Chapter 7: Joy and Services

4 0 0
                                    

"Pst! Pst! Psssssssst!" gumalaw ang mukha ni Dainty. Sa wakas ay nagising ko na sya.


"Iniignore mo ba si me?" tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin kaya napabuntong-hininga ako.


Nandito ako sa may tabi ng wagon kung nasaan si Dainty. Walang ibang laman ito kundi ang malaki kong kabayo.


Ibinaba ko ang mga paa ko mula sa pag-ti-tip-toe ko. Ang laki naman kasi ng wagon na 'to. Gawa ito sa kahoy. Mayroon ding malaking puting tela atsaka isang malaking butas para makapasok.


"Sorry kung ginising kita. Papasok na 'ko ha" wala ako natamong sagot mula sa kanya kaya tumalon na ako at pumasok sa loob. Gumapang pa ako hanggang sa makatabi ako sa kanya.


Nang makatabi ako sa kanya ay humiga ako at mabilis syang niyakap. Mabilis rin akong bumitaw at bumangon dahil nanginginig pala sya at pinagpapawisan.


"Dainty naman eh... bat nagkasakit ka nanaman? Diba okay ka na?" mahina kong sinabi sa kanya. Gusto kong maiyak dahil nagkakaganto sya. Believe it or not, matagal ko ng alaga si Dainty. Ibinigay sya sa akin ni papa noong mag bata pa lamang ako.


"Kapag nakarating na tayo sa palasyo... ibibigay ko sayo lahat ng paborito mong pagkain. Diba gustong gusto mo yung carrots? Atsaka apples. Tapos dadagdagan ko yung sapin sa kwarto mo. Bibili rin ako ng bago mong mga alahas." pinunasan ko ang kaunting luhang tumulo sa mga mata ko habang kinakausap sya.


"Kaya dapat magpagaling ka." hinawakan ko ang noo nya at maingat itong hinimas.


"Sorry Dainty ha.." sininghot ko ang sipon ko kaya gumawa ito nang tunog.


Parang nagalit naman si Dainty at nag-ingay sya. "Sorry na nga eh.. alam ko namang nagtatampo ka at nandito tayo." gumawa syang muli ng ingay. Mas malakas kesa kanina.


Nag-pout ako tsaka ako dahan-dahang humiga sa tabi nya. 'Di pa lang ako tapos sa pag-aayos ng braso ko para magsilbing unan ko ay nag-ingay nanaman sya.


Bumuntong-hininga ako at tumayo. Lumapit ako sa pinakamalapit na masasandalan ko tsaka ko inayos ang upo ko. Mukhang matutulog ako ngayon nang nakaupo.



Wala pa lang limang segundo ay nag-ingay nanaman sya.


"Ano yun Dainty? Ayaw mong matulog ako dito?" sa pagkakataong ito ay nag-ingay syang muli, pero mahina. "Ayaw mo ba 'ko katabi? Pagkatapos sa lahat nang pinagsamahan natin?" para naman syang mas nagalit dahil nag-ingay sya uli, may kasama pang pag-sipa.



"Okay. Fine." gumapang ako palabas tsaka ako maingat na tumalon. "Goodnight Dainty, love you!" paalam ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot kaya na pa buntong hininga akong muli at tumalikod na para umalis.



May nakasalubong pa akong lalaki. Tumango ito sa akin kaya gano'n din ang ginawa ko.



Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa malaking bonfire na ginawa nila kanina. Hinawakan ko ang laylayan ng dress ko sa likod at ma-ingat na umupo sa maliit na kahoy.



'Di na kami magkasama nung lalaking parang santo. Inihatid lang niya ako sa wagon ni Dainty kanina tsaka sya nag-paalam na umalis. 'Di ko tuloy alam kung saan ako matutulog.



Bigla kong naalala yung kama ko sa kwarto. Sobrang lambot nun kaya gusto ko uli humiga. Tapos ngayon kahit banig wala ako.



Nilibot ko ang tingin ko sa mga lalaking nakakalat. Mukhang nasa apat sila. Magkakahiwalay sila at mukhang nanonood lang sa paligid. Wala rin kaya silang matutulugan?



Pursuing YouOnde histórias criam vida. Descubra agora