Habang nasa byahe kami'y dere-deretso lang ang aking tingin sa daan. Binabalewala ang presensyang hatid ni Anton. Ayoko siyang makausap pero mayroon naman sa aking sarili na gustong marinig ang mga kwento niya sa mga nakalipas na buwan. 

"Tahimik ka yata?" Tanong niya. 

"Ahm, wala lang." 

Wala lang talaga, Beverly? Sigurado ka diyan?! 

"Na miss ko ang Isla Amore, hindi ako makapaniwalang makakabalik ulit ako dito matapos ang ilang buwan." Pagsisimula niya. 

"Puwede ka namang magpalipas kahit isang buwan lang dito pero bakit isang linggo lang," I sighed. "I mean, it's up to you if you want to stay or not, pero paano mo masusulit ang pag-uwi mo kung isang linggo ka lang naman dito." 

"Well, gustohin ko man pero hindi talaga pwede. Hayaan mo kapag nakalugar ako babalik ako dito." Nilingon ko siya dahilan upang magkasalubong ang aking mga mata. 

"What if hindi kana makabalik?" What if tuluyan mo na akong iwan. Tulad ng pamilya ko, iniwan na ako. 

Umigting ang kaniyang panga. Alam kong may ideya na siya kung bakit ko iyon naitanong sa kaniya. "Anong klaseng tanong 'yan, Beverly. Syempre, uuwi ako dito. Uuwian pa rin kita. Hindi kita iiwan, okay?!" 

Nangiligid ang aking luha dahil sa narinig.

"Promise?"

Itinaas ko ang aking hinliliit at nilapit ito sa kaniya. Bahagya man nahihirapan dahil sa posisyon namin dalawa'y hindi pa rin ako nagpapigil. 

Pinagkabit niya ang aming dalawang hinliliit at hinalikan ito. "Promise." 

Sa sagot palang niya, alam ko nang kuntento na ako. Iyon lang naman ang gusto ko e, 'yong hindi na ulit iwan ng taong mahal ko. Sawang-sawa na akong iwan, nakakapagod na rin mapangiwanan. Gusto ko ngayon, ipapangako na ng isang tao na hindi niya ako kayang iwan. Na kahit anong mga problemang mapagdaanan namin dalawa'y hindi pa rin ako iiwan. 

Kinabukasa'y nakita ko nalang si Anton na nasa labas ng aming mansyon na ikinabigla ko. Bakit siya nandito? Akala ko ba'y may gala sila kasama ang kaniyang mga kaibigan? 

"Anton, why are you doing here?" I said. Niyakap ko ang aking aso na si Mavi bago lumapit sa kaniya. 

Umayos naman siya sa pagkakatayo mula sa pagkakasandig sa kaniyang sasakyan. "I just want to invite you to join us." 

Kumunot ang aking noo. Ako? Bakit niya ako isasama sa kanilang bonding magkakaibigan e maliban sa mga Santibastian at Montecarlos, wala na akong ibang kilala. 

"Ha? E bakit?" Sunod-sunod kong tanong. 

"Wala lang," napakamot siya sa kaniyang ulo. "G-gusto ko lang din kasama ka habang nagsasaya kami doon." Nahihiya niyang sabi. 

Napangiti ako dahil sa narinig. "Okay, sasama ako sa inyo." Agad kong tugon. 

Akmang papasok na ako sa kaniyang sasakyan ng pigilan niya ako. "Bakit?" Taka kong tanong. 

"Bihis ka muna then magdala ka na rin ng damit mo pambihis," ani niya. Taka ko siyang tiningnan. Nang mapatingin siya sa akin at nakita ang pagtataka ko'y doon niya lang dinugtongan ang sinabi. "Maliligo tayo sa Midry Falls kasama sila, unless gusto mong maligo na nakapajama pa." 

Namula ako sa kahihiyan. "Magbibihis lang ako!" Halos pasigaw ko nang sinabi.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya at dali-dali nang pumasok ulit sa aming mansyon dala ang aking aso. Binigay ko siya sa aming maid na agad naman itong tinanggap. 

Tumakbo ako papasok hanggang sa makaakyat na ako ng hagdan kung saan ko naabutan si Manang kasama ang isa pa namin na maid bitbit ang mga nilabhan na damit. 

"Huwag kang tumakbo, Beverly!" Sigaw niya. 

"Opo!" Pero imbes sundin ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa aking kwarto. Hingal na hingal ako ng masarado ko ang pintuan. 

