"Keep the change." Nakangiti nitong sabi sa cashier.

"Sir, sure kayo?" Takang-tanong nito.

Sinapok nya ito. "Hoy! Mahirap kumita ng pera! Anong keep the change ka dyan?" Hinarap nya ang cashier. "Yung sukli namin ha!"

"Opo. Yes po." Sagot nito at nagmadaling sinuklian ang magkapatid.

Nang makuha ang order, agad kumain ang dalawa. Ayaw man nyang aminin pero nakakatuwang panuoring kumain ang kapatid nya. Ang takaw kase...

"Kumusta na nga pala sa bahay?"

"Ayun." Uminom ito. "Tahimik palagi. Wala ka kase."

She sneered. "Tss. Si mommy?"

"Okay naman. Namimiss ka."

Napangiti sya sa sinabi ng kapatid. "Talaga?"

Tumango ito. "Yep. She bought a new cook book and is trying to learn bulalo. Alam mo bang galit na galit na si daddy kase palaging fail yung luto ni mommy? Ayun, ang daming naaaksaya. Ayaw namang magpatulong."

Tumawa sya. "Talaga? Kinakain nyo naman yung mga rejects?"

"Hindi ah! Ang sama kaya ng lasa! Nilalagyan nya kase ng sili!" Umiling-iling ito. "Ang adik ni mommy kapag buntis."

"Sina Tita ba nandito pa rin?"

"Yeah. Nagto-tour sila sa Bicol ngayon."

"Eh si Kolai? Buhay pa daw?"

Dylan laughed. "Bakit? Namimiss mo?"

"No way!" Ayaw na ayaw nya sa pinsan niya. She can never stand his pranks. Bata pa lang si Anzo ay sobra na ito sa kalikutan at katabilan. She was sure he just got worse.

Matapos kumain ay naglibot-libot ang magkapatid.

"You want to buy something?" He asked her.

"Shouldn't I be the one asking you that?"

He shrugged. Napadaan sila sa WOF. That's were he stopped. "Videoke tayo ate!" 

Hindi na sya nakatanggi ng bigla syang hilahin nito papasok sa WOF. Dere-deretso sila sa videoke room na mukhang may tao na.

At the corner of her eye, she saw Jes pay the staff.

"Wait Dy, may tao na yata--Dad!"

"Hey sweetie." Gulat na gulat si Dama ng makita ang ama na nakaupo sa isa sa mga upuan na nasa loob ng videoke room.

Agad syang yumakap dito.

"Daddy, I missed you!"

He kissed the top of her head. "I missed you too."

"Hi dad." Bati ni Dylan sa ama.

"Hey kid. Happy birthday."

"Daddy, si mommy asan?"

"She can't go sweetie... but she said hi."

Biglang nalungkot ang dalaga. "I guess she still doesn't want to see me." Malungkot niyang sabi sa ama.

"No sweetie... she wanted to see you so badly. Kaya lang kase, she feels that it's not yet the right time."

"Eh bakit ikaw dad? Why did she allow you to see me?"

"Takas lang si daddy ate. We'll be going to Amsterdam later tonight. Dun kase magsi-celebrate si daddy pagkatapos ng meeting nya with the CEO na dun din magaganap."

"Oh I almost forgot! Happy birthday daddy!" She kissed Dani on the cheek.

"Thanks sweetie. I still hope you can come with us though."

"Ang daya! I want to go there too!" Reklamo niya.

"Next year anak." Dani assured her. "So how's school?"

She blushed. Ewan ba nya, bakit kapag nababanggit ang school, naiisip nya si Zelo? 

"Why are you blushing?"

"Eeeee.... si ate... may boyfriend ka na no?" Tudyo ng kapatid niya.

"Uy wala ah!" Mariin nyang tanggi.

"Anak bawal muna ha? You need to graduate with high grades para makauwi ka na sa bahay. Namimiss ka na namin dun."

"Yes dad. I'll try."

Matapos ng kumustahan, bumirit ng kanta ang mag-ama. Tuwang-tuwa si Dylan kahit medyo masakit sa tenga ang mga boses nila. First family bonding kase nila na iba ang ugali ng ate nya.

Wala na yung maere, mapangmata at maarteng ate nya... siguro bits na lang nun.

He was glad... whatever is causing her to change... sana magtuloy-tuloy na.

xxxxx

AN: Lame... I know. Pasensya. Antok na antok na antok na ako. Salamat sa nag-antay ng UD. Ang pic ni Dylan Marco ay nasa group. Yun lang. Good night.

DAMA: The Princess BitchWhere stories live. Discover now