Simula

9 0 7
                                    

Simula

Staring into his blue eyes made my heart skip a beat.

It looks like an ocean--deep and blue. At para akong nalulunod, nawawala sa kawalan tuwing tinititigan ko ang mga mata niya.

"I know I'm handsome, Caella..." aniya at ipinatong ang siko sa armchair 'tsaka nilagay ang kanang kamay sa kanyang baba ngunit nakikipagtitigan pa rin sa akin.

"Kapal mo! You're not gwapo kaya!" that was a lie.

He chuckled. I swear, it sounds like a love song. I don't know why I feel like I'm missing that kind of sound. Para bang matagal ko na itong hinahanap ngunit ngayon lang muling napakinggan.

"Then why are you staring at me?"

He plastered a smile on his lips while raising his one brow. Nagulo rin ang kanyang buhok nang pasadahan niya iyon ng kanyang mga daliri.

Nakaramdam ako ng paglukso ng puso ko sa ginawa niya. He smirked when he saw my reaction.

"Do you like me, Miss Caella Smith?" he asked using a very sweet tone.

Nanuyo ang lalamunan ko, hindi alam ang isasagot.

"H-ha? Of course not!" I said in a defensive tone. "Ano ka gold?"

"Weh? 'di nga? Sige kunwari naniniwala ako na wala kahit na madalas kitang nahuhuling nakatitig sa 'kin."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa lintaya niya.

"H-ha?... no..."

"Hatdog!" aniya at humagalpak ng tawa.

"Funny ka na no'n?"

Tumigil siya sa pagtawa at inusog palapit sa akin ang kanyang upuan. Having him near me makes me feel uneasy. But this time I feel like I'm missing him. Like I want to hold him even if he's just beside me.

It's weird. All I want is to stare into his eyes. Para bang gusto kong kabusaduhin iyon. Para bang gusto kong manatili iyon sa isipan ko.

"Why are you so serious? May problema ba? Sabihin mo sa 'kin, makikinig ako." mula sa mapaglarong tono ay napalitan ito ng pag-aalala.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Gusto ko man sanang dagdagan ang sinabi ko ay hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Subalit napakaraming salita ang naglalaro sa aking isipan. Napakaraming tanong na gustong ilabas ngunit hindi ko magawa.

"Caella..." a familiar voice called me.

Hindi ako nakinig, nanatili lang akong nakatingin sa lalaking may bughaw na mata.

Who are you?

Why can't I remember your name?

Why do your eyes look so familiar?

Why am I missing you so much?

All these questions keep on playing inside my head. I want to ask him. Gusto kong malaman kung bakit hindi ko matandaan kung sino ba siya. Kung bakit ganito kami ka-close. Kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Alam ko at sigurado akong gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya na para bang sasabog ang puso ko sa sobrang saya dahil kasama ko siya ngayon.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi siya nagsalita subalit naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Pumatak ang luha ko kasabay nang pagpisil niya sa kamay ko.

"Tell me what's wrong. I'm worried." malambing na sinabi niya.

Nanikip ang dibdib ko sa sakit. Hindi ko malaman kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit pakinggan ng malambing niyang tinig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love To Remember (Mellifluous Band Series #1)Where stories live. Discover now