Nakakurap na lamang siya sa sinabi ko. Ano, punyeta ka kung ano ano tuloy lumalabas aa bibig ko. Nawalan tuloy akong preno.

Nang makabawi siya ay isang ngisi ang nabuo sa mapupulang labi niya.

"Hindi pala nagseselos ha---"

"OO NA PUTANGINA! NAGSESELOS AKO! HAPPY? HAPPY?" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Wala na akong pake kung marinig ako ng kalapit namin.

Rinding rindi na ako sa punyawang katabi ko.

Napaawang ang labi niya at napakurap sa sinabi ko.

Maging ako ay natigilan nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko at dali daling tumayo palayo sa kanya.

"Y-you---"

"B-banyo muna ako!" Putol ko sa sasabihin niya at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo.

May ilan pa akong nabubunggo ngunit wala dun ang atensiyon ko. Nang makarating ako ng banyo ay agad akong naglock at minura ang sarili ko sa harap ng salamin.

Siniguro ko muna na walang laman ang ilang cubicle bago ko sermonan ang sarili ko.

"Bakit kasi umamin kang shunga ka?! Gaga ka ba?! Edi hindi ka na astig niyan?!" Pagkausap ko sasarili ko. Namumula at nag iinit ang pisngi ko sa tuwing naalala ko ang sinabi ko kanina.

Bakit ko ba kasi sinabi yun?

Ilang beses ko pang natuktukan ang  noo ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"Paano yan, wala ka ng mukhang ihaharap sa malantod na yun?" Wala sa sariling tanong ko.  "Kung nagseselos ka mang babaita ka, wala kang karapatan. Remember wala kayong label, oo wala kayo label. Bwisit!"

Pumasok ako sa isang cubicle para muna magbawas.

At ng matapos ay tumambay muna ako ng ilang sandali sa harap ng salamin. Naghilamos muna ako para mahimasmasan at tinapik tapik ang pisngi.

"Kaya mo yan, limang lalaki nga kaya mong patumbahin. Yun pa kayang lalaking yun na malandi?"

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Bahagya naman akong napangiwi ng makita ko ang mahabang pila sa banyong pinasukan ko. Matatalim ang tingin sa akin ng bawat babaeng nadadaanan ko.

Ni aano ko kayo?

Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa aming pwesto.

Nadatnan ko ang nakangising magkapatid na wari mo'y may gianwang kalokohan. Tumikhim ako at umupo sa upuan ko.

Nagsisimula na ang palaro sa mga bata.

Nawala ang atensiyon ko sa mga kasama ko at natuon sa mga batang kasali sa palaro. Ilang beses akong natawa sa mga kalokohan ng emcee.

Kawawang mga bata, pinatripan ng emcee.

Panaka naka ko ring nilalantakan ang sweets na nasa pinggan sa harap ko. Maya maya pa ay natapos ang palaro at nagbigayan na ng trick o' treats.

Nag ning ning naman ang mata ko. Yes! Ito talaga inaabangan ko eh. Mwhehehehehe!

Nagsimula na rin ang sayawan sa dance floor. Doon ko lang rin napansin na madami pala ang mga kaedaran namin dito. Ang akala ko ay karamihan dito ay puro bata lang.

Akmang kukuha muli ako ng marshmallow sa pinggan ko ng mapansin ko ang isang papel.

Binasa ko ang nakasulat dito.

'May I dance with a beautiful lady like you?'

-hndsm suitor-

Napalingon ako sa gilid ko ng may maglahad ng kamay. Tiningnan ko ito at ito na naman ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.

BNDASD PART II: The Painful Secrets [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें