Nang makaalis ang kotse ni Havoc, saka lang siya pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawang paghalik ng lalaki sa noo niya.

"Serenity? what's wrong, sweetie? masakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ng mommy niya. Doon niya na-realize na sapo pa rin niya ang noo niya. Mabilis na binaba niya ang kamay.

"N-nothing po mommy, ahm..aakyat po muna ako sa kwarto ko. Baka kanina pa naghihintay sa akin si Leonardo." kinuha niya ang mga ibinabang gamit sa center table saka siya umakyat papunta sa kwarto niya.

-

Nagtataka si Serenity kung bakit tatlong araw na na hindi pumapasok sa school si Havoc. When she tried to call and message him, hindi naman ito sumasagot. She's worried about him.

"Is that Havoc's teammates right? Sina Ruel?" turo niya sa mga apat na lalaki na nakasalampak sa bermuda grass sa gilid ng soccer field.

"Yes, teka bakit kaya hindi tanungin sa kanila kung nasaan si Havoc mo? since you said na hindi sinasagot ni Havoc ang mga call at messages mo."

"That's right! Let's go!" nagmamadali siyang naglakad papunta sa pwesto ng apat na lalaki, hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya nina Midnight at Tori.

"Are we going to visit Captain in hospital later?" dinig niyang tanong ni Harry sa tatlo.

Doon natigilan si Serenity, Havoc is in hospital? Why?

"Nakauwi na raw siya kahapon sa condo unit niya, sabi ni coach pinagpahinga na muna niya ngayon si Captain kaya hindi pa siya nakakapasok." sagot naman ni Owen.

"Bakit ba kasi kinain pa niya yung chocolate brownies na 'yun eh, diba may allergy siya sa peanuts?" si Ruel.

Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ni Serenity sa narinig. Havoc get hospitalized because of her, dahil sa binigay niyang brownies sa binata. Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata niya. How could she be so careless?

"Gago ka ba? Siyempre bigay yun ni Serenity sa kanya. He wanted her to be happy, alangan namang itapon niya 'yun? Obvious naman na may gus—"

"S-serene, a-andyan ka pala, kanina ka pa ba nadyan?" tanong sa kanya ni Ruel nang gulat na mapalingon ito sa kanya. Gulat na napalingon pa sa kanya ang tatlo pang lalaki. Parang natataranta na napatayo ang apat nang makita ang luhaan niyang mga mata.

"Is it true? H-havoc is—H-havoc get hospitalized because he ate the brownies that I gave to him? Because of me?" tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Hinagod ni Tori ang likod niya na parang pinapatahan siya. Si Midnight naman ay pinunasan ang mga luha niya gamit ang panyo nito.

"S-serene, it's not your fault." si Ruel.

"No, it is my fault!" kahit saang anggulo pa tignan, may kasalanan siya. Kung hindi lang niya sana binigyan ng brownies si Havoc, hindi ito aatakihin ng allergy nito, hindi ito mao-ospital. "I-I'm sorry for shouting. H-how is he now? Is he okay?"

"Ayos na siya, Serene. Nagpapahinga na si Captain sa condo unit niya." sagot ni Owen.

"C-can you give me his address? I want to visit him, please?"

Mabilis naman na kumuha ng papel at panulat si Ruel, isinulat nito doon ang complete address ni Havoc. "Pero kung gusto mo, sasamahan ka na lang namin papunta sa condo unit ni Captain?" alok nito.

"Thank you, but I can manage. I know you have other things need to do."

"Wala naman na kaming practice mamaya, Serene. Bibisitahin din naman si Captain mamaya. Convoy na lang tayo kung gusto mo?" sabi naman ni Harry.

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now