"I think no, I haven't told Bruno yet." sagot nito, bumuntong hininga naman siya saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalabas naman sila sa bahay ay agad nilang narinig ang malakas na tunog ng chopper, tumingala sila saka nila nakita si Felix. Kasunod nilang narinig ang busina kung kaya't nagbaba na sila ng tingin at nakita si Jethro na may dalang kotse,

"Tara na sa helipad!" sigaw nito, nagkatinginan sila saka sila sabay na tumakbo papunta kay Jethro,

Nang makasakay naman sila sa sasakyan ay agad itong pinaharurot ang sasakyan.

"How did you...?"

"Nanay called me, saka si Bruno, narinig niya lang sa mga kasambahay" sagot pa ni Jethro, mukhang nakuha na agad nito ang gustong itanong ni Erwan.

Mabilis silang nakarating sa helipad, agad silang lumabas sa sasakyan saka nagtatatakbo papunta kay Felix, habang si Jethro naman ay sinabing tutulongan ang Nanay sa pag-iimpake ng mga gamit ni Caroline at ng mga bata.

Nang makasakay sila sa chopper ay agad silang nag seat belt at umayos ng upo. Nag thumbs up naman si Bruno sa kanila bago tuloyang pinalipad ang chopper sa himpapawid.

"You're that nervous?" tanong ni Erwan sa kaniya, tumingin siya sa kapatid saka marahang tumango,

"This is my first time to see a woman who's in labour, eh nung ipanganak si Celestine wala naman tayong pareho. May competition ako at nasa barko ka" sagot niya pa, tumango naman si Erwan,

"Yeah, I remembered that. Atsaka, papalapit na ang duo race niyo ah," biglang pag sabi nito, bahagya naman siyang nagulat dahil doon. Muntikan niya nang makalimutan ang tungkol sa race dahil sa dami ng iniisip niya.

"Yeah," tanging tugon niya,

"Are you nervous? I'm sure na mapapanalo niyo yan ni Samantha. You both are good." ani pa nito, napangiti naman siya sa sinabi ni Erwan sa kaniya.

By that, he started to miss Samantha so much. Kamusta na kaya ito ngayon? kumakain kaya ito sa tamang oras?

"Thanks, I'm indeed nervous. This is the first time I'll join this crazy race." sagot niya sa tanong ni Erwan, tumango naman ito saka bahagyang natawa.

"I never thought that you'll change into someone like this. I mean, there's nothing wrong with you aside from being arrogant and sensitive. But, right now...all I could say is that you've changed, bro...you've changed a lot." ani pa nito, natawa naman agad siya.

"Samantha did this to me."

"Isa pa yang conyo girl na yan, she's not someone I expected to change my arrogant brother. Alam mo yun, mostly ang nakakapagpalambot sa mga arrogante ay kapwa niya arrogante. But look at you, being soft hearted to sweet-conyo-girl"

Natawa siya, "Samantha is more than her conyo personality. She's interesting. Ako din naman, hindi ko din inasahan sa mahuhulog ako sa kaniya."

Umismid si Erwan saka mapaklang natawa, "King ina, ang corny! Haha!" bulalas nito, natawa naman siya saka napatingin nalang sa baba.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na sila sa sa rooftop ng company ng kuya nila. Nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Efren, kinuha niya ang cellphone saka agad na sinagot iyon,

"What?"

"hindi daw makakapunta si Edward."

"What? where is he?"

"He's on a mission"

"Alright, thanks, nakarating na kami sa company ni kuya. See you later." ani niya saka binaba ang tawag, agad naman silang bumaba sa helicopter saka sila nagmamadaling pumasok sa companya.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon