Chapter 2:Bullies

8 2 1
                                    

●●●CHARMAINE'S POV:

Pagkatapos ng aming klase ay biglang tumakbo at nauna na si Zamir.

Nagtaka naman ang mukha nila Thiago,maski ako ay nagtaka.

"Ano meron dun?" sabi ni Stefania

"Baka nahihiya lang makaharap uli si Thalia?Hahah"sabi naman ni Thiago.

Sa tingin ko ay ganoon nga Hahahah

"Mauna na akong umalis ha?" sabi ko.

"Sigee Charmiee koo,ingat."sabi naman ni Stefania.

Ano daw?Charmie?HAHAHA
Natawa ako sa nickname nya saakin,pero swret padin kasi nagawan nya ako ng nickname.

"I'm sorry again..Charmaine" saad naman ni Octavious.

Tumingin lamang ako sa kanya at saka umalis.

Alam kong medyo may pagka-bastos ang ginawa ko,pero ayoko pa sya makausap.

Nauna na ako at naglaro ng Archery.

May sarili kaming Archery Studio sa mansyon.Malamang yun ang business ng Papa Ddy ko sa Japan ey Hahah.

Dumiretso ako doon at agad na nagbihis.Kinuha ko ang Bow at Arrow na galing pa mismo sa aking ama.Hindi ko hinahayaang mahawakan ito ng kahit na sino.

Unang bala ko ay tumama sa 9,sumunod ay sa 10,at ang mga sumunod na bala ko ulit ay sa 10 padin tumama,ang 10 na points ay yung gitnang gitna na bilog

Ang huling arrow na ipapatama kong muli sa 10 ay may sumanggi,dahilan kaya napaliko ang asinta nito.

Tinignan ko kung sino ito.

Si...Ethan??!

Anong ginagawa nya dito?!?!

"Anong ginagawa mo dito?paano ka nakapasok?!" nakakunot noo kong tanong.

"Sinabi ko lang na classmate mo ako at pinapasok nila agad ako HA HA HA" sabi nito.

Tinutukan ko sya ng oana sa mukha nya dahilan para itaas nya ang dalawang kamay na para bang sumusuko sya.

"Ibaba mo iyan!,baka madulas ang daliri mo!" sabi nito.

"Sinusundan mo ba ako?"pagtatanong ko

"Hindi ah,bakit naman kita susundan aber?" nakangising tugon nito.

Mas itinutok ko pa ang arrow sa kanya.

"Easyy ka lang,hindi naman ito mabiro,oo sinundan kita,gusto ko lang naman makita kung gaano ka kayaman at kung totoo ba ang sinasabi mong marunong ka sa sport na archery." sabi nito.

Untiunti syang lumapit saakin at ibinaba ang oana kong nakatutok sa kanya.

"Base na nakita ko ay hindi kalang marunong,magaling ka din"
sabi nya sabay tingin sa target na puro 10 points ang score.

"Nais mo ba ng paligsahan laban saakin?"singit pa nito.

Pumayag naman ako dahil huling kita namin ay mabait naman ang pakikitingo nya saakin.

Sumanayon naman ako sa nais nyang mangyari.Lalaban ako.

"Oo,sige." tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Ngumiti sya sabay umarte na para bang may hawak syang pana at pinana ako.Sabay kindat.

Akala nya siguro madadaan nya ako sa pa-pogi effects nya.Psh..

1st Round,

Unang tumira ay ako,direstso 10 points.

Sunod ay sya,10 points din ang nakuha nya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Center of the Forest (cotf)Where stories live. Discover now