Part 19

199 6 0
                                    

Naupo ako ngayon habang nagmamasid sa mga kasamahan kung nilalaro ang mga bata lumalapit sa kanila

Pero bigla akong napalingon sa may ari ng maliit na kamay na humihila sa damit ko

"Ate....ate" kalabit nya sakin

Kaya binigay ko ang buong atensyon sa kanya "What is it little girl?"

Bigla namang napahinto ang Bata at pumaling ang ul "Po?ano po sinasabi nyo? Diko po kayo maindihan"

Mahina akong napatawa "Oh I'm sorry..I mean.....pasensya tinatanong ko lang kung anong kailangan mo"

Bigla naman syang ngumuso" "Ate samahan nyo naman ako sa park malapit po sa tinitirahan namin dati baka po nag-aalala na ang matalik kung kaibigan,sigurado po akong kanina pa po yun naghihintay.Ayaw po kasi akong payagan ni Sister eh" pagsusumamo nyang sabi at nakikita ko ang luha na namuo sa mata nya

"Hindi nya ba alam na lumapit kayo dito?"

Umiling naman sya "Hiling kita po namin bago masunod ang orphan pero hanggang sa nakalipat na po kami dito hindi namo ako nakapunta sa park kasi malayo dito"

"Uhmm ano nga pangalan mo?"

"Yana po ate"

"Kasi Yana....hindi ko kasi alam kung nasaan ang park na sinasabi mo"pilit na ngiti kung sabi

"Ayus lang ate alam ko po kung saan ang daan"

Kita ko ang ningning sa mata ng Bata sigurado akong namimiss na nya talaga ang kaibigan nya

"Sege magpaalam muna tayo kay sister"

Pagtayo ko ay nakakapit parin sya sa laylayan ng damit ko,para bang kung mabitawan nya ako ay mawawala ako

Lumapit ako kay Sister na nakamasid lang din sa mga batang naglalaro ang iba ay natatawang kita ko din ang magandang ngiti nya

"Excuse me sister?"nahihiya kung sabi

Agad naman syang napabaling sakin "Oh iha bakit may problema ba?"

Tinuro ko si Yana na nasa likod ko pero nakakapit parin sa damit ko "Si Yana po kasi gustong pumunta sa park"

"Ayy Nako Iwan ko ba sa batang yan at hindi makapaghintay kung kailan kami makakapunta don, sinabi ko pa sa kanya na hindi na muna ngayon dahil marami kaming inaasikaso sa paglilipat dito"

"It's okey Sister I can came with her to the park,she really miss her best friend"

"Eh alam mo ba ang daan papunta don?At nakakahiya na din sayo"

"Sister natatandaan ko po!"singit ni Yana

"Sigurado ka ba dyan Yana? Eh baka maligaw kayo at mapano pa kayo sa daan"maninigurado ni Sister

"Sigurado po ako Sister!"masiglang anas ni Yana

"Para sigurado ay ipapahatid ko kay Berteng" bulaslas ni Sister at agad na tinawag ang sinasabi nya

Pagkakapit ng Sister ay agad nyang pinakilala ang Kasama nya "Ito pala si Berteng.Mang Berteng nalang ang itawag mo sa kanya sya ang katulong namin sa pagluluto at driver narin"

Tumango ako at agad kaming ginaya ni Mang Berteng sa labas at pinagbuksan ng kotshe

Habang bumabyahe kami ay hindi mapakali si Yana hanggang sa nag park na kami ay putuloy syang lumilinga na para bang may hinahanap

"Iha dito lang ako ayus lang ba kayong dalawa na lang ang pumunta don? Namamanhid kasi ang paa ko nahihirapan akong lumakad"

Napansin ko ngang pa ika-ikang lumakad si Mang Berteng kanina

ITS JUST HAPPENWhere stories live. Discover now