Chapter 16 - 'Her' (Part I)

Start from the beginning
                                    



"Yow! Miss Zhannie! Kami na diyan." - Vhone


"Bawal 'ho madungisan ang mga kamay niyo, Miss Zhan." - Max


"Basta't may kapalit na luto mamaya, Zhannie ah?" - Phyn


"Aba't, mga ulol niyo! Puro satsat maghugas na nga kayo!" sita ng manlolokong kabayo na nakasuot na ng apron at nauna nang mag banlaw ng mga pinggan.


"Tsk." Katabi naman ng kabayo 'yong fiancee ng siraulong buntis na nagsimula nang magkuskos ng kawali.



Naramdaman kong may nakatingin sa bandang likuran ko kaya't lumingon ako. Nandun pala 'yung demonyo, nakasandal sa may doorframe habang nakakrus ang mga kamay sa dibdib. 


"Let them do the dishes, woman." Inirapan ko nalang siya at naglakad papunta sa pwesto niya. Hindi ko naman alam kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin sa palasyo niya. 


Speaking of that, hindi pala kami nag-usap tungkol sa bahay. Kung anong mga dapat kong gawin, anong mga hindi dapat galawin o kung anu-ano pa.


"Mind if I take you out somewhere?" 


"Ngayon?"


"Yeah, if it's okay."


"Trip mong magshopping dis-oras ng gabi?" Imbis na sagutin ako, umiling ito at, teka baka namalikmata lang ako pero parang nakita ko siyang ngumiti ng konti, bago tumalikod


"Nevermind."


"Arte nito. Sinabi ko bang ayaw ko? Saan ba kasi 'yan?" Nakita ko siyang huminto sa paglalakad at inunahan ko nang maglakad papuntang elevator.


Hindi ako lalabas na naka pambahay no! And worst, wala akong ligo. Jusko, hindi ko pa naman alam kung maypagka manyak ang naasawa ko. 


Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang ang bagal maglakad. Tignan niyo 'to! Siya ang nag-aya pero ang kupad! Yung totoo? At may pa ngiti-ngiti at iliing-iling pa. Feeling gwapo lang? Well, gwapo naman talaga 'tong demonyong 'to, pero duh! Ang ganda ko lang para aminin 'yon sa kanya ng harap-harapan, no.


"Pinaglihi ka ata sa pagong, eh" sambit ko pagsara ng pinto sa elevator.


"Nahh, you're just fast."


"Saan ba tayo pupunta?"


"Just wear something comfortable." 


"Sasama rin ba yung mga maiingay na tagasunod mo?"


"Nahh"

The Mafia Boss' WifeWhere stories live. Discover now