Chapter 5: Keychain

16 4 5
                                    

Baka may mali akong nagawa. Yun lang ang tanging maisip kong dahilan.

Iniyak ko nalang, lahat ng kaya kong iiyak. Nakakainis, nawawala kaastigan ko neto eh haha. Bela Perez yun eh...

Napatingin nalang ako sa itaas, ang ganda talaga ng artworks ni mother nature. Nakakakalma ang pagtama ng hangin sa mga dahon at sanga ng mga puno.

Kada paghampas ng mga sanga at dahon ay para akong henehele. Hinayaan ko nalang ang katawan kong pumailalim sa kanta ni inang kalikasan.
----------------

Nahimbing lamang si Dave sa ilalim ng puno, malumanay na dumadampi sa kanyang mukha ang mga nahuhulog na dahon.

Ang ihip ng hanging lumilipad papunta sa kanya'y nagpapalalim pa ng kanyang himbing.

Sa 'di kalayuan, may isang dalagang papalapit kung nasaan si Dave.

Nakasuot ng puting blouse na may maroon na outline sa kwelyo at manggas, palda'y maroon din at sakto lang na matabunan ang kanyang mga tuhod.

Hinawi ng dalaga ang mga dahon sa mukha ni Dave, sya'y napangiti.

Hinaaplos nya ang kanyang kanang pisngi at hinayaan nyang lakbayin ng mga ito ang mukha ni Dave hanggang sa umabot iyon sa kanyang mga labi.

Agad namang kinuha ng dalaga ang kanyang kamay at napa-buntong hininga.

Naupo sya sa tabi ni Dave at napatingin lamang sya sa kanya.

Tinitigan nyang mabuti ang bawat detalye sa kanyang mukha.

Ang matangos nyang ilong, mga makapal na kilay na perpekto ang pagkakahugis, mga labing singpula ng rosas, mahahabang pilik, nunal na malapit sa kanyang kanang mata na 'di nya alam kung bakit sa tuwing makikita nya'y bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Sana habang buhay kitang matitigan ng ganito sinabi nya sa kanyang pagbuntong hininga. Tumayo ang dalaga at nilisan na si Dave.

Lingid sa kanyang kaalaman ay naiwan nya ang kanyang keychain, isang pikachu keychain, na ngayo'y nakatabi na kay Dave. Isang maliit na bagay na paalala ng masasaya nyang ala-ala. Ala-alang kasama si Dave.
---------------

Dave's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, unti-unti ring luminaw ang imahe ng puno sa aking itaas.

Nababalutan ng kahel ang lahat, siguro ay palubog na ang haring araw.

'Di ako nakapasok sa klase! Paktay! Umupo na lamang ako at sumandal sa puno.

Ansakit ng ulo ko, ramdam ko ang magkahalong natuyong luha at laway sa mga pisngi ko. Ramdam ko rin ang mga butil ng buhanging nagsilbing unan kanina.

Tumayo na ako't pinagpagan ang katawan ko. Sa pagpagpag ko may napansin ako sa lupa.

Keychain?

Kinuha ko ang dilaw na keychain na nakahimlay sa lupang higaan. Pamilyar ang keychain, parang nakita ko na dati pero 'di ko alam kung saan. Pinasok ko nalang ito sa bag ko at nagmadaling pumunta sa classroom.

Takte! 'Di na ako pinapansin ni Bela tapos baka maexpel pa ako!

Inabutan ko ang klase, si Sir Math ang nagtuturo, inabutan din ako ng tingin ng mga classmate ko.

Bigla akong nanlamig sa hiya.

"M-m-ma-may I come in sir?" nag bow pa ako matapos sabihin, japanese?

"Ang dungis naman ni Dave?"

"San kaya yan galing?"

"Namasura yata ampo--"

Rinig na rinig ang usapan at ilan pang tawanan ng mga kumag kong kaklase.

"ENOUGH CLASS!" Sigaw ni Sir na aktong mambabato pa ng eraser, napahakbang naman ako palayo.

"Ikaw Mr. Dueñas? Pumasok ka na din! I'll see you after school!"

Nakakatakot, nanlilisik ba naman yung mga mata nya habang sinasabi yun. Pero mabait yan si sir, madami lang nagsasabing terror sya kasi dahil sa subject nya, isang beses nga 'di ako nakatake ng exams pinasa nya parin ako. Thank you sir!

Upo. Kinig. Kinig nga ba? Wala naman ding pumapasok sa isip ko, pabalik balik sa isipan ko yung mukha nya.

Malamig na titig, yung parang 'di ka nya kilala. Yung tipong biglang ang taas taas ng tinatayuan nya tapos tinitignan nya ako sa ibaba.

Tumingin ako sa labas ng bintana, malayo sa ingay ng classroom. Ingay ng tanungan at iilang mga nagchichismisan tungkol sa views ng favorite nilang idols. Lahat tahimik, maging ang pilit na paglakas ng boses ni sir na talagang nagpapapiyok ng iilang salita.

Natanaw ko, naka uniform man, kagaya din ng lahat ng estudyanteng babae dito. Blouse na puti maroon na outline sa manggas at kwelyo. Kahit parehas sila, sya lang ang iba.

Biglang may kung anong nagsusumigaw sa puso ko. BELA! BELA!

'Di ko alam kung kanino ako makikinig, sa puso kong nangangailangan ng kasagutan o sa utak kong, tinanggap na ang katotohanang inakala.

Biglang umiinit ang paligid, bumagal ang lahat. Sa pagtulo ng pawis ko'y naiipon ang 'di kasiguraduhan. Dumadaan sya't unti unti ring nagpapatuloy ang oras.

Magagalit si teacher, sabi ng utak.

'Di na mahalaga yun! Nandyan na sya! Katwiran ng puso

Patuloy lamang sila, sinasabayan ang ingay ng klase.

'Di ko na namalayan na ako'y nakatayo na pala.

"Mr, Dueñas?! What seems to be your problem?" tanong sa akin ni sir na ngayun ay may korteng heart nang pawis sa bandang dibdib.

'Di ko na sya pinansin, bahala na.

Takbo! Takbo!

Kada hakbang may dalangin na sana magkaruon ng kaliwanagan, Bela, yan lang ang tanging laman ng isip ko ngayon. Apat na letra, isang pangalan.

Naabot ko na ang kamay nya.

"Bela teka lang..."

Itutuloy...







Turn BackUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum