MS: Buntis Kaba?

Beginne am Anfang
                                    

Hindi pinansin ni Thea ang mag ama at umupo sa gitna ng magsimula na ang Movie.

Ramdam niya ang pag akbay ni Nious sa kaniya isinandal niya ang ulo sa dibdib nito habang nakatingin roon sa unahan.

"Pa'no kaya 'pag namatay ang isa sa atin Nious anong mangyayari?" tanong ni Thea sa asawa niya.

"Ikaw ang puso ko Thea, tatanungin kita," umayos siya ng upo at hinarap si Nious. "May nakilala ka bang tao na buhay pero walang puso?"

Umiling siya bilang sagot. Ngumiti naman si Nious sa kaniya at hinalikan ang nuo niya bago siya niyakap ng mahigpit.

"Kung mawala ka. Dahil ikaw ang puso ko, ibig sabihin niyan. Patay narin ako."

"Nious-"

"Shh! Sa ating dalawa Thea. Tandaan mo 'to ako ang unang mawawala."

"Ang drama niyong dalawa d'yan." Pumagitna sa kanila si Tyron at yumakap.

"May kailangan ka 'no?" basang basa na ni Nious ang kilos ng anak nito kaya wala na itong matatago.

"Aalis ako tonight," mahinang sabi nito.

"Sure-"

"Hindi!" pagpigil ni Thea sa dalawa. "Bawal kang lumabas tuwing gabi Tyron, tandaan mo 'yan. 9 years old ka palang hindi ka pwedeng lumabas-"

"But Mom," mas lalong nairita si Thea ng pinutol ni Tyron ang sasabihin niya.

"No buts Tyron! Hindi dahil lalaki ka ay malaya kanang makakalabas. Hindi! Bawal!" Saka siya tumayo.

"Mommy im already teen-"

"You're wrong. You're still a baby."

"Stop Baby me, Mom!" maktol ni Tyron sa kaniya.

"At kailan kapa natutong sagot sagutin ako?"

Para naman itong maamong tuta na yumuko matapos pagalitan ni Thea.

"You can go Tyron."

"You're spoiling him, Nious!"

"I love being spoiled Mom," bago ito humarap sa Daddy niya. "Thanks Dad." Humalik ito sa pisnge ni Nious bago humalik sa pisnge niya.

"Pero dapat bago mag 9 nandito kana. Kun'di grounded ka!" pahabol na bilin ni Nious.

"Noted Dad."

"Honey." Masuyo itong yumakap sa kaniya.

"Ang tigas ng ulo. Pa'no nalang kung may mangyaring masama sa kaniya sa labas? Hihiwalayan talaga kita Nious," pagbabanta ni Thea sa Asawa.

"Honey, masyado mong sinasakal si Tyron."

"Ayaw ko lang na may mangyaring masama-"

"Honey," kinulong ni Nious ang mukha ni Thea gamit ang dalawang palad niya. "Let him."

NAPADALAS ang pag alis ni Nious lalo na at masyado itong naging busy sa trabaho. Naiiwan niya sa bahay ang mag ina niya. Ngunit alam niyang kaya ni Tyron na protektahan si Thea.

Lalo na at pinag aral niya kung pa'no iligtas ang sarili. Kailangan niyang maging safe at handa. Kaya trinain niya si Tyron ng palihim na hindi pinaalam kay Thea.

It's been a long time simula ng mangyari lahat ng iyon sa Quias University.

Napatingin siya sa isang picture frame sa ibabaw ng mesa niya. Ang wedding photo nila ni Thea.

Hindi niya aakalain na ang matagal na niyang minahal. Mula pagkabata hanggang ngayon ay asawa na niya.

Ang dami na nilang pinagdaanan. Nagkahiwalay silang magkakaibigan dahil pinadala siya sa ibang bansa. Para lang apihin na akala ni Nious na Mama niya ay hindi pala.

Kaya pala gano'n nalang ang galit nito sa kaniya dahil hindi siya nito anak.

Akala niya hindi na mag c-cross ang landas nila ni Thea ngunit nag kakamali siya. Nagkita muli silang dalawa sa Quias. Ang paaralang binuo niya para sa mga pasaway na bata.

Do'n din siya sinubok ng tadhana kung deserving ba talaga siya sa pagmamahal ni Thea.

"Mr. Quias." Nag angat ng tingin si Nious at tiningnan ang tumawag sa kaniya.

Binalik niya ang tingin sa ginagawa niya ng mapansing si Mr. Asher De Leon pala ito. Ang panganay na anak ni Mr. De Leon ang ka Business Partner niya.

Umupo ito sa katapat na upuan at pumikit. Naalala niya si Alejandro kay Asher. Medyo antukin din kasi itong si Asher pero hindi ito tulad ni Alejandro na taga galaw talaga nito ay antok agad or in short tamad.

"Nandito ka lang ba para matulog?" tanong ni Nious sa nakapikit ngayon na Asher.

"Masyadong maingay 'yong sekretarya ko."

"Bakit 'di mo alisin sa trabaho?"

Napangiti siya ng makitang biglang napamulat si Asher dahil sa sinabi niya. Matagal na itong nag rereklamo dahil daw sobrang ingay ng sekretarya niya. Pero ang ikinagulat lang ni Nious ay hindi magawang alisin ni Asher ang sekretarya nito sa trabaho.

"Tapos sa 'kin nalang 'yong sekretarya mo."

"Shut up Nious!" Galit itong umayos ng upo at masamang tumingin kay Nious.

"Bakit?" natatawang tanong niya rito.

"Isusumbong kita kay Thea," halos mamutla siya sa sinabi nito.

Siya naman ngayon ang inaasar ni Asher. Sinamaan niya ng tingin si Asher na ngayon ay nakangising nakatingin lang sa kaniya.

"Uuwi kana ba?" tanong ng sekretarya niya pagkalabas ni Asher.

"Oo kailangan ko nang umuwi. Na miss ko na ang Asawa at ang Anak ko." ngumiti naman ito kay Nious.

Tinapik ni Nious ang balikat ng sekretarya niya bago niya nilisan ang opisina.

Naalala pa niya dati na inaway at ilang araw siyang hindi pinansin ng Asawa niya ng makita nitong babae ang sekretarya nito.

Kaya walang ibang nagawa si Nious kun'di ang alisin ang sekretarya niyang babae sa trabaho at pinalit niya ay lalaki para hindi na magselos ang asawa niya.

Masyado kasi itong Amazona pag nagseselos. Nakakaya nitong hindi siya pansinin ng ilang araw. Habang siya naman ay nanlulumo na dahil miss na miss na niya ang lambing ng Asawa.

Kaya hindi siya gumagawa ng mga bagay na ikagagalit ni Thea.

Pagkalabas ni Nious nagtungo agad siya sa kotse niya at pinaharorot ito patungong Mansion. Pumasok sa loob ng Mansion nakita niyang natatarantang mukha ni Tyron.

"Hey!" tawag niya sa atensyon ng anak niya.

"Daddy si Mommy." Sabay turo sa may kusina.

Dali daling tumakbo si Nious papunta sa may dining. Nakita niyang nagsusuka sa may lababo ang asawa. Agad niya itong nilapitan at hinaplos ang likod nito. Nagmugmog muna si Thea bago siya hinarap.

Halata sa puyat at pagod ang istura nito dahil sa pamumutla nito. Agad niyang hinaplos ang pisnge ng asawa bago ngumiti.

"Ilang araw na siyang nagsusuka, Daddy."

Napatingin siya sa anak niya bago tumingin ulit sa asawa at ngumiti.

"Buntis kaba?" bahagya ring nanlaki ang mata ni Thea sa tanong niya habang siya ay 'di mawala ang ngiti sa labi.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Nious Quias || #1 || COMPLETED ||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt