Chapter 15

1.9K 48 6
                                    

" Care to tell me, why are you here at the freaking bar?" nagpipigil na sabi ni Achlys.

" The taxi driver dropped me here." mahina kong sabi habang nakasandal sa balikat niya.

Nandito kami sa kotse niya. Nakakandong ako patagilid habang nakayakap siya sa'kin. Oo, ako ang may gusto ng yakap pero siya itong nakayakap sa'kin. Ayos lang naman, maramdaman ko lang na may kasama ako.

Maingay siyang suminghap. Ramdam ko ang panggigigil niya habang naka yakap sa'kin.

" Who's that fucking driver?" aniya habang parang nagpipigil pa rin.

" Malay ko."

" What time is that?"

" I don't know." inaantok kong sagot bago sumiksik sa mabango niyang leeg. Ramdam ko ang pagkabigla niya pero hindi ko pinansin. Sinighot-singot ko ang leeg niya hanggang sa hindi ko namalayan, nakagat ko na pala.

" Ah! "

" Oh! Sorry hehe. " humagikgik ako nang dumaing siya. Umayos ako ng upo sa kandungan niya saka muling sumandal sa balikat niya.

" And.... who's that moron?"

Tumingala ako sa kaniya. " Who's Moron?" inosente kong tanong.

" The guy are you with a while ago."

Kahit medyo nahihilo pa rin ako ay kita ko ang madilim niyang aura. Ang gwapo niya kahit naka igting na naman ang panga niya.

" So gwapo." I cutely said before pinching his both cheeks.

I got shock when i saw his ears turn into red. His jaw clenched more and i can feel his hand turn into fist. Oh!

" S-seat on the passenger love, before i l-lose my control" aniya gamit ang matigas na boses.

Napanguso ako. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang paningin niya sa mata ko papuntang ilong ko, hanggang sa bumaba sa labi ko. Napaawang ang labi ko nang makitang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya.

" Fuck! She's drunk, Achlys. Stop! " rinig kong bulong niya nang ilayo niya muli ang mukha niya saka bumaling sa bintana. " Stop your shit, man! She's fucking drunk. "

Habang kinakausap niya ang bintana ay sumagi sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

Napapikit ako nang makaramdam ulit ng kakaibang sakit sa puso ko. Walang-wala ang sakit na 'to sa mga naranasan ko dati tuwing nagb-breakdown ako.

Parang may pinukpok ng kung ano sa puso nang maalalang hindi ako anak ni mommy. Hindi niya ako anak.

I sighed heavily before leaning again in his shoulder. Mula sa ilalim ko ay ramdam ko ang pagkabigla niya. He tapped my head twice before he lossened his necktie. Tumikhim pa siya ng dalawang beses bago nagsalita.

" What's the matter, love?" he asked with a soft voice.

Instead of answering him. "Let me tell you a story, bob." maingay siyang humugot ng hininga pero hindi ko na pinansin. "Once upon a time, a g-girl craves for a mother's care and love. Ever since she was a child, t-that's all she could ask for. Love. Unfortunately, her mother can't satisfied that cravings of her, so she tried everything to gain that love. She did all her mom's wants and followed her, even in the c-controlling point." tumigil ako saglit dahil namuo na ang mga luha sa mga mata ko. Humugot pa ng hininga bago tumuloy. " Sadly, she still didn't get to feel that thing called mother's love." pumiyok ako sa huli kong sinabi kaya hindi ko na napigilang maluha.

Mabilis kong sinapo ang mga luha na nag unahan sa pagtulo. Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko si Achlys na makita akong mahina at umiiyak.

Ramdam kong niyakap niya ako agad. Sa simpleng yakap na 'yon, gumaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko dahil may kasama ako.

The Governor's Obssession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon