"Nakausap ko na sina Manang Sally kanina, sa isang araw pa raw sila makakasunod dito sa atin sa Manila." dinig niyang sabi ng mommy niya sa dad niya. Mukhang pinag-uusapan nito ang mga kasambahay nila na naiwan pa sa Cebu dahil may kailangan pang asikasuhin doon.

Nakaupo na sa kabisera ang dad niya habang inilalagay naman ng mom niya ang mga pagkain sa mesa nang makababa siya sa dining area. She kissed her dad's cheek, bago siya umupo sa gilid.

"Did you like our new home, sweetie?" tanong ng dad niya sa kanya nang mag-umpisa sila kumain.

"Yes dad, kahit hindi pa po ako nakakalibot. Ang importante kasama ko kayo nila mommy. Sayang wala rito si kuya." she said genuinely. Ngumiti naman ang ama niya sa kanya. 

"Your kuya also like this place, nag-video call siya sa amin ng dad mo. Ikaw nga ang unang hinanap sa akin, sabi ko naman natutulog ka dahil pagod ka sa biyahe." her mother said. Ang nakakatandang kapatid kasi niya ay nasa US, pagka-graduate nito sa Oxford, pinursue na nito ang passion nito, ang cinematography. Ngayon ay nagdi-direk na ito ng mga movies sa Hollywood.

"I'm sorry kung napilitan pa kayo na lumipat tayo dito, but I promise, pagkatapos ng mga kailangan kong gawin, aasikasuhin ko naman ang pagpunta natin sa Texas para—"

"Dad, can I have a request?" putol niya sa anumang sasabihin ng ama. Saglit naman natigilan ang dad niya.

"Yes, sweetie. Anything for you."

"Gusto ko po sanang mag-enroll sa university dito sa Manila."

"Sure, no problem. Mag-e-email na lang ako doon sa dating school na pinapasukan mo, then, kami na ang bahala ng mommy mo na maghanap ng online university na dito naka-based sa Manila."

"N-no po dad. Gusto ko po sana yung sa ...totoong school po talaga ako papasok." Simula kasi ng tumuntong siya sa high school, nagdesisyon ang parents niya na i-homeschooling na lang siya. At ngayon, magti-third year college na siya sa darating na pasukan, gusto naman niya maranasan pumasok ulit sa totoong eskwelahan. Makihalubilo sa ibang tao at magkaroon ng mga kaibigan.

"But Serenity..."

"Please?" she plead. Serenity smile bitterly to her parents. "I know that you only want what's best for me but can you grant this one wish for me?"

Nagkatinginan ang mga magulang niya, malalim na bumuntong-hininga ang mga ito. Alam naman niya na nahihirapan ang mga ito magdesisyon dahil sa kalagayan niya. Mahina ang katawan niya simula pagkabata, nag-iisang anak na babae lang din siya ng parents niya kaya todo protekta ang mga ito sa kanya kaya naiintindihan niya ang mga ito.

Her father deeply sighed, "Pag-uusapan muna namin ito ng mom okay?" sagot nito.

Sunod-sunod na tumango si Serenity habang nakangiti. "Thanks dad."

"Hindi pa ako pumapayag, sweet heart."

"Kahit na po, and besides, I know you dad, hindi niyo ako matitiis ni mom." pagbibiro pa niya, but she silently prayed that her parents could grant her wish.

-

Walang paglagyan ng saya si Serenity nang pumayag ang mga magulang niya na mag-aral siya sa university doon sa Manila. Sobrang excited tuloy siya sa darating na pasukan. One week before another school year starts, kinulit niya ang mommy niya na siya na lang ang mamimili ng mga gagamitin niya sa school. Ayaw pa ng mommy niya sa una pero dahil sa pangungulit at paglalambing niya, pinayagan din siya nito.

"Huwag kang hihiwalay sa amin ng Nana Saling mo ha, Serene?" bilin ng mommy niya habang sinusuklayan siya nito. Nakaupo siya sa harap ng vanity habang nasa likod niya ang ina.

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now