"Okay class, that would be all for today! Any questions?"

Mabilis pa sa alas kwatro'y namaalam na ang mga classmates ko, 'di man lang nila sinagot ang tanong ni sir.

"And you Mr. Dueñas!"

Nahinto naman silang lahat at binaling ang atensyon sa akin. Feel na feel talaga nila ang pagiging chismoso't chismosa.

Tumayo agad ako't tumingin sa direksyon ni sir, ngayon ay kalmado na ang kanyang mga mata.

"Mamaya, in my office!" sbi nya't sabay labas. Agad namang nagsilapitan ang mga akala ko'y pauwi nang mga classmates.

Pinutakti agad nila ako ng tanong, daig ko pa nagpa-presscon na mga pulitiko tuwing eleksyon.

'Di ko nalang sila sinasagot at ginamit ang aking pinakaiingatan na teknik na maangmaangan.

Umalis na kayo please. Ayaw ko na talagang pag-usapan ang kahit anong about kay Bela. 'Di kaya ng puso ko...

"Tama na yan guys! Anuba?! Magsiuwian na nga kayo!"

Deus ex machina! Salamat Sam huhu, andami-dami ko nang utang sayo!

Tumingin sakin si Sam at ningitian ako, 'di sya nagsalita pero parang narinig kong sinabi nyang...

I'm sorry Dave, hayaan mo nalang sila.

Kung wala lang tao dito maluluha na talaga ako! Grabi ka Sam! Huhu

Kamot ulong nagsialisan na ang mga kumag kong kaklase.

Hinayaan ko lang silang mawala, andito lang ako sa upuan ko. Umaasa na baka isang panaginip lang to't 'di pa ako nagigising ng alarm ko.

Pero ako'y bigo, totoo lahat 'to. Mga upuang may cover ang armrest, yung ingay ng mga estudyanteng pauwi, tawanan ng mga magkakaibigang nag-aasaran, ang pagtama ng mga sinag ng ngayo'y palubog ng araw sa loob ng classroom.

Lahat 'to totoo, at ngayon ako'y papunta sa isa pang katotohanan.

Palabas na ako ng classroom, 'di ko pero ang hirap huminga. Yung feeling na kahit ilang segundo nalang masusuka ka na.

Nilingon ko si Sam, suot nya ang isang yellow na hair clip na nagcocompliment sa malinis na naka ponytail nyang buhok.

Ayos lang yan, pabulong nyang sinabi.

Hinarap ko na ang labas ng classroom namin, kaya mo yan Dave! Ikaw si Dave Dueñas, nukaba?!

Tumungo na ako papuntang office ni Sir Advincula, ngayon ko lang sya tinawag sa apelido nya... 'di kasi ako sanay haha.

Kada hakbang palapit sa kwartong iyon ay may 'di kasiguraduhan sa puso, napatingin ako sa malawak na field ng eskwelahan. Wala mang masyadong estudyante, tanging iilan nalang na nakatambay at siguro'y ineenjoy ang high school life.

Sa ihip ng hangin na 'di ko alam kung pinipigilan ba ako o tinutulak papunta dun, naguguluhan nako...

Teka? Ba't ba ako pupunta dun?

Huh?

Ba't ako nasa labas ng classroom?

"DAAAAAVEEEEEE!"

Isang boses ang umusbong sa bandang harapan ko, isang babaeng tumatakbo papunta sakin.

Mahaba at napakaganda ng buhok, yung tipong sumasabay sa bawat galaw. Mga matang mapupungay na parang makikita ang kailaliman ng iyong puso. Sino kaya to? Ang ganda? Ba't nya ako kilala?

"Dave"

Sambit nya sa pangalan ko, ngayo'y malapit na kami sa isa't isa. Nakatitig lamang ako sa kanya.

'Di ko alam kung bakit pero parang pamilyar ang mukha nya, Bela? Huh? Sino yun?! 'Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko.

Bakit?

Anong nangyayari sakin?!

May kung anong damdamin akong 'di mapaliwanag, parang may nawala saking mahalaga..... mahalaga?

Parang may biglang malaking puwang sa aking puso, ang sakit! Parang kinukurot ng madaming tao ang puso ko, nahihirapan akong huminga 'di ko mahigop ng maayos ang hangin, at may kung anong pagkilansing sa aking mga tenga.

Napaluhod nalang ako sa sakit, ngayon luha'y tumutulo nang 'di alam ang dahilan.

BAKIT AKO NAGKAKAGANITO?!

Nakahanap ako ng tiyempo't tinanaw ang magandang dalaga sa aking harapan, malabo ang imahe nya dahil na rin sa 'di mapigilang pagtulo ng luha pero parang nasa tamang lugar ako. Napapakalma nya ang bagyong nagaganap sa puso ko.

Nanghihina na ako, nagdidilim ang paningin. Ang huling imaheng nakita na lamang ay ang sa dalagang ngayong nakababa narin pantay sa akin, namamalikmata lang siguro ako pero nakikita kong sya'y naluluha rin.

'Di ko na alam ang nangyayari, hinayaan ko nalang ang sariling mahimbing malapit sa kanya. 'Di ko alam kung bakit pero tila namamaalam ako sa isang bagay na mahalaga.....

Bela.... kaninong pangalan yun? 'Di na makapag-isip ang utak ko't tuluyan nang nahimbing...

ITUTULOY....


Turn BackWhere stories live. Discover now