"Mommy! How's, Daddy?" muntikan na akong mapagalon nang tumalon si Vandish sa harapan ko.

"Jusko, anak! Huwag mo akong gulatin baka aatekihin ako sa'yo," saad ko. Tumawa naman siya. Mukhang good mood siya ngayon ah.

"Where have you been, Vandish? Bakit pawis na pawis 'yang likod mo? Lumapit ka nga rito sa akin." ngumuso siya habang papalapit sa akin. Sumulyap pa siya kay Vandeon sabay halikhik.

"Playing po, Mommy. Kasama ko sina tito Kace at tito Kiefer."

Playing? Hindi ba't may pupuntahang party ngayon sina Riley? Hindi naman magpapaiwan bigla si Kiefer dahil asawa niya si Riley. Bakit andito ang asungot na 'yon? At tsaka about pala duon sa atake nilang gagawin, kamusta na kaya 'yon. Wala pa akong balita tungkol duon. Ibabalita naman 'yon kapag nangyari na dahil hindi basta-basta ang NightOut bar na 'yon. Halos mayayaman ang mga tao roon, duon din ako nagsimulang lumandi. Dahil sa bar na 'yon nabuo namin si Vandish. Hindi naman masama ang bar, sa katunayan nga ay sikat na sikat 'yon, para lang talaga sa mga mayayaman. Hindi cheap.

"Wala ba silang trabaho?" takang tanong ko. Ano na naman kaya ang plano ng dalawang 'yon. Or baka gusto nilang bisitahin si Vandeon?

"Wala naman daw, Mommy!"

"Alright. Magbihis ka muna, Vandish, bago lumapit kay Daddy, okay?"

"Opo, Mommy!" ngumiti ako. "Go ahead!"

***

"Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Penelope. Anong pang-iinsulto naman kaya 'yung ginawa ni Vandeon?"

"Hindi ko alam," sagot ko. Wala akong alam. Miski ako ay nagulat at nagtaka rin. Ano kaya ang sinabi ni Vandeon kay Penelope? At ano 'yung secret weapon na sinasabi ni Penelope? Hindi naman armas si Vandeon para isabak sa laban, tao siya at nasasaktan. Kahibangan.

"Alam naman nating hindi gagawin ni Vandeon iyon. Hindi siya nang-iinsulto, nagsasabi lang siguro siya ng totoo. Akala ni Penelope insulto iyon." sabi ni Carmela. Isa sa mga kaibigan ni Riley na naging kaibigan ko na rin. Isa siyang sikat na model, may anak siyang babae at lalaki at super hot ng kanyang husband. Nakalimutan ko pangalan nu'n.

"Wala ring tigil ang bibig ni Vandeon. Minsan magagalit ka na lang at parang gusto mo siyang saktan," sagot ko. nakakagigil siya.

"Minasama siguro ni Penelope 'yung sinabi ni Vandeon. Hindi naman kasi nating masabi na insulto iyon dahil sa mga pasa niya sa mukha at sugat sa katawan, hindi man lang siya lumaban pabalik. Sa halip ay hinayaan niya si Penelope na saktan siya. Muntik pa siyang mamatay."

And Penelope said. Mamamatay rin naman si Vandeon. What does it mean? Bakit naman siya mamamatay? Dahil ba secret weapon siya? Wala akong maintindihan. Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Gustong-gusto ko talagang malaman ang sekreto ni Vandeon.

Alam niya na kaya ang tungkol dito?

Hindi siya mamamatay.

Napaka-gago niya kung ganu'n.

The reason why I hated him so much ay dahil pinatay niya ang magulang ko at sinaktan at pinahirapan niya ako, pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para isipin ang sarili ko. Nasa laban kami at wala sa nakaraan. Sadyang tanga lang talaga siya

"Hindi naman siguro siya susugod duon na walang dahilan."

Sa tingin ko talaga ay may sadya siya du'n. Ganun din naman ako pero umalis kaagad dahil kay Vandeon. Ayaw kong makita 'yon ni Vandish, mahal na mahal niya ang Daddy niya. Mas lalo lang akong masasaktan kapag nanatili pa ako. Kung anuman ang dahilan ni Penelope ay labas na akl roon. She's mad, halata sa mukha niya nu'ng inatake niya si Vandeon.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now