikreto ni Vandeon, bakit siya naging secret weapon ng kanyang ama at bakit natatangi ang buhay niya?

Who are you, Vandeon Brix Santford?

***

Don't forget to vote and leave a comment for more updates! I will update kapag may free time ako. Keep safe everyone, happy reading!

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now