Akmang susugurin ko na siya ng bigla akong mabingi sa biglaang tunog ng isang microphone na nalaglag. Napatakip ako ng dalawang tenga. Nang mawala ang tunog sa aking tenga'y nilingon ko ito. 

"Pasensya na, hindi ko namalayang nahulog pala..." inayos niya ang mikropono sa stand nito. "Tulad ng nahulog na ako sayo pero hindi mo man lang nagawang isalo." 

Nagingay ang mga tao dahil sa masakit na salitang binitawan nito. Unti-unti na rin nadadagdagan ang bilang ng mga taong interesanteng manood sa gagawin ng taong iyon. 

May ideya na ako sa kaniyang gagawin dahilan upang mas lalo lang nitong nakuha ang aking atensyon. 

"Magandang gabi sa inyong lahat, Ako nga pala si Toni Rose Martinez. Isang Manunula. Nandito ako ngayon para ibahagi sa inyo ang isang tula. Tulang sigurado akong babaon na parang punyal sa inyong mga puso. Ang tulang minsan ng bumihag sa inyo pero nasaktan matapos mong marinig ang huling salitang bibitawan ko. Ito ang tulang makakapagsabi sa inyong sarili na "Bakit tayo magmamahal kung magsasawa rin naman?" Ang piyesang ito ay pinamagatang. Nagsawa sa pag-ibig mong paulit-ulit lang." 

Huminto siya't inilibot ang kaniyang tingin sa kaniyang mga madla. Hindi ko maiwasang humanga.

Ito yung pangarap ko. Ang makapag perform sa harap ng mga tao, ang maibigkas lahat ng mga salitang inipon ko sa mga nakalipas na taon. Being in a position where many people can hear your voice makes you feel proud of yourself. Na kahit gaano man kakabadong humarap sa maraming tao, nandyan pa rin ang kagustuhan mong marinig ng iba ang boses mo.

This is my dream. My only dream. 

"Mahal kita, 
Pero hindi na ako masaya. 
Alam kong nakakalito,
Alam kong hindi mo tatanggapin ang mga dahilan ko,
Pero ito ang totoo.
Hindi na ako masaya, 
Sa relasyong binuo natin na magkasama,"

Mahal kita pero hindi na ako masaya. Masakit sa pakiramdam yung alam mong mahal mo ang isang tao pero dahil sa paulit-ulit kanang nasasaktan sa kadahilanang minahal mo siya sa maling panahon, nawalan kana ng gana. Hindi kana masaya sa relasyong iyon. Na kahit paulit-ulit ka namang nagiging masaya dahil parehas niyo iyong pinaramdam sa isa't-isa...hindi pa rin, nawawala pa rin yung pagmamahal mo sa kaniya kapag hindi kana masaya. 

"Sinubukan kong labanan,
Sinubukan kong lumaban, 
Pero napagod na ako, 
Unti-unti nang binabalot ng lamig ang puso ko. 
Mahal kita,
Pero yung pagmamahal na iyon, ay hindi sapat na," 

Contentment. Sabi nila kapag mahal mo daw ang isang tao, dapat sapat na iyon. Dapat okay kana doon. At kahit gaano man kalayo o kahit may boundaries man sa pagitan niyo, kontento kana. Pero hindi natin mapipigilan ang sarili natin na hindi makuntento kapag alam mong hindi talaga kayo pwede sa isa't-isa at ang tanging nasa isip mo nalang ay pakawalan siya. Mahal mo siya pero tama na. 

"Dahil ito na ako, Unti-unti nang nagsasawa, 
Unti-unti nang nawawalan ng gana
Hindi na ako yung pag-ibig na hiniling mo kay bathala
Hindi na ako yung saya na nagpapangiti sa 'yong mga umaga,
Hindi na ako yung Ako, na minsan mo ng nakasama. 
Mahal, hindi na ako ito,"

Nasira ang boses ni Toni ng banggitin niya ang katagang iyon. Tumindig ang aking balahibo. Sa batang edad niya'y parang nagmahal na siya, parang lahat ng sinasabi niya ngayon ay galing talaga sa kaniyang puso at lahat ng mga binibitawan niya ay para iyon sa mahal niya.

Ang kapangyarihan ng kaniyang boses ay isang mahiwaga. Talagang mapapaluha ka nalang katulad ng mga taong nakikinig sa kaniya na kung hindi man nabibigla sa mga naririnig na salita, napapaiyak naman. 

"Nawala na ako sa sarili ko, 
Nung ikaw ay binubuo ko, 
Binubuo kita pero ako naman ang mawala. 
Naligaw ako sa dalampasigan na tanging mga alon lamang ang nakakarinig sa aking mga sigaw,
Saksi ang alon sa kung paano ako nawasak,
Nung panahon na parang ako lang ang nawala,
Saksi siya...sa kung paano ako nalugmok sa ating mga ala-ala." 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now