Kaloy

284 15 2
                                    

Buong buhay na yata niya ay naging security guard na siya. Halos lahat ng klase ng tao ay nakasalamuha na niya. Ang ilan ay mabait sa kanya at ang ilan naman ay ang baba ng tingin nila sa estado niya. May ilan kabisado na siya at ang ilan na man ay parang hangin lang siyang dinadaanan papasok sa lumang supermarket. Kabisado na niya lahat ng pasikot-sikot sa kanyang trabaho at sa lumang supermarket lang siya tumagal sa pagiging sekyu.

30 years na siyang nagtratrabaho bilang security guard. Binata pa lang siya ay naging sekyu na siyang ng isang bus terminal sa Manila. Ilang beses na ba siyang nagpalit-palit ng pwesto, bangko, mall, pawnshop at kahit anong pang establisheymento na pwedeng magtustus ng pangagailang nilang mag-asawa ay napasukan na niya kahit noong kabataan niya ay ang pagiging sekyu ang naging tinapay nito para mabuhay. Saksi ang lumang supermarket na ito lahat ng hirap at pagod niya. Pero hindi siya nagreklamo bagkus nag-papasalamat siya dahil may trabaho siyang matino.  May nagpapakain sa kanila na trabaho.

Bubuksan na sana niya ang isang piraso ng candy na binigay sa kanyang ng isang bata ng makita niyang may parating na dalawang binatilyo. Kilala niya ang isa dahil naging suki na rin ito ng supermarket. Ngiti pala ni Ely ay kitang kita na ni Kaloy. Hindi-hindi niya makakalimutan kung gaano kaaliwas ang ngiti ng bata.

Ngumiti ito at binati siya ni Ely. Kilala na niya ang bata dahil parating nandidito ito kahit anong oras ng gabi. Minsan nakikipagkuwentuhan naman siya kay Ely at minsan din nakikita niya na palaging bumibili ng kung ano-ano ito. Saksi rin ito sa paglaki niya hanggang ngayon na may kasama na siyang papasok sa supermarket. Ngayon lang niya nakitang may kasama itong iba parating kasi ito mag-isa.

Hindi alam ni Kaloy ngunit parang ang gaan ng pakiramdam niya sa bata dahil ba wala silang naging anak ng asawa niya at humahanap siya ng kalinga ng isang anak sa mga batang nakikita niya. Hindi rin lingid ang kasarian ni Ely sa kanya at tanggap niya ito sa kung ano pa man siya. 

Marahil kung hindi nakunan ang asawa niya marahil ay kasing edad na ni Ely ang anak niya. Simula ng malaglagan sila ng anak ay doon nalaman ni Kaloy na ang asawa nito ay may diperensya sa kanyang matres at mahirap na itong mag-buntis pa. Kung mag-kakaanak man sila ay sana gaya ni Ely. Masayahin at mabait.

Hindi naman siya nag-sising inasawa niya si Nelda. Mahal niya ito at hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya rito kahit hindi siya mabigyan ng anak. Hindi naman responsibilidad na bigyan siya ng anak ng asawa basta ang mahalaga ay kasama niya ito sa buhay at pinagako niya rito na sasamahan niya ito sa hirap at ginhawa. Mahal niya ito sa kahit ano pa man ang asawa niya at hinding hindi magiging dahilan 'yun na iwan niya ito. Halos magkandarapa siyang ligawan noon ang asawa niya at para sa kanya si Nelda ang kumumpleto ng buhay niya.

Napansin ni Kaloy sa mga mata ni Eli na kakaiba ito sa araw-araw na nakikita niya ang bata. Aaminin niya na parang tunay ang saya ng mata niya ngayon kaysa nung nakaraan na nakita nito. Tumingin ito sa kasama niya at nahihiyang tumingin ito sa kanya dahil niloloko pa siya ni Ely. Napangiti na lang siya dahil para silang aso't pusa kung mag-asaran. May pagkapilyo pa naman si Ely.

Umaga na ng makauwi si Kaloy sa isang maliit nilang bahay kahit papaano ay may napundar ang pagsesekyu nito. Pag-pasok niya sa bahay ay naabutan nito ang asawa na umiiyak. Bigla itong kinabahan dahil baka kung anong ang nangyare rito.

"Bakit?" agad na sabi nito at dinaluhan ang asawa.

Dahan dahang tumingin ang asawa nito at inabot ang isang pahabang plastic na kulay puti. Tinignan ni Kaloy kung ano ito ay tumambad ang dalawang pulang guhit sa kanyang mata.

"Bunti ako," mahinang sabi ng asawa nito. Hindi alam ni Kaloy kung ano magiging reaksyon niya. Tila naghalo-halo lahat sa dibdib niya ang emosyon. Nakatulala lang siya habang titig na titig sa dalawang guhit sa pregnancy test.

"Ma-giging tatay na ako?" kanda utal na sabi nito at tumingin siya sa asawa niya. Napatango na lang si Nelda at si Kaloy ay biglang dumaloy ang luha sa kanyang mata. Luha ng saya at galak dahil sa habang ng panahon ay nabiyayaan na silang mag-kaanak kahit malabo na.

"Magiging tatay na ako!" malakas na sigaw nito at yinakap ang asawa ng sobrang higpit.

"Magiging tatay na ako! Nelda, magiging nanay ka na rin!" sigaw nito at tumango tango ang asawa. Kita ni Nelda ang saya sa mukha ng asawa at hindi rin niya maipaliwanag kung gaano rin siya kasaya. Ito ang matagal na niyang dasal at binigay na sa kanya ng panginoon.

Kita sa saya sa mukha ng mag-asawa dahil sa wakas magkakaroon na sila ng isang anghel sa buhay. Halos magiba na ang bahay nila dahil panay ang talon ni Kaloy sa tuwa tila nawala ang nararamdaman nito sa kasu-kasuan. Parang hindi niya ramdam ang pagod sa trabaho sa mga oras na iyon. Ang tumatakbo lang isip niya at may anak na sila.

"Pangako mamahalin ko ang anak natin. Salamat Nelda... Salamat," hinagkan nito ang asawa at binigyan ng isang mainit na yakap.

The Guy Who Fell In LoveWhere stories live. Discover now