Pinagtitinginan na sila ng mga tao na naroon. Nakaramdam ng hiya si Cedric. Nangamba rin ito na baka may makakita sa kanya doon na kakilala siya. Kaya sa halip na kumprontahin pa si Vinz, umiwas na lang ito at umalis.

Pag ka uwi sa kanila, dumaan ito sa tindahan ng itsik. Hinanap niya doon ang kanyang kapatid. Lumabas si Mr. Lei at hinarap si Cedric.

"Wala ka talaka ka dala-dala, kusto mo sikulo tawag kita pulis. Kulo ka lang aking tindahan."

"Nakiki usap ako sa iyo Mr. Lei. Ibalik mo na sa akin si Cedie. Heto, may pera na akong pambayad sa inyo. Amin na ang kapatid ko."  At inabot nito sa intsik ang kinitang pera.

"Ako ba, niluloko mo? Isa milyon utang sakin makulang mo. Lahat aking kastos sa putang nanay mo subla laki ! Binabawi ko lang ang pala sa akin!" Galit na tugon ng intsik.

"Sige na Po, huhuloghulugan ko na lang po sa inyo ang utang namin. Pangako makakabayad po ako. Isauli niyo na sa amin si Cedie." Pag mamaka awa pa ni Cedric.

"Tama na nekosasyon, ikaw bawi lang Min, kung melon na kayong milyon pambayad sa utang niyo. Alis na kana, tandaan mo, ito na huli mo pakita akin. Wak kana balik dahil pa pupulis na talaka kita!"

Umuwing luhaan si Cedric, hindi sapat ang kanyang hawak para matubos ang kapatid. Kailangan niya bunuin ang perang hinihingi ng intsik, pero paano? Isang katungan na magiging dahilan upang tuluyang malihis ang landas ni Cedric.

Matamlay na pumasok ng paaralan si Cedric. Ang dating magiliw at aktibong estudiyante noon, ngayon parang dinapuan na ng bagot. At napansin agad iyon ni Kid.

"Ano ang nangyari bakit ang baba ng quiz results mo kanina pare? Hindi lang sa isang subject, kundi halos sa lahat." Puna ni Kid kay Cedric habang kumakain sila sa canteen.

"Masama kasi ang pakiramdam ko noong nakaraang sabado, hindi ako naka pag review. Nakalimutan ko pa na may quiz nga pala tayo." Malungkot na tugon ni Cedric.

"Dati naman kahit wala kang review, mataas na man ang mga quizzes at exams mo. Ano nangyari pre? At pansin ko mula pa kanina ang tahi-tahimik mo." Obserbasyon pa ni Kid.

"Eh sa hindi nga ako nakapag review, tapos medyo masama pa hanggang ngayon ang pakiramdam ng katawan ko." Paliwanag pa ni Cedric.

Inabot ni Kid ang kaibigan para sana hawakan ito at tingnan kung may lagnat nang may nakita ito sa leeg ni Cedric.

"Pare, ano iyang mga pantal sa leeg mo ang dami." Puna ni Kid.

"Ah ito, marami kasing lamok sa bahay,  mga kagat ng lamok ito. Kinamot ko kaya nagka ganyan. Huwag mo na kasing pansinin."  Sabi na lang ni Cedric.

"Parang hindi naman gawa ng lamok iyan pare, baka kung ano na iyan. Patingnan kaya natin sa clinic?" Pag alala ni Kid.

"Sabi nang wag mo nang pansinin kasi. Ang kulit neto. Kumain ka na nga lang diyan. May klase pa tayo. Malapit nang matapos ang break natin."

"After nang klase, punta tayo ng center pa pacheck up natin iyan pare, baka kung ano na iyan." Pamimilit pa ni Kid.

"Ano ba Kid? Pwede ba kahit ngayon lang. Pabayaan mo muna ako." Biglang taas nang boses ni Cedric na tila na pikon na sa kaibigan.

"Concerned lang naman ako sa iyo pare, kasi parang ibang ikaw na Ang nakikita ko ngayon. Ilang araw ko nang napapansin ang pagiging ilap mo sa lahat. Ngayon ang tahi-tahimik mo. Pare alam kong may problema ka, paano ba namang e share mo iyan sa akin. Ano pa ang silbi ng pagiging mag best friend natin kung pati sa akin umaagwat kana. Pare nag aalala na ako sa iyo. " Sabi ni Kid.

"Kung gayon, ngayon palang bawasan mo na ang pagiging concerned mo sa akin. Para hindi mo na ako Po-problemahin." Sagot ni Cedric.

"What? Saan naman galing iyan pare? Anong mali sa ginagawa ko?" Pagtataka bigla ni Kid.

Dirtiest DadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin