"Okay lang. Tapos na yun", nakangiti kong sagot.

Mas maganda talaga siya sa malapitan. At ang kutis niya, mahihiya ang lamok na kagatin siya, sobrang kinis.

"So gaano na kayo katagal ng kapatid ko?"

"Ahm, depende kung saan titingnan."

"Is it true na wala kayong commitment?"

Tumango ako. Mukhang nakapg-usap na sila ni Adam. Hindi na naman ako na-inform, question and answer portion pala itong napasukan ko. Mabait naman siyang tingan, pero pakiramdam ko, bawal akong magkamali sa mga isasagot ko.

Bakit kaya ganun?

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang kapatid ko pagdating sa babae. I just hope ikaw lang ang idinedate niya. Tama ba ako?"

Pahirap ng pahirap ang mga tanong ah. Lumelevel up.

"I hope so", tipid kong sagot.

"Ikaw? Are you dating other guys?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hell no! Nakita ba niya akong inihatid ni Brent sa coffee shop?

"No. Si A-adam lang."

"Good. You know what, I like you."

She paused.

"For my brother, of course."

Nakabawi ako sa pagkagulat. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"I've never seen him happy like this. I think he really likes you."

Hindi ko yata kayang pigilang magblush. Napansin niya yatang alangan ang ngiti ko.

"Maybe", sabi ko.

"Why? Hindi ka sigurado?"

"Hindi naman kasi siya vocal pagdating sa feelings niya. Actually, kaming dalawa."

Tumawa si Venice.

"I can't believe torpe pala ang kapatid ko? Hahaha."

Kahit yung tawa niya, sosyal pa din. Ngumiti lang ako.

"So paano, I have to go. I had a great time talking to you. Till next time. Hindi na kita maihahatid ha, pero dito ka muna, he's on his way."

Sino?

Gusto ko pa sanang itanong yon pero nagpaalam na siya ng tuluyan. Wala akong nagawa kundi hintayin ang tinutukoy niya.

Habang nakaupo, bigla ko na lang naramdaman na may humila ng ponytail ko. Lumingon ako at nakita siya.

"Sabi ko na nga ba ikaw yun eh. Akina nga yan", pilit kong kinukuha ang ponytail ko, sa halip isinuot niya yon sa braso niya.

Inayos ko ng kamay ko ang buhok ko.

"Ayos pala to, pwedeng bracelet", sabi niya at makatitig pa siya sa braso niya.

"Para kang bakla, hindi bagay sayo. Hahaha!"

"Anong sabi mo? Ako? Bakla? Baka gusto mong magkasubukan tayong dalawa?"

Pikon.

"Bakla ka! Bading! X-men! Paminta! Hahaha."

"Isa pa, lagot ka saken", banta niya.

"BAK--" Nakatitig siya sa akin. "BAK..kit mo ba kasi kinukuha yan?" tanong ko. Pinipigilan ko ang tawa ko.

"Mas gusto ko kapag walang ipit ang buhok mo. Yung natural lang", sagot niya.

Hmp. Bakla.

"Anong nakakatawa?" tanong niya. Hindi ko na kasi mapigilan ang tawa ko eh.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon