"HAWAK"

2K 43 0
                                    

"Umorder ka kung ano ang gusto mo, sagot ko." Tanong ni Cedric nang makarating sila sa canteen.

"Anong meron? Bakit bigla mo naman ako inimbitahan na sumama sa iyo?" Balik na tanong naman ni Kid.

"Kailangan ba dapat palaging may dahilan?" Sagot ni Cedric.

"Nakakapanibago lang kasi." Tugon ni Kid.

"Alam kong mali ako, hindi ko na dapat sinabi iyon. Medyo hindi lang kasi maganda ang templa ko noon. Kaya sorry na." Paghingi ng tawad ni Cedric sa kaibigan.

"Hindi na mabubura sa akin iyon, sinabi mo na Ang nasabi mo. Pero huwag ka mag alala hindi naman ako galit sa iyo. Nagulat lang ako bakit mo iyon nasabi sa akin." Sagot ni Kid na may limitadong ngiti.

"Sorry talaga,"

"Sorry din nasuntok kita." Sabi naman ni Kid.

Sabay na kumain ng merienda ang dalawa sa canteen. Pauwi na Ang lahat ng estudiyante ng magpaiwan ang dalawa.

"Ano na naman ang gagawin natin , bakit hindi kapa umuwi?" Tanong ni Kid.

"Alam mo napapansin ko sa iyo parang kati kati kang samahan ako ngayon. Akala ko ba best friend tayo?" Pansin ni Cedric.

"Best friend? Best friend pa pala tayo, sorry nakalimutan ko na." Sagot ni Kid.

"Kaka ayos lang natin, aawayin mo na naman ako agad? Pasensiya na kung na hurt ko ang feelings mo sa sinabi ko pero hindi ko sinasadya iyon promise."  Sabi pa ni Cedric.

"Hindi raw, oh ano na ang gagawin natin. Baka dumating na mamaya ang sundo ko."

Kinuha ni Cedric ang naka parada nitong bike.

"Hindi ba tayo matititano diyan. Eh mas kita ko pa ang kalawang kesa sa bakal ng bike mo ah."  Biro ni Kid sa bike ni Cedric.

"Huwag mong ismulin itong bike ko, mas marami na kaming pinag samahan nito kaysa sa napag samahan natin.  Halika na angkas kana dito. May ipapakita ako iyo."

Agad na pumesto si Kid sa likuran ni Cedric.

"Huwag mo lang masyadong idikit pare natatamaan ang spine ko." Biro pa ni Cedric nang masagi ni Kid ang likod nito .

"Loko ka pala eh, huwag na lang kaya ako sumama?" Ang napipikon na namang si Kid.

"Biro lang, eto naman ang sensitive masyado. Tara na para maabutan natin ang ipapakita ko sa iyo. Kumapit ka nang mahigpit pare, baka mahulog ka sa akin."  At pinatakbo na ni Cedric ang dala nitong bike

Tinungo ng dalawa ang lumang abandonadong gusali na malapit sa kanilang campus. Minsan na iyon napuntahan ni Cedric.

"Hindi ba bawal pumasok dito?" Tanong agad ni Kid.

"Mukhang hindi naman. Matagal nang walang pumapansin dito. Doon tayo sa taas." Pag mamadali ni Cedric.

Tinungo nila ang pinaka roof deck ng lumang gusali. Umakyat pa sa pinaka mataas na bahagi si Cedric, sumunod sa kanya si Kid.

"Tamang tama lang ang dating natin. Papalubog pa lang ang araw." Sabi ni Cedric habang nakatingin sa deriksiyon ng araw na papalubog na sa mga Oras na iyon.

Nakatingin lang si Kid  kay Cedric habang pinagmamasdan ang tuwang tuwa nitong mukha. Napangiti ng lihim si Kid.

"Ano ba ang meron dito, bakit kailangan mo pa akong isama dito?." Lumapit si Kid kay Cedric at umupo ito katabi niya.

"Bago pa tayo nag away madalas na ako dito. Dito ako tumatakbo kapag gusto ko mag isa, kapag gusto ko mag isip. Hinintay lang ang pag lubog ng araw dito at pag bati ng buwan sa akin." Sagot ni Cedric.

Dirtiest DadWhere stories live. Discover now