Chapter 24

24 2 0
                                    

Special Chapter:

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay ngayon lang ako nagkamalay. Narinig kong sabi ng  manggagamot ay limang araw na raw akong walang malay.

Tandang- tanda ko ang naging engkwentro  namin ni Lady Jin Ah bago kami tuluyang makabalik sa panahon namin. Hindi ko na mapipigilan ang muli niyang pag- amba sa akin ng saksak kaya maswerte ako dahil bago niya magawa iyon ay tuluyan kaming nahulog sa malalim na bahagi ng ilog ng Han senyales na nakabalik na kami sa panahon namin. Pero pagkatapos no'n  ay wala na. Tuluyan nang nagdilim sa akin ang lahat.

Nagising na lang ako na nasa isang marangyang silid na ako. Hindi ito ang silid ko. Wala ako sa bahay ng mga Peng. Inilibot ko ang pa ang paningin ko bago tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Wala na pala akong babalikan, dahil wala na akong pamilya."

Pinunasan ko ang luha ko nang marinig na bumukas ang pinto ng silid. Mabilis akong humiga at nagpanggap na walang malay.

"Kumusta na ang mahal na Reyna?" baritonong tinig ng lalaking pumasok sa silid.  Naramdaman kong umupo siya sa gilid ko bago hinawakan ang mga kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Gusto kong idilat ang  mga mata ko pero natatakot ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ito pa lang ang ikatlong beses na magkikita kami ng Kamahalang Ryong Zae na alam kong asawa ko na ngayon.

"Wala pa rin siyang malay, Kamahalan pero sa aking pagsusuri ay wala na siya sa panganib. Hinihintay na lang po natin na magkamalay siya," sagot ng manggagamot.

"Iwan mo na muna kami."

Narinig ko ang pagsara ng pinto senyales na umalis na ang manggagamot pero ramdam ko pa rin ang kamay ng Kamahalan na nakahawak sa akin.

Inalis niya ang kamay niya at lalo ng nahulog ang puso ko nang hinawakan niya ang gilid ng mata ko.

"Bakit malungkot ka, Reyna Peng Soo Ah. Hindi ba ito ang gusto mo? ang maikasal sa akin kaya para saan ang mga luhang iyan?" matigas na sabi nito na biglang nagpasakit ng dibdib ko.

Mali pala ako ng akala. Hindi ko nabago ang pangyayari. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gusto ng Kamahalan. Malamang ay kaaway pa rin ang turing niya sa pamilya namin.

Malungkot kong iminulat ang  mga mata ko nang makalabas na siya ng silid. At isang pasya ang nabuo ko.

Maingat akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili ko. Sa palagay ko ay kaya ko ng tumayo.

Pinag- aralan ko ang mga kilos ng mga taong pumapasok sa silid ko. At sa pagpatak ng alas siyete ng gabi ay may papasok na tagapag-silbi  sa palasyo para linisin ang katawan ko at palitan ako ng damit. Ito ang hinihintay kong pagkakataon.

Bumangon ako at ginamit ang inipon kong lakas para mapatumba siya. Hiniga ko siya sa higaan ko at saka ko pinagpalit ang kasuotan namin. Kasama ang hopae (nametag) na palagi naming suot.

"Seo Ji Ho," ulit ko sa nabasa ko sa hopae. Simula ngayon ay ito na ang magiging pangalan ko.

Tahimik akong nakalabas ng silid ko. Pero katulad ng inaasahan ko ay nahirapan akong makalabas ng palasyo kahit na nakapagpalit na ako ng uniporme ng tagapag-silbi. Masyadong mahigpit ang seguridad sa palasyo dahil na rin sa mga nangyaring pagtataksil. Malalim na rin ang gabi kaya minabuti ko na lang munang magmanman at makibalita.

At sa naririnig kong mga usap- usapan ng mga tagapag-silbi ay nilitis na raw kanina si Lady Jin Ah at hahatulan ng parusang kamatayan dahil na rin sa hiling  ng ama ni Haring Ryong Zae.

Kaya siguro gano'n  pa rin ang galit sa akin ng Kamahalan ay dahil sa hatol ng kanyang ama at wala siyang magawa. Alam kong  mahal niya pa rin si Lady Jin Ah dahil hindi naman ang Kamahalan ang nakasama ni Penelope rito. Kaya alam kong wala siyang naaalala sa mga nangyari at sa mga kasamaang ginawa nila Lady Jin Ah.

Marrying Rizal Park [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon