Chapter Five: Sa Lalong Madaling Panahon

10.1K 242 3
                                    

VENUS POV

Nakasakay ako sa kotse ni kuya papuntang office. Hindi naman nya gagamitin eh. Tapos, pag gising ko wala na si mama at papa. May pinuntahan daw. Ang weird. Hindi naman sila umaalis ng hindi ako sinasama, minsan pa nga sapilitan pa.

Nang makarating ako sa company agad akong tumungo sa office ko. Hindi ko na sinilip kung nandun si Leo sa loob ng kwarto nya.

Umupo ako sa upuan ko at naagaw ng pansin ko ang isang malaking box sa lamesa ko. Sinuri ko muna yung box at may nakita akong letter na nakadikit sa ilalim ng box. Binuksan ko yung letter.

I hope you liked it. Next time mas higit pa dyan.

Unti-unti kong binuksan ang box, umalingasaw ang mabahong amoy. Pag tingin ko, dalawang patay na daga!

Sa sobrang gulat, napasigaw ako ng wala sa oras.

'AAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!' Sa lakas siguro ng sigaw ko pati kabilang building makakarinig nun.

Biglang bumukas yung pinto, si Leo.

'Anong nangyare?'

'Ma-may nagpadala nito dito.' - mangiyak na sabi ko habang nakaturo kahon.

Lumapit sya dun at tignan yun. Kinuha nya yung takip at ibinalik sa kahon.

'L-leo? Kanino galing yun? Bakit sila gagawa ng ganun?' - tanong ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako. Tinapik-tapik nya yung likod ko para tumahan ako sa pag iyak.

'Hayaan mo, ipapahanap ko kung sino gumawa nyan sayo.' - sabi nya

Tumango-tango lang ako. Wala akong matandaan na naging kaaway ko. At wala din akong kilala na ma effort humanap ng daga at ipadala sakin.

Nandito ako ngayon sa office ni leo, nakaupo ako sa sofa. Ayoko bumalik sa office ko at feelng ko may nag nakatingin sa bawat kilos ko. Buti nalang pinayagan ako ni leo na hindi muna mag trabaho kahit ngayon lang.

Pilit kong iniisip lahat ng nangyari sa buhay ko, wala talaga maalala na may taong galit sakin. Hindi naman mag aabala sila jackie na bigyan ako ng ganun. Mas maarte pa nga sila sakin. Bumalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang kamay ni Leo sa balikat ko.

'Ayos ka lang?' - tanong nya

'Oo. Inaalala ko lang kung sino may galit sakin.' - sagot ko

Umupo sya sa tabi ko.

'Wag mo na isipin yun, ako na ang bahala dun.'

'Siguro ikaw ang nag bigay sakin nun? Pag ti-tripan mo lang ako no??'

Walang emosyon na muka lang ang binigay nya sakin.

'Sabi ko nga hindi ikaw ang nag bigay.'

'Kuya!!!'

Nagulat ako sa nag salita na yun. Napatingin ako sa may pinto. Tatlong gwapong nilalang ang pumasok isa-isa. Thank you po!!!

'Ang ingay mo naman hyuk.' - sabi nung naka brown na hair sakanya.

'Masaya lang ako na nakita ko si kuya.' - hyuk

Tumayo si leo at sinalubong sila. Nakangiting tumango yung isang lalaki na medyo tan ang kulay.

'Oi ate? Ikaw ba si venus?' - hyuk

Tumingin ako kay hyuk na kani-kanina lang ay nasa harap ko, ngayon nasa likod na.

'H-huh? Oo.' - sagot ko.

'Ay hello! Ako si hyuk.' - sabi nya matching kaway pa.

Ang cute ng batang to. Iuwi ko kaya to? Papayagan ba ko ni leo? Malamang hindi.

Nagsi upuan din naman yung dalawa pang kasama nya. Ngayon nasa harap ko na sila. Si leo naka upo sa tabi ko.

'Ahmm.. leo, gusto mo iwan ko muna kayo? Para makapag usap kayo?' - tanong ko.

Umiling lang sya ng ulo. Kaya nanatili lang ako na naka upo. Makinig sa boss, baka hindi tayo swelduhan.

'Hi venus. Ako nga pala si N, ito namang nasa kaliwa ko si hongbin.' - N

'Hi din.'- ako

'Ano ginagawa nyo dito?' - tanong ni leo.

'Para dalawin ka kuya!!' - hyuk

Lahat kami napa tingin kay hyuk. Minsan Din pala wrong timing mag biro to. Sabay-sabay silang napailing.

'Leo, mukang mapapabilis ang pag dating nila.' - N

Tinignan ko si leo. Walang emosyon Na nakatingin sya kay N. Maya-maya lang tumango na si N. Anong meron ba tong mga to? Bakit nakakapag usap sila? Sigiro supernatural tong mga to? O kaya psychic? Astig yun pag nangyare yun, pero mukang imposible, eh sa muka palang ng boss ko wala ng hilig sa ganung bagay yun.

'Kung ganun, aalis na kami.' - N

'Ang bilis naman?' - hyuk

'Baka kasi masipa ka ni kuya leo pag nandito ka pa.'- hongbin.

'Babalik ako kuya leo at ate venus.' - sabi ni hyuk ha ang hila-hila ni hongbin yung kwelyo ng damit nya.

Nang makaalis sila, si leo nasa sofa pa din. Malalim ang iniisp nya. Gusto ko mag tanong kung sino ang dadating, kaso, nakakahiya naman.

Lumabas na ko ng office nya, babalik sana ako ng office ko ng biglang may nakita ako na may pumasok sa office ko.

Dahan-dahan ako nag lakad papalapit sa pinto. Nag bilang ako ng tatlo bago ako biglang pumasok.

'ANONG GINA-----'

saklap! Walang tao dito. Pero, kanina lang.. hay nako!!! Napaparanoid na ko. Wala pa nga ako ginagawa sa buong araw, feeling ko pagod na pagod na ko.

Humiga ako sa sofa ko at tumingin sa napaka taas na kisame. Bakit ba lagi nalang ako nakaka encounter ng mga weird na bagay? Yung daga? Yung hindi ko malaman na pumasok dito pero wala naman? Tapos si leo?

Ay teka!! Bakit kasama si leo?? Hindi tama yun. Ay hindi! Weird din sya. Oo tama weird din sya. Paturo kaya ako dun sa conversation nila. Yung sa tingin lang?

-----------

LEO POV

Naramdaman ko na lumabas sya ng kwarto, kaya agad akong tumayo at pumunta sa lamesa. Nandun sa ilalim nun yung daga.

Kinuha ko yun ng daga at inamoy yun. Sabi na nga ba! Hindi ako nag kakamali, sya nga ang nagpadala nun.

Agad akong tumayo at lumabas ng opisina ko at pumasok sa loob ng office nya, pag pasok ko sa loob. Nakatingin sya sa salamin.

She's just staring at it. Lumapit ako sakanya at laking gulat ko ng makita ko ang mala tsokalateng mata nya ay napalitan ng mala dugong kulay.

'Wag mong galawin si venus.' - sambit ko.

Humarap ang katawan ni venus sakin.

'Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo mahal na prinsipe.'

'Wala kang pakielam kung ano ang gawin ko. Umalis ka na sa katawan ni venus.'

'Mahina ang mortal na to mahal na prinsipe, ako na mahinang alagad ng mahal na hari ay kayang manipulahin ang katawan nya. Paano pa kaya kung si Adam ang gumawa nito? Kaya nyang utusan ang babaeng to na patayin ang sarili nya'

'Tumahimik ka! Umalis ka na!'

'Binalaan na kita, hindi ako mag sasalita sakanila. Pero, lahat ng ito ay malalaman din nila sa lalong madaling panahon.'

Nang maka alis sya sa katawan ni venus, bigla nalang sya nawalan ng malay. Mabuti nalang at nasalo ko sya bago pa sya tuluyang bumagsak sa sahig.

'Kailangan talaga kitang ilayo sa lugar na to venus.'

Naramdaman ko na gumalaw ang ulo nya, pinulupot nya ang mga braso nya sa bewang ko at siniksik ang ulo nya sa dibdib ko.

'Ang bango' - sabi nya.

Sumilay ang ngiti saking mga labi. Tulog sya habang nag sasalita.

Tumayo ako at dahan-dahan ko syang hiniga sa sofa. Habang pinag mamasdan ko sya, naalala ko ang sinabi nya.

'Paano pa kaya kung si adam ang gumawa nito, kaya nyang utusan ang babaeng ito'

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon