Part 11

395 23 7
                                    

VEE's POV

di ko alam kung bakit pero, pumayag ako makipagkita kay danerie, gusto ko ba sya makita? gusto ko bang magkaron pa ng chance yung sa amin? o dahil gusto ko lang rin sya makasama alam kong mali to. kaya nga kanina pa ako dito sa kotse di ako makababa di ko alam kung ano gagawin


*vibratee

~text message

From: Wise

vee dito lang ako inaantay ka

--

30 mins na kasi akong late sa usapan namin, bumaba na ako ng kotse at hinanap sya, andito kasi kami sa taas ng antipolo, di ko alam bakit rito nya gusto makipagkita. nakita ko rin naman sya agad kasi sya lang naman tao dun sa meeting place namin


parang hidden gem lang rin tong lugar na to, kitang kita yung city sa baba since malapit na rin mag sunset maliwanag na ang syudad dahil sa mga ilaw.


"akala ko di mo na ako sisiputin" yan ang bungad sakin ni danerie


"muntik na nga eh" biro ko naman sa kanya 


naupo lang kaming dalawa sa isang bench doon at parehas nakatingin sa kawalan


"kamusta ka vee? yung  totoo" tanong ni danerie pero di ko parin sya tinitignan


"magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako, ikaw? kamusta ka?" tanong ko sa kanya, tumingin ako sa kanya pero umiwas rin sya agad kaya nilayo ko na lang rin yung tingin ko


"mag sisinungaling rin ako kung sasabihin kong okay lang ako" napabuntong hininga naman sya kaya napatingin ako sa kanya na ngayon eh naka yuko na


"bakit di mo sinabi kay jennie vee? bakit kaylangan mo pang lumayo?" tanong ni wise


"alam mo naman na ayokong masaktan si jennie wise,  ginawa ko lang yun para sa kanya, nakita mo naman reaction nya doon sa pag yakap mo diba" 


"pero alam naman nating pareho vee na ikaw gusto ko" hinawakan nya kamay ko pero agad ko rin itong inalis


"bakit wise? bakit mo ito ginagawa? bakit kaylangan mo pang mag padala na naman ng bulaklak sakin?" sunod sunod na tanong ko  sa kanya


ilang segundo rin nanahimik si wise habang nakatingin sa syudad.


"kung ano man yung nabasa mo dun sa card totoo yun vee, mahal parin kita, lalo na nung nakita kita ule di ko alam kung san ko ilalabas yung kasiyahan ko, alam kong mahirap vee pero gusto ko parin na maging tayo. na makasama kita" naiiyak na sinabi ni wise sa akin 


"knowing youre achieving all of your dreams im so porud of you, ayokong guluhin buhay mo pero kung eto yung dahilan para lang mapasakin ka gagawin ko handa kong ayusin lahat vee" 


hindi ko alam kung ano sasabihin ko naiisip ko pa lang si jennie at yung anak nila hayss. kung dati eh pagkakaibigan namin ni jennie ang nakasalalay ngayon naman eh anak nila which is mas mahirap. kelan ba ako mag mamahal ng di nasasaktan?


"nahihibang kana ba wise? isipin mo nga yung magiging anak nyo" suway ko sa kanya, natawa naman ng bahagya si wise habang nag pupunas ng luha


"kung sana anak ko eh" nagulantang naman ako sa sinabi ni wise what the


"what do you mean wise?" gulong tanong ko sa kanya


"you see vee, high school pa lang ako alam kong di na ako mag kakaanak" 


" huh? bakit? paano?" tanong ko sa kanya, gulong gulo parin ako


"baog ako vee, college pa lang tayo alam ko na yun. namana ko raw sa side ng tatay ko sabi ni mama" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni wise


"ANO? EH KANINO YUNG ANAK NI JENNIE?" tanong ko sa kanya


"kinonfront ko si jennie about it, pero ayaw nya maniwala sa akin i even showed her the findings of the doctors pero pinipilit nyang anak ko yung dinadala nya" paliwanag ni wise. 


"eh siguro madalas nyong gawin kaya alam nyang sayo saka malay mo okay kana pala" sabi ko kay wise. pero nayuko lang sya


"vee sa limang taon na nawala ka, may nangyari sa amin pero isang beses lang lasing pa ako" paliwanag nya


"kahit nga nung sinabi ko kay mama di sya makapaniwala kaya hanggang ngayon di sila okay ni jennie" 


"eh paano  sa family ni jennie? anong sabi nila?" tanong ko dahil sa pag kaka alam ko medyo strict yung tatay nun


"yun nga eh, pinaniwala ni jennie na anak ko yung bata na ako yung ama nung dinadala nya" umiiyak na ngayon si danerie kaya naman lumapit ako sa kanya at kinuha yung pisnge nya, sinimulan ko ng punusan yung mga luha nya


"kelan ka ba mapapasakin vee? ang tagal ko ng nangungulila sayo" wise, at sabay na yinakap nya ako 


"mahal na mahal kita vee, di ko na alam gagawin ko"


"andito lang ako danerie, andito lang ako sa tabi mo" yinakap ko sya


alam kong mali kahit na sabihin nating di naman anak ni danerie yung dinadala ni jennie pero diba unfair rin kay danerie yun, bakit mo nga naman ikukulong sarili mo sa taong di mo naman mahal sino niloko mo, sarili mo lang diba.


dito lang ako sa tabi mo danerie

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now