Ang pamilyar na amoy niya ay pilit nagsusumiksik sa aking ilong.

Nanghihina ang tuhod ko ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya.

Anong ginawa mo sa akin, Deive?

Ngayon ko lang rin napansin na hindi na halos ako humihinga sa sobrang lapit ng katawan namin.

At sa sandaling nagtama ang mata namin ay may kung anong emosyon akong nakita roon ngunit agad ding nawala. Ngumisi siya sa akin at bahagyang ibinaba ang mukha patungo sa aking tainga.

Nagtaasan ang balahibo ko ng tumama ang mainit niyang hininga sa aking  balat.

"Breathe, baby, breathe."

Nagsimula na siyang humakbang sa red carpet ngunit ako ay nanatiling tuod sa kinatatayuan ko. Natulala lang ako at hinawakan ang dibdib ko.

Jusmiyo santisima.

Natigil ang akmang paghakbang niya nang maramdaman niyang hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Umiling siya ngunit may ngisi sa labi niya. Hinila niya ako papasok.

Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala kami ng hall.

Isang malawak na bulwagan ang tumambad sa akin. Ang halloween themed party na kung saan nagkalat ang mga bata't matanda na kanya kanyang suot ng kanilang Halloween costumes.

Ang mga batang nagkukumpulan sa unahan. Kung saan may mga magician. May mga umuuli rin waiter na may dalang kopita ng wine.

Inilibot ko ang mata ko, mangha sa ganda kahit na black and white ang color motif ng party.

May ilang napapalingon sa amin dahil sa kasama ko na anak ni Apollo na pinakagwapo sa lahat ng greek gods.

Inismidan ko lang sila at kumapit sa sleeves ni Deive. Kita ang biglaang pagtataasan ng kilay nila. At syempre hindi ako papatalo.

Pinagtaasan ko rin sila ng kilay.

'kala niyo kayo lang may kilay.

Bahagya naman akong napaigtad ng may mainit na braso ang pumulupot sa bewang ko kaya daglian akong napalayo kay Deive na naka ngisi sa akin.

"Why? Don't be jealous of them. Hanggang tingin lang sila." Tukoy niya sa mga babaeng nakatingin kanina sa kanya.

Jealous? Yun ba yung bubog sa bintana?

"Jealous ka diyan? Bakit ako magseselos? Eh mas maganda ako sa kanila?" Inis na saad ko sa kaniya. "At saka ano ba yang jealous jealous na yan?! Nakakain ba yan ha, ha?!"

Ngumisi siya sa akin. "Hindi pala ha, then wait for me here. Magpapakilala lang ako sa kanila, you know baka maging girlfriend ko ang isa sa kanila." Kumindat pa siya sa akin.

Bago pa ako makasagot ay umalis na siya at nagsimulang humakbang patungo sa mga babaeng kanina pa nagpapa cute sa kanya.

Iniwan talaga ako eh.

Sinamaan ko ng tingin ang likod niya maging ang mga babaeng lason. Sinimulan ko na rin silang bulungan ng sumpa sa aking isipan. Malandi ka, Deive.

Putangina talaga.

Nagsisimula na akong makaramdam ng pagka bwisit sa kanila.

Sige magsama sama kayo, mga lason.

Mas lalong sumama ang mukha ko ng makita ko ang panaka nakang paghampas ng mga lason sa matipunong braso ng malantod na si Deive. At ito namang isa ay tuwang tuwa, palibhasa apat na mga linta ang nakadikit sa kanya.

Kalma Aice, wala kang karapatan. Kasi wala naman kayong label.

Wala akong karapatan pero maganda bang panaksak ang balisong? Ice pick? Itak? O kaya pabugbog ko na lang siya kina kuya? Tas pabalatan ko ng buhay at ibabad sa suka at bawang?

Padabog akong naglakad papalayo sa kanila at naghanap na lang ng upuan. Namataan ko naman agad si Deivine sa hindi kalayuan na pinalilibutan ng nga lalaki.

"I already told you na I don't want to dance with any of you! Alis! Shoo! Shoo!" Taboy niya sa mga lalaki na mukhang pinipilit siya.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Dali na kasi, alam naming gusto mo din!"

"Eh sa ayoko nga eh! Shoo! Shoo ang c-creepy niyo! Susumbong ko kayo kay kuya, sige kayo!" Pananakot niya ngunit walang epekto.

Lumapit ako sa kanila. "Wala ang kuya mo, busy sa pakikipaglandian." Entrada ko sa kanila.

"Ate!" Lumingon lingon pa siya sa likod ko. Nagkibit balikat na lang ako at umiling. "Ate, help me with this creepy creatures. Pinipilit ako na makipagsayaw sa kanila, eh ayaw ko nga!" Sumbong sa akin.

Sinamaan ko ng tingin ang mga totoy na sa tingin ko ay kasing edad niya lang.

"Mga totoy, pag ayaw 'wag pilitin. Sa ngayon magsilayas na kayo bago ko pa kayo bugahan ng apoy. Alis!"

"Sino ka ba ha?!" Maangas na tanong nung isa.

Aba, lalaban.

"O bakit? Lalaban ka ha, lalaban ka?!" Hamon ko sa kanila at bahagya pang humakbang papalapit.

Agad naman silang umiling bago nagsipulasan.

"T-thank you, ate! By the way, where's kuya?" Tanong niya.

Muli sumama ang mukha ko at padabog na umupo.

"Andun, nakikipaglandian sa mga linta." Bakas ang pait at selos sa boses ko.

Please don't forget to vote and comment💖

————————————————————————————————————————————————————————————


BNDASD PART II: The Painful Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now