Chapter 1: Babysitting Ms. Preggy

861 41 4
                                    

MOAV: CHAPTER 1

     NAKIKITA niya ang pagod sa mga mata ni Nious ngunit wala siyang ibang choice kun'di ang gisingin ito lalo na at may gusto siyang kainin.

Halatang nagulat rin si Thea sa tanong ni Nious sa kaniya. Kung buntis ba siya? Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Ng itanong ito ng asawa niya ay agad silang nagtungo sa hospital para mag pa check up.

Tama nga sila, buntis si Thea.

And she met her OB, babae ito. Ayaw kasi ni Nious na lalaki ang magpapaanak sa kaniya dahil siya lang daw ang pwedeng humawak kay Thea at wala ng iba.

At d'on nga niya nalaman na isang buwan na pala siyang buntis na hindi pala niya napansin. Wala kasi siyang naramdaman noon ang Morning sickness niya.

Ngayong nalaman niyang buntis siya ay hindi na siya masyadong pinapagalaw ni Nious. Kung dati medyo gabi ito umuuwi ngayon naman ay halos kada hapon na ito umuuwi.

Ang sabi lang ni Thea sa asawa niya na baka bumagsak pa ang kompanya nito. Pero ang isinagot lang ni Nious ay kaya namang tumakbo ang kompanya ng wala siya.

Pati narin 'yong anak niyang si Tyron ay naging mahigpit narin sa kaniya. Hindi na siya gumagawa ng gawaing bahay dahil pagkatapos nito mag aral ay agad itong umuuwi para ito na ang gumalaw rito sa bahay.

Minsan na bobored na si Thea lalo na at nakaupo lang siya minsan sa sofa, natutulog, nakahiga at ano ano pa. Hindi na siya sanay na walang ginagawa.

Kung dati tamad siya ngayon hindi na.l

Binigay agad ni Nious sa kaniya ang pinabili niyang Buko Pie bago ito sumalpak sa kama at nakatulog agad.

Ginigising niya kasi ang Asawa tuwing madaling araw dahil nakakaramdam siya ng gutom or sabi nga ng OB niya paglilihi.

"Nious," bahagya niya itong niyugyog at tanging ungol lang nito ang narinig niya. "Bili mo ako fries."

"Ano?!" gulat na tanong nito at puyat na puyat na nakatingin sa kaniya.

Napanguso nalang siya dahil naaawa na siya sa asawa niya ngunit hindi naman 'ata pwede na siya ang bumili dahil baka may makasalubong pa siya na mga badguys at ano pa ang mangyari sa kanila ng Baby niya.

"French Fries," pag uulit niya.

"Honey," bahagya pa itong gumugulong. "Pagod na ako."

"Akala mo ako hindi?!" pagalit na sigaw niya rito. "Akala mo ba madaling magbuntis ha! Nagigising ako tuwing umaga para lang sumuka, minsan nahihilo at laging inaantok at nakakaramdam ng pagod, tapos ito akala mo ba—"

"Shh!" Tumayo na ito. "Bibili na ako."

Napangiti siya sa sinabi nito, "love you."

Kita niya ang pag irap nito ngunit hindi matatabunan no'n ang kasiyahan na naramdaman niya ngayon ngayon lang.

Ilang minuto siyang naghintay bago bumukas ang pinto at dumating ang asawa niyang may dala dala. Binigay iyon ni Nious sa kaniya at sumalpak sa kama.

"Nious—"

"Ano na naman?!" Irita pang sinabunutan ni Nious ang buhok nito.

Hindi niya napigilang hindi mapabungisngis sa itsura ng asawa niya ngayon.

"Sasabihin ko lang naman na I love you e." Pinahalata niya rito ang pagtatampo sa boses niya.

"I love you too." Napangiti siya sa sagot nito bago kinain ang dala ng Asawa.

Nious Quias || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now