Chapter 8

2.1K 57 3
                                    

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako kakaiyak. Gabi na ako gisingin ni manang para kumain. Sinabi ko na lang na busog ako. Ayaw kong humarap sa kanila na maga ang mata ko.

Hindi pa nila ako nakitang umiyak. Wala pang nakakita sa'kin na umiiyak ako dahil sa sakit, frustration, stress, breakdown, and everything.

Nahiga lang ako sa kama ko habang lumulutang ang isip ko sa kung saan. Hindi pa rin ako nakakapagbihis dahil wala akong gana na kumilos. Pakiramdam ko ay nanghina ako sa pag iyak ko kanina. Gusto ko na lang matulog ulit.

May narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya pumikit ako at nagkunwaring tulog. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto bago ko naramdamang may lumapit sa'kin. Mahina akong napasinghap nang haplusin ni daddy ang buhok ko. Alam ko agad na siya 'yon dahil alam ko ang amoy ng pabango niya.

Patuloy lang siya sa paghaplos ng buhok ko bago ko maramdamang hinakikan niya ako sa noo. He whispered how much he love me and how much he treasure me. Gusto kong umiyak dahil ang tagal na nang gawin sa'kin ni daddy 'yon. Pinigilan ko ang sariling humikbi at gumalaw kahit gustong-gusto kong yakapin si daddy.

Siya lang ang pinakamalapit na tao sa'kin. Siya ang pinaka-close ko sa pamilya ko. Siya lang ang kakampi ko. Pero hindi ko na maalala kung kailan ko huling naramdaman 'yon. Nawalan na siya ng oras sa'kin.

I miss you dad!

Sumabog ang hikbi ko nang makalabas si daddy sa kwarto. Pakiramdam ko, nasa isang madilin na kwarto ako. Umiiyak, mag isa. Sa ilang buwan ang nakalipas, hindi ko naramdamang mag isa ako dahil laging nand'yan si Gov. Pero ngayon, hinang-hina ako. Wala na naman akong kasama. Ayo'ko naman mang istorbo dahil panigurado maraming ginagawa ang taong naging sandalan ko ng ilang buwan.

Nandito na naman nga ako. Sa isang madilim na kwarto, mag isa, lumuluha. Paulit-ulit na humihingi ng lakas sa taas, na kayanin ko ulit kahit mag isa lang ako. Na kahit wala akong karamay, malagpasan ko lahat ng problema. Na sana, bigyan niya pa ako ng lakas inintidihin lahat ng mga bagay-bagay.

Dinig ko na kanina pa nagriring ang phone ko pero wala akong lakas kunin 'yon. Umiyak lang ako ng umiyak na parang batang iniwan ng nanay hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang may naramdaman akong humahaplos sa ulo ko. Ramdam ko rin ang comforter na nakabalot sa katawan ko pero nilalamig pa rin ako. Nanghihina kong binuksan ang mata ko at nakita ko sa mula sa bintana na madilim pa.  Dahan-dahan akong lumingon sa taong humahaplos sa buhok ko at nakita ko ang taong naging dahilan kung bakit hindi ako nag iisa nitong mga nakaraang buwan. Kahit patay lahat ng ilaw ay kilala ko siya at ang pabango niya.

" G-gov?"

" Bob! How are you feeling right now?" nag aalala niyang tanong habang hinahaplos pa rin ang buhok ko.

" W-what are you doing h-here?"

"Mr. Villaruiz called me." mahinanon niyang sabi saka hinaplos ang noo ko. Nakasandal siya sa headboard ko habang medyo nakayuko sa'kin.

May nakita akong isang maliit na palanggana sa gilid ng lamesa ko. Saka ko lang nalaman na nilalagnat pala ako.

Ganyan palagi ang resulta sa tuwing nasosobrahan ako sa iyak. Sa tuwing lalagnatin ako, ang mga kasambahay lang ang nag aasikaso sa'kin. Maasikaso lang ako ni daddy pag uwi niya galing work.

The Governor's Obsession ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon