The Last Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

Ano ang sasabihin niya sa lalaki kapag nakita ito?

Bahala na... Basta isa lang ang sigurado. It is about time to confront her past.



________________

The anticipation of meeting Ayder gave her chills. Hindi niya kasi alam kung ano ang mararamdaman.

Tumigil ang sasakyan ng kapatid sa isang resort house. Her heart raced seeing Ayder at the doorway of the resort.

Nahigit niya ang paghinga nang makitang hindi siya nito nilulubayan ng tingin. She felt intimidated under his stare. Yumuko na lamang siya. It felt like she was dragging her feet as they stepped towards him.

Ayder was silent when they stopped in front of him. Ang ate niya ang nagbukas ng usapan.

"My sister did not send me to avenge against you," umpisa nito. May hawak itong envelope. Wala siyang ideya kung ano ang laman.

Tahimik lang siyang tumayo sa tabi ng kapatid. Hindi niya matingnan sa mata ang binata kaya nanatili na lamang siyang nakayuko.

"It was my own decision," her sister uttered.

"My sister committed suicide when you broke up with her--"

"Aira, is that true?" agad na salo ni Ayder sa pangungusap ng kapatid. Napasinghap siya. She didn't quite expect that.

Nang iangat niya ang paningin, sinalubong siya ng mga nag-aalalang titig ng binata. Huli niyang nakita itong ganoon ang reaksyon ay noong naabutan siya nito sa puntod ng ama habang naglulupasay sa pag-iyak. She felt sad remembering that. Hindi niya namalayan ang mga luhang nalaglag mula sa mga mata.

The moment she nodded, Ayder pulled her and hugged her tight. Gaya noon, ramdam niya ang pag-aalala nito. She wanted to pacify him and tell him she's okay now but she was unable to say any word.

"Bakit mo ginawa 'yon?" malumanay nitong tanong. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok niya. Yumakap siya rito at nag-isip nang tamang paliwanag sa tanong nito.

Wala na ang ate niya nang bumitaw siya sa mga yakap nito. Ayder pulled her inside the resort and guided her towards the long couch. Hinawakan nito ang mga kamay niya nang makaupo sila.

"Na-overwhelm lang siguro ako sa pagkamatay ni daddy at sa pamamaalam mo nang tuluyan kaya na-depress ako, but I am okay now," saad niya rito.

"Are you sure?" nanunukat nitong tanong.

"Yes, I am okay now. Don't worry." She smiled genuinely. Muli itong yumakap. She smiled as she hugged him back tightly.

Hindi niya lubos akalaing gagaan ng ganito ang pakiramdam niya sa muli nilang pagkikita. Tuluyan na yata talagang nagising ang kamalayan niya sa nangyari. Wala na siyang makapang galit o paninibugho man lang sa pag-alis nito noon. She actually felt like, it was his liberty to go and she should've accepted it. Pinahirapan lang niya ang sarili.

"Aira, gusto ko lang malaman mo na hindi nawala ang pagmamahal ko sa 'yo kahit magkalayo tayo." Bumitaw ito mula sa pagakayakap. He looked at her face as if memorizing each detail.

"I'm sorry, Aira. I only chose to go away because I –,"

"You don't have to explain. Okay na," putol niya rito. She knew in her heart Ayder also loved her honestly. Hindi lang niya naintindihan ito noon dahil nabulag siya sa sariling emosyon.

"Your mom, does she know?" tanong nito. Tumango siya.

"Oo, pero na-explain ko na na wala ka naman talagang kasalanan sa nangyari sa akin. I was just in pain and wasn't on the right track," paliwanag niya. Nag-usap na kasi sila ng mommy niya noong nasa Thailand sila at maging ito rin ay hindi sinisi ang binata. Mas sinisi nga nito ang sarili dahil hindi nito alam ang nangyayari sa buhay pag-ibig ng anak.

"Y-your sister... I haven't apologized to her yet."

Tiningnan niya ito nang mataman. It must be her sister who should apologize for faking her identity, but her question was answered when Ayder explained exactly what happened at the bar that night.

Ikinuwento rin nito ang mga nangyari noong nagpanggap ang kapatid niya. Nagalit daw ito sa pag-aakalang ipinain niya ang kapatid para maghiganti sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya.

She was glad everything was cleared between them. Inimbita niya itong mag-dinner sa bahay nila pagkatapos nilang mag-usap na pinaunlakan naman nito.

Their dinner was light and happy. Lalo pa at nakisalo rin ang ate niya. Kuwento rin kasi ng kuwento ang ina tungkol sa kabataan nila ng ate niya.

Niyaya niya si Ayder sa back garden para mag-tsaa at muling mag-usap pagkatapos ng dinner. Sa may kubo sila pumuwesto.

They were halfway through their cpnversation when she remembered their memorabilia when they were together. Pinakatago-tago niya iyon noon. Lalo na noong depressed na depressed siya. Kailangan na siguro niya iyong ilabas.

Iniwan niya panandalian ang lalaki para kunin ang box sa kuwarto. Pagbalik niya nakita niyang nag-uusap ang ate niya at ang binata.

Nginitian niya si Ayder nang mapatingin sa direksyon niya. She was happy the two had a little time to talk. Para makahingi na rin ng tawad sa isa't-isa. In that way, they all can start with a clean slate.

"Ate, gising ka pa pala," tanong niya nang makabalik sa kubo. Agad namang lumapit sa kanya si Ayder para tulungang bibitin ang hawak na box. It was a 16x16 inch box.

"Nauhaw kasi ako, t-tapos magpapahangin sana saglit, p-pero akyat na ulit ako," tugon ng kapatid niya. Tumitig siya rito. She looked gloomy.

"Okay ka lang ate?" tanong niya. Para kasing wala ito sa tamang hulog o baka dahil nagising lang ito sa kalagitnaan ng gabi kaya't ganoon ang awra.

Tumango naman ito bilang sagot.

"You can stay here with us," dagdag niya. Pumasok siya sa kubo at binuksan ang ilaw. Hindi nila iyon binuksan kanina dahil maliwanag naman ang tanglaw ng buwan.

"Ipapakita ko lang kay Ayder itong memorabilia namin," masaya niyang sabi. Ngumiti lamang ito saka umiling.

"Hindi na. Gagawin mo pa akong third wheel," biro ng ate niya. Napatawa na lamang siya at hinayaan itong bumalik sa loob ng bahay.

Humarap siya kay Ayder nang mawala ang kapatid sa paningin nila saka binuksan ang box na ipinatong nito sa center table na gawa sa kawayan.

She felt nostalgic as she untied the bundle of DIY postcards. Nakadikit sa bawat post cards ang mga litrato nila sa bawat date na may kasamang piraso ng bulaklak mula sa mga bouquet na binibigay nito. There were handwritten short messages and descriptions in each postcard. Nakalagay doon ang naramdaman niya sa bawat panahong magkasama sila.

Ayder scanned them one by one. Nangingiti ito habang binabasa ang notes, sa ibang postcards naman, napaghahalata ang paglungkot ng mga mata nito. She understood his feelings. Siya nga rin ay hindi alam kung matutuwa, manghihinayang o malulungkot na balikan ang nakaraan nila. It was mostly happy. That's why it felt nostalgic.

"I'm sorry, Aira. Nasaktan kita," may lungkot nitong sabi bago ibinalik ang tingin sa kanya. Her eyes watered looking at him. He was indeed a wonderful person.

"Sarili ko lang ang inisip ko. I set aside your feelings," dagdag nito.

"Wala na 'yon. Ano ka ba?" natatawa niyang sambit sabay palis ng mga luha.

"I wanted you to see this. So, we can burn it together."

He stared at her puzzled. Ngumiti naman siya ng sinsero.

"Let's forget the past and start anew," hayag niya. Another tear escaped her eye.

"Kalimutan na natin ang lahat ng sakit ng nakaraan. It's about time we start making new memories minus all the guilt," dagdag niya.

Ayder reached for her and hugged her tightly.

"You are right," he whispered. Napangiti siya at yumakap rito. She closed her eyes as she leaned on his chest. His heart was pounding in a rythmn so familiar to her. She inhaled deeply.

Now, they can start all over again.

********* END OF BOOK TWO ******** 

Taming His Callous Heart (Part 2 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon