"It's never gonna happen, KD. I don't love her." Mabilis kong sagot. Napatawad ko na sila. Wala naman akong ibang choice kundi ang pagbigyan sila. Naisip ko na para sa akin nga siguro talaga ang ginawa nilang lahat. Para sa ikabubuti ko. Maybe all of them wanted the mystery to end. Kahit naman ako ay ayoko na ng sikreto, sisiguraduhin ko na lang na may distansya sa pagitan ko at ng mga Consunji.

"Pare, na-miss kita!" Ido rushed to hug me. Napaigik ako dahil natamaan niya ang balikat ko.

"Putang ina mo! Masakit! Gago ka!"

The door opened again. I smelled Leira's perfume and it ticked me off. Itinulak ko si Thaddeus palayo sa akin at saka ako tumikhim. Hinintay ko siyang pumasok sa mismong kwarto. Siguro ay may inilagay siya sa maliit na sala ng kwartong iyon. Binilang ko ang mga hakbang niya at nang ika-anim na hakbang ay nakita kong sumilip siya sa divider ng silid.

"Hi, boys! I brought food!" Parang magic word ang sinabi ni Leira. Nag-alisan ang mga kalalakihan at naglipatan sa kabila upang kumain. Naiwan kaming dalawa. She loooked different today. She was wearing a floral sleeveless flowey shirt and a pair of cute shorts. Naka-sandals siya at nakaladlad ang mahaba niyang buhok.

"Summer na summer ang peg! Anong meron?" Biro ko sa kanya. I was looking at her and I realized that I really need to open up to someone else other than my friends. My friends are my comfort zone. Sa kanila ang takbo ko kapag ayoko ng mga nangyayari sa buhay ko pero tama siya na hindi sa lahat ng pagkakataon nandyan ang mga taong ito para sa akin. They have their own life to live and I have mine at hindi pwedeng sa lahat ng oras ay on call sila sa akin. I have Arruba but I love her and I don't want my feelings to get involve with her especially now that I know how David must feel about her.

I have to keep my distance.

"Pume-peg ka na ngayon ha!" Nilapitan niya ako. She was smiling at me and somehow, for some reason, that smile melts away all my walls, I've let my guard down. Leira, isn't so bad after all.

"Do you know how to drive?" I asked.

"Yes. Why?" Hinaplos niya ang balikat ko na natamaan ni David kanina.

"I need you to get me to somewhere. Now."

Matagal niya akong tinitigan tapos ay huminga siya nang napakalalim.

"Kaya nawala ang schedule ko dahil sa'yo."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero napangiti na rin ako.

----------------

I cannot believe that I let a man escape the hospital. Kinakabahan ako hanggang ngayon. Iniisip ko kung paano ako kapag nahuli kami. Maraming CCTV sa ospital. Baka isipin nila tinakasan ni Azul ang bills niya! Pinipilit akong kumalma ng lalaking sira ulo pero kinakabahan talaga ako.

"Babalik ako, 'wag kang kabahan. I still need therapy. A nurse told me once to not skip therapy." I looked at him and I saw his eyes being melodramatic and stuff. I just pout my lips. Ako ang nagmamaneho. Sinabi niya na ideretso ko lang daw ang sasakyan. Hindi pa naman niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta, pero alam ko na hindi niya ako pababayaan kaya hindi na rin naman ako nag-aalala. Injured or not injured, he will do everything just to pretect me. I sounded so involve with him - I am involve with him- pero sa mababaw na lebel lang.

Pinadaan niya ako sa Dang-wa para mamili ng mga bulaklak. He asked for a white rose and a red rose. Tig-isang piraso lang ang binili ko tapos ay sinabi niya sa akin na pupunta kami sa Eternal Cemetery. Napatitig ako sa kanya. That was the moment when I realized that we're about to visit someone who died - maybe a loved one...

Maybe his mom.

At hindi ako nagkamali. Nakasaklay si Azul at ako ang umaalalay sa kanya. Humantong kami sa isang puntod malapit sa ilalim ng puno ng Narra. Inalalayan ko siyang maupo roon. The name engrave at the grave is Olivia Maria Azul - Ledesma: A loving mother, wife and a kind hearted person.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now