Agad akong pumasok sa walk in closet ko at nanghalungkat ng mga damit pangligo. Halos magkakalahating oras pa ang naabot ko dahil sa pagpili. Nang maayos na ang suot ko, inilagay ko naman ang aking extrang damit sa loob ng bag ko. Bitbit ko ito ng lumabas na ako ng aming mansyon. 

"Let's go?" Baritong boses ni Anton ang bumungad sa akin. Tumango lang ako at lumapit na sa kaniyang sasakyan. 

Kinuha niya ang bag ko bago ako iginaya papunta sa passenger seat. Binuksan niya ito kaya pumasok na ako. Nilagay niya muna ang bag ko sa likod bago siya umikot para makasakay na sa driver seat. 

Sinimulan na niyang magmaneho papuntang Midry falls. Agaw tingin lang ang tanging nagawa ko sa mga nakalipas na minuto. 

"Ahm, Anton?" Tawag ko sa kaniya. Saglit niya lang akong nilingon dahil nagmamaneho siya. 

"Hmm..." tugon niya. 

"May girlfriend kana ba?" Tanong ko. 

Rinig ko ang mahina niyang pagtawa na ikinangiti ko. Ang gwapo niya talaga! 

"Wala," mas lumawak ang aking ngiti dahil doon. 

"May nililigawan?" Tanong ko ulit, hindi na mawala ang ngiti. 

"Wala rin," sagot niya rin. Kinagat ko ang pangibabang labi. 

"Kung ganon, walang magagalit kapag palagi mo akong kasama?" Hindi na siguro mawawala ang matamis kong ngiti dahil sa narinig. 

"Oo naman!" 

Inalis ko ang paningin sa kaniya at napahagikhik ng mahina habang nakatingin sa mga palayan na nadadaanan namin. Nang mapagtantong napalakas iyon ay agad kong tinabunan ang aking bibig gamit ang aking kanang kamay at namumulang napapikit nalang. 

Ilang saglit pa'y nakarating na rin kami sa wakas sa Midry Falls. Sa sobrang excited ko'y hindi ko na hinayaan pang pagbuksan ako ni Anton at agaran na rin sa pagbaba. Kinuha niya muna ang aking bag sa kaniya bago siya sumunod sa akin. Tuloy-tuloy akong pumasok doon. 

Bagaman tahimik sa labas, rinig na rinig ko naman ang ingayan ng mga pamilyar na boses ng makapasok ako sa loob. Mukhang, kanina pa sila rito. 

"Beverly?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kuya Uno sa aking gilid. 

"Kuya Uno!" Gulat kong sabi. Niyakap niya ako kaya't niyakap ko na siya pabalik. Ginulo niya muna ang aking buhok bago ako binitawan. 

"Ang laki mo na ha, nung huling kita ko sayo kasing liit mo pa ang pinsan ko." 

Pinisil niya ang matambok kong pisngi na ikinasimangot ko. "Kuya time flies, big girl na ako nuh!" Ani ko. 

"Oo nga, big girl na 'yan," biglang sulpot naman ni Phoenix sa tabi ko at inakbayan ako. "May mga manliligaw na nga e!" Pinanlakihan ko ng mga mata si Phoenix ng sabihin niya iyon. 

"Naku! sabihin mo, Nix, dadaan muna sila sa mga kamay namin bago nila ligawan si Beverly." Sinapak-sapak niya pa ang kaniyang kamao sa kaniyang kanang palad. 

Napatampal nalang ako sa aking noo. "Kuya, hindi iyon totoo! Nagsisinungaling lang si Phoenix!" Mas sumama lang ang aking tingin sa kaibigan. 

"Totoo kaya, si Ryan, si Michael, si Gelo, at marami pang iba! Andaming nagnanakaw nang tingin sayo pero hindi mo man lang malingon!" Mas lalo lang siyang nang-asar kaya hindi ko maiwasang mapikon. 

I hate you! 

"Ikaw kanina kapa!" Akmang susuntukin ko na siya ng tumakbo na siya papuntang falls, hahabulin ko pa sana siya pero bago ko paman maihakbang ang aking mga paa'y nahila na ako pabalik at nabanga sa matipunong dibdib ni Anton. 

"Madulas ka," bulong niya. 

Iyon palang ang sinabi niya pero nanghina na ako. Sino ba namang hindi manghihina kung sobrang gwapong nilalang ang nasa harapan mo. Para siyang modelo sa metro. Lalo na ngayon at naka topless lang siya na halos ikatulo nang aking laway. 

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Where stories live. Discover